JOSHUA'S POV Matagal na akong kinumbinsi ng mga magulang ko na maging tapat kay Jia tungkol sa tunay kong kalagayan sa kasalukuyan ngunit gusto ko munang subukin siya dahil sobrang taas ng pangarap niya. Pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa, sigurado na akong mahal niya na ako kahit ano pa ang pagdaanan ko kaya nagpasya akong sabihin na sa kan'ya ang totoo. Paglabas ko sa eskinita ng inuupahan ni Jia ay minalas ako dahil ang unang taong nakita ko ay si Amanda. Muntik siyang himatayin kaya inalalayan ko siya papunta sa malapit na hospital. Pagdating doon ay pinabayaan ko na siya sa harap ng nurse dahil may importante akong kakausapin na tao kaya nga hindi ko na hinintay na magising si Jia at umalis na ako. Sa gilid na ng hospital ako dumaan para hindi na ako makita pa ni Amanda. Alam

