Nakaupo ako sa may table 4 ng biglang sumama yung timpla ng mukha ko dahil sa nakikita ko. Pumuta lang naman yung babae na humalik kay jacob at ang walang hiyang lalakeng iyon mukhang nageenjoy pa. Eh kung gawin ko din kaya sakanya tong ginagawa niya para ng malaman niya kung anong nararamdaman ko. "Okay ka lang ba ate sofia?" Tanong ni Rancey na nasa tabi ko lang. Girlfriend na ni Aaren. Ngumiti ako sakanya pero hindi abot hanggang mata ko. "Okay lang ako, Rancey." Sabi ko sakanya. "Kainis si jacob, konti na lang talaga mabubwisit na ako sakanya." Pikon na sabi ko. "Ate tiis lang, kaya mo yan. Labanan mo yung babaeng kasama ni kuya jacob." "Oo naman. Salamat, Rancey." Buti pa tong bata na to pinapagaan niya yung loob ko. Lumapit samin si Aaren saka siya lumapit sa pwesto ng girlfri

