Agnes’ POV SERYOSO kong inilalagay sa isang magandang box ang mga chocolate cookie na malalamig na. Pagkatapos ko iyong mailagay ay isinasara ko iyon at nilalagyan ng kulay pulang ribbon. Ito ang negosyo ni Lulu. Gumawa siya ng online shop kung saan nagtitinda siya ng mga cookies. Naiinip daw kasi siya dati kaya nag-aral siya ng baking at itinayo na niya ang negosyong ito na pinangalanan niyang “Cookie Ni Lulu”. May tagline itong “Oven-fresh at masarap!”. Wala namang problema sa boyfriend ni Lulu ang pagtira ko dito. Natuwa pa nga si James dahil may kasama na daw si Lulu kapag wala ito. Isang buwan na ako dito sa bahay ni Lulu at dalawang buwan na rin akong wala sa buhay nina Tristan at Monique. Wala na akong balita sa kanila. Noong una ay tinatawagan ako ni Tristan pero hindi ko sinasag

