Aubrey's POV "Ano po'ng lagay niya?" Tanong ko sa nurse. Nandito ako ngayon sa hospital kung saan naka-confine si Warren. "He's okay. Nilinis na namin 'yung mga sugat niya. Inabot ng fourteen stitches lahat ng sugat niya. We advised him to stay here for several days for observation since meron din kaming nakitang sugat sa ulo niya." Mahabang paliwanag ng nurse. Tatango-tango naman ako habang pinagmamasdan si Warren. "Wala ka bang kilalang guardian ng batang ito na p'wede mong tawagan?" Umiling ako. Kahit minsan ay hindi ko pa nakita ang pamilya ni Warren. "A-Aubrey." Agad akong lumapit kay Warren nang magising siya. "Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" Tanong ng nurse. Pinilit bumangon ni Warren na agad naming pinigilan ng nurse. "Hindi ka pa p'wedeng gumalaw ng gumalaw mister

