Chapter 05

1331 Words
Aubrey's POV I still don't know kung papayag ba ako sa offer ni Warren. Maganda ang offer pero I have this feeling na parang hindi ako worth it. Lack of confidence I guess. I can't imagine myself smiling in front of a camera. Baka may tinga ako sa ngipin at ma-publish 'yung picture tapos kumalat Nationwide. That would be very embarrassing! After school, dito agad ang punta ko sa pinapasukan kong coffee shop. It's just a few meters away in my school. Walking distance lang kaya saved na ko sa pamasahe. "Hi Aubrey," she greeted while smiling at me. I smiled and asked for her order. Suki na s'ya sa coffee shop namin. She and her friends come here regularly. Maganda kasi ang ambiance ng shop. Perfect for those people who like taking photos. "Same thing Aubrey parang hindi naman ako nabili dito." Magiliw niyang sabi at saka tumawa ng bahagya. She's Megan. Maganda s'ya and I'm kind of attracted to her but studying must be put first always. Hindi naman ako umaasang mapapansin n'ya 'ko. There's no way na papatol s'ya sa isang patpatin at nerd na kagaya ko. I heard na gusto n'ya si Zain. Well what do I expect? G'wapo at hot daw ang mga bad boy na kagaya nila. Tss. I looked at her and when I saw her smile napangiti na rin ako. How can Zain ignore this beautiful woman? Agad akong bumalik sa counter para sabihin ang order ni Megan. 10:30 p.m. na when I got home. I ate na kanina together with my co-workers. Some of them are working students like me kaya hindi kami nagkakalayo sa age. We always eat in a small karinderya just a few steps away sa shop. Twenty-four hours daw silang bukas which is true naman. We get to eat different dishes in the most inexpensive way possible sa karinderya ni aling Pasing. Imagine in just thiry pesos. solve ka na. Complete meal na 'yun. Agad akong pumunta sa kwarto ko to change into comfortable clothes at saka ako sandaling nagpahinga. I need to cook dinner for them. Late naman silang umuwi kaya wala akong dapat ipag-alala. Tito's busy in managing business. Tita is with her friends. Agatha is with her friends too same as Xander. Lahat sila late umuwi, in short ako pa lang sa bahay. Bumaba ako ng kitchen at ipinagluto ko na lang sila ng tinolang manok at saka iniwan sa dining table. Bahala na silang mag-microwave. Pagkatapos kong magawa ang assignments ko ay naglinis ako ng k'warto ni Xander. S'ya lang ang nililinisan ko ng k'warto. S'ya lang naman kasi ang pumapayag na mapakialaman ang gamit n'ya. Used condoms and boxers na kung saan-saan nakasabit. Napaka talaga ng lalaking 'to! Pagkatapos ko sa k'warto n'ya ay ang bahay naman. This is my routine every single day. Paulit-ulit lang. No partying. No gala since birth ako. Wala naman akong kaibigan eh. Time checked 12:00 a.m. it's already midnight and yet wala pa rin sila? Seryoso? Bahala sila punta na 'ko ng k'warto ko. Medyo nangamoy pawis ako sa ginawa kong paglilinis. I should take a half bath. Kahit malamig ang tubig, I managed to soaked myself in the tub. Sarap. Sana laging gan'to. BAM! BAM! BAM! Agad akong napamulat ng mata nang nakarinig ako ng sunod-sunod na malalakas na katok sa aking pinto. Sino ba 'to?! Inis akong nagtapis ng tuwalya sa aking katawan at saka kunot noong hinarap ang balasubas na kumakatok ng pinto ko. "Ano'ng problema mo?" I calmly asked kahit gusto ko nang sigawan 'tong Xander na 'to. It's my resting time na. Give me a break! Nakatungo s'ya kaya hindi ko makita ang mukha n'ya, but sa kilos at amoy n'ya? I can already tell that he's drunk. You heard it right. He's only seventeen and yet umiinom na siya. He lifted his head and looked at me. Ang pungay ng mata n'ya. Lasing nga s'ya. He's smirking while looking at me. "Ano ba 'yun? Gabi na h'wag ka nga dito!" Naiinis na ko sa kumag na 'to. Kakatok-katok para ngisian ako?! Nagpapahinga akong tao for Pete's sake! "Bakit mo ba 'ko pinapaalis love." Wait, what? Tama ba ang narinig ko? Ano'ng klaseng alak ang nainom ng unggoy na 'to? Love ampopo. "P'wede ba hindi ako si Celine h'wag mo kong landiin!" Isasarado ko na sana ang pinto dahil hindi naman s'ya makausap ng matino nang harangin n'ya ito. "Can I sleep with you love?" Hindi s'ya gan'to pag nalalasing usually. Ang kulit ngayon ni Xander. Teka? Tamang babae ba ang nabanggit ko kanina? Paiba-iba naman kasi s'ya ng kaharutan na babae kaya nalilito na 'ko. "Xander stop! Ano ba magpapahinga na 'ko," I said and closed the door 'buti na lang hindi na s'ya nangulit pa. ——— I woked up doing the same thing. Cooking them breakfast and stuff. Ang naiba lang ay hindi na ako naisabay ni Xander papunta sa school. He's still sleeping dahil sa kalasingan n'ya kagabi. Medyo nagtataka pa rin ko sa pakikitungo ni Xander sa'kin kagabi. According sa nabasa ko dati, drunk talk isn't just nonsense. Drunk people are more likely to have courage to say what they want when they're intoxicated. Am I that good looking to make Xander Fuente gay? I mentally laughed at the thought at saka pumasok. Asa. Time flies so fast and it's already lunch. I'm here in the rooftop with Warren. Ako ang nagsabi na dito kami magkita. Favorite spot ko talaga ang lugar na ito kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong pumunta dito. Hindi naman talaga ito tambayan ni Zain eh. Nauna kaya ako dito. Wala na rin naman siya. I think. "So payag ka ba?" Agad na tanong ni Warren. Sasagot pa lang sana ako nang putulin n'ya ako. "It's a good offer Aubrey. The salary is more than enough and to think na makakasama mo ang isang gwapong Warren Hernandez? Manghinayang ka naman!" nagbibiro niyang saad. Palabiro pala 'to si Warren. He's friendly kaya comfortable akong kausap s'ya. "Papayag naman ako hahah. Salamat sa offer Warren pati na rin sa manager mo. Malaking tulong 'to sa'kin," nakangiti at bukal sa puso kong pasasalamat dito. He smiled tsaka ginulo ang buhok ko. "You're still not answering my question," he said and took a spoonful of his lunch. I raised my eyebrows asking what is it and he drank water before he answered. "Are you lesbian?" Muntik ko ng mabuga ang nginunguya kong pagkain sa sinabi nya. Is he serious? "Mukha ba 'kong lesbian?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya. "Perhaps you're gay then?" I mentally cursed and rolled my eyes. This guy really. "I'm a straight male Mister Hernandez," matigas kong sagot. "You don't look like one though, androgynous eh? Pero mukhang mas more ang feminine side mo," he commented and continued eating. Ugali n'ya ba talagang aralin ang itsura ng isang tao? Psh. We finished eating our lunch and we were about to go back in our classes when he pulled my face close to his. I'm literally facing him right now. "W-What?" nabubulol kong bulong. He smiled at saka parang may pinunasan sa gilid ng labi ko. "May ketchup ka pa sa labi," he said and left. My face heated from what he did. Ketchup lang pala. Kailangan talaga sobrang lapit ng mukha? Nagmamadali kong pinunasan ang labi ko ng panyo sa bulsa at baka may natira pa. Hindi ko napansin 'yun ah. Bakit s'ya pa ang kailan— "You're being recruited as a model?" Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ko. Where did he came from?! Hindi ko s'ya napansin! "Dito pa talaga kayo naglandian? Didn't I tell you to never come back here?" Parang nalunok ko ang dila ko at hindi ako makapagsalita. "I-I'm..." nabubulol kong sabi sa pinakamahinang boses na halos langgam lang 'ata ang makakarinig. "You really want that flower, don't you?" he slurred and smirked diabolically at me. What have I done...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD