Ilan linggo na yung lumipad ng makasama ko sila. Hindi na muna ako nagpupunta sa bahay nila pero bumibisita naman si jaden dito. Pinapagalitan ko minsan dahil tumatakas siya kadalasan baka magalit yung daddy niya. Napatayo na sana ako ng biglang bumaliktad yung sikmura ko. Dali-dali akong tumakbo papunta sa banyo at lumapit ako sa bowl sink. Halos wala man lumabas. Napakapit ako sa sink in ng manlambot yung katawan ko. Huminga ako ng malalim bago dahan-dahan lumabas ng banyo, dumeretso ulit ako sa kama ko saka humiga ulit. Last week pa ako nagsusuka tuwing umaga, Eto na ba yung senyales? Senyales na buntis ako? Kung buntis ako paano na si baby kung si jacob ikakasal sa iba? Napabugtong hininga na lang ako. Napagdesisyon ko na tumayo ulit at pumunta sa closet ko, pinalitan ko yung dam

