CHAPTER 12

442 Words
Jaden's POV Matapos akong pinayagan ni daddy tumakbo ako papunta sa bahay nila mama. "Lola Cedess, lolo edward." Sigaw ko mula sa labas dahil hindi ko abot yung door bell. Ilan beses din akong tumawag sakanila bago sila nakalabas. "May nakalimutan ba kayo apo?" Tanong ni lola. Pinagbuksan niya ako ng gate at pinapasok niya ako. "Wala po lola pero pwede ko po bang ipagpaalam si mama?" Panimula ko. Pinaupo nila ako. Umupo si lola cedess sa tabi ko habang si lolo edward umupo siya sa harapan namin. "Ano po kasi. Hmmm." "Sabihin mo na apo." Singit ni lolo. "Pwede po bang makitulog si mama sa bahay? Nakatulog po si sa kwarto ko lola, lolo. Mukhang napagod po yata kasi po sa pagtuturo at kasama po akong kumain sa labas." "Oo okay lang naman." Sabi nila lola. Ngumiti ako. "Salamat po lola, lolo." Nakangiting sabi ko sakanya. "Sandali lang apo. Kukuha lang ako ng damit ni mama sofia mo para bukas makapagbihis siya." Sabi ni lola at iniwan niya kami ni lolo edward. "Ilan taon ka na? Ano nga yung pangalan mo apo?" Natawa ako dahil mukhang hindi pa alam ni lolo yung pangalan ko. "5 years old po lolo. Jaden po yung pangalan ko." Sagot ko. Ilan minuto lang may dalang bag si lola cedess at ibinigay ito sakin. "Ibigay mo bukas sa mama mo ah." Tumango ako. "Opo lola. Alis na po ako baka magising po si mama." Pagpapaalam ko. "Ingat ka ah." Sabi ni lola at inihatid ako hanggang gate. Kumaway ako sakanya bago tumakbo papunta sa bahay. Pagkapasok ko nakita ko si dad na lang yung nasa sala. Mukhang nasa kusina sina mommy aria. "What's that?" Biglang tanong ni dad ng tignan niya na may hawak akong kulay pink na bag. "Damit po ni mama. Pinadala po ni lola cedess." Sagot ko. Tumango lang si dad, umakyat na ako at tahimik na pumasok sa kwarto ko. Nilagay ko yung bag sa may upuan malapit sa TV. Dahan-dahan akong lumapit kay mama bago tumabi. Hinaplos ko yung buhok niya. "Mamaya po mama sabay na lang po tayong kumain pagkagising niyo tapos bonding po tayo. Wala din naman pong pasok bukas." Mahinang sabi ko bago nagsumiksik sakanya. Jacob's POV Napagpasyahan ko na umakyat muna para makapagpahinga nang madaanan ko yung kwarto ni jaden nakabukas yung pintuan. Tahimik akong lumapit sakanila ng mapansin ko na nakalantad yung legs ni sofia. Napailing na lang ako saka kinumutan sila. Kinuha ko yung phone ko saka sila pinicturan. Pagkatingin ko sa phone ko ang cute nilang tignan, napangiti tuloy ako. Hinalikan ko silang pareho sa noo bago lumabas at pumunta na sa kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD