Aubrey's POV Masakit man ang katawan ko ay pinilit ko pa ring umuwi para magpahinga. Second day pa lang pero halos malamog na ang katawan ko. Ano naman kaya ang mangyayari kinabukasan? Baka mawalan naman ako ng daliri. How exciting. "Aubrey?" Napatigil ako sa paika-ika kong paglalakad nang may tumawag sa'kin. "W-Warren?" Ngayon ko na lang ulit siya nakita dito sa school. "What happened to you? Bakit gan'yan ka maglakad?" Sunod-sunod niyang tanong habang ina-alalayan ako. "A-Ah I tripped kasi kanina haha. Ayun nabalian." I lied. Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Were you that stupid?" Napasimangot naman ako sa sinabi niya. "Kidding haha. Hatid na kita pauwi?" Hindi na ako tumanggi at nagpahatid na sa kanya. I don't think I can make it at home ng walang umaalalay. Medyo nagulat

