Aubrey's POV Nagmamadali akong sumakay sa kotse kasama si Xander. Araw ng Lunes at may pasok kami ngayon. Medyo nahuli kami ng gising kaya mukhang mala-late kami. Hindi na ako nakapag prepare ng lunch. Ang sabi na lang sa'kin ni Xander ay ililibre niya 'ko. "Go first. I'll park the car." Sabi ni Xander. Patakbo takbo akong umakyat ng hagdan paakyat ng room namin. Nakita ko ang first subject teacher namin sa harap ko. "Patay." Bulong ko. Terror pa naman ito. Binagalan ko ang lakad para hindi ko maagaw ang atensyon niya. Nang biglang dumaan ang head teacher ng English. "Ma'am Cantavieja p'wede ka bang makausap muna." Sabi niya sa guro namin. Napasigaw ako ng 'Yes' sa isip at saka pasimpleng dumaan sa likod nila para pumasok ng k'warto. Agad dumako ang mata ko kay Zain pagkabukas n

