JACOB Naramdaman ko na lang na may biglang tumapik sa balikat ko. Tumingin ako kung sino. "Bro, relax lang, darating din siya." Sabi ni george. Napangisi ako sa sinabi niya. "Darating talaga siya, wala naman siyang kawala sakin." Natawa siya dahil sa sinabi ko. "Baka magaya ka sakin bro, hindi ko na pinakawalan pa si sofia." "I know bro." Sagot nito pero ibang dereksyon nakatingin kaya tumingin ako doon at nakita ko na nakatingin siya kay hannah. Sinuntok ko siya sa braso. "Not my twin sister george." Babala na sabi ko. "Ano ka ba naman bro, nakakaapreciate lang ako ng dyosa sa balat ng lupa." "Hindi, binabalaan kita george sa oras na malaman ko na may ginawa ka sa kapatid ko hindi ako magdadalawang isip na bugbugin ka hanggang hindi ka na makatayo." "Parang ayaw mo naman sakin y

