Matapos kong magbihis, lumabas kaagad ako saka pumunta sa bahay nila jacob. Plano namin na puntahan si jacob, request na din naman ni jaden yon. Nang makarating kami sa mismong company ng Walton Corp. pinagtitinginan kami lalo na si Jaden. Lumapit kami sa babae na nasa reception. "Miss, anong floor si Mr. Walton?" Tanong ko habang hawak ang kamay ni jaden. "30th floor miss." Nakangiting sabi ng receptionist. "Thank you." Pagpapasalamat ko bago pumunta sa elevator at pinindot ang pinakatop floor. Nang makarating kami lumapit kami sa secretary ni jacob. Tumingin siya samin saka ngumiti. "Jaden, anong ginagawa mo dito?" "Ate gemma, nandyan ba si dad?" Tanong ni jaden habang nakahawak ito sa kamay ko. Tumingin sakin yung babae saka ngumiti. "Nandyan ba?" Tanong ko kahit natanong na ni

