JIA'S POV Dumating ako sa presinto ng mas maaga para mahatiran ng almusal si Joshua. Alam kong lalabas na siya dahil sabi ni Drey ay inasikaso na niya ang lahat. Ngunit pagdating ko roon ay naabutan ko si Amanda na nakikipagharutan sa mga panggabing bantay. Inilalapit niya ang kaniyang parang papayang dibdib at pinahahawakan iyon sa isa sa mga kausap n'ya. "Sigurado kang hindi peke iyan? Baka naman puro silicone lang iyan," sabi ng lalaki. "Oo nga, tunay na tunay iyan. Ayan, oh, hawakan mo. Malambot iyan, pwedeng gawing unan." Idinuldol pa ni Amanda sa mukha ng lalaking naka-upo ang dibdib niya. Parang gutom na buwetre naman ito na panay ang hagalpak sa tuwa habang pinapakiramdaman ang dibdib ng kababata ko. Tumikhim ako para iparamdam sa kanila na naroon ako. Nahihiyang napatayo a

