JIA'S POV Gabi na ng dumating si Joshua. Sina Harold at Mico ay dumiretso sa Miyac at umuwi muna sa pamilya nila. Nag-aalangan akong magtanong kay Joshua tungkol sa Sir Fred niya kaya hindi ko masabi sa kaniya na nakita ko itong kausap si Drey noong nagkalabuan kami ni Joshua. Alumpihit ako sa upuan habang nanonood kami ng tv. Gusto kong magbukas ng usapan tungkol kay Mr. Fred pero alam kong malaki ang tiwala ni Joshua sa ginoong iyon. Hindi ko rin naman gustong mapahamak ang lalaking mahal ko. Hindi ko namalayan na pinagmamasdan pala ako ni Joshua. Hinihimas niya ang kaniyang baba habang nakatingin sa akin. Magkatabi kami sa upuan kaya siguro naramdaman niya ang bawat galaw ko. Ngumiti ako kay Joshua pero hindi ako sigurado kung ano ang iniisip niya. Bigla na lang niyang hinawakan

