JIA'S POV Maghapon akong naghintay sa tawag ni Joshua. Ngunit namuti lang ang mata ko sa wala. Ang mga tauhan niya ay parang bula rin na nawala kaya hindi ko alam kung sino ang makapagbibigay sa akin ng malinaw na sagot sa mga tanong ko. Si Drey na nasa Palawan ay pabalik na ng Maynila. Nang makarating sa kaniya ang balita ay agad n'ya akong tinawagan at kinumusta. Nangako siyang gagawa ng paraan para makatulog sa mga taga Miyac. Hindi ko na sinubukang bumalik ulit sa covered court. Natatakot akong mabubugbog ng mga tao o kaya ng nanay at tiyahin ko. Hindi ko kayang kontrolin ang isip nila kaya mabuti ng umiwas sa gulo. Itinuloy ko pa rin ang pagpadala ng mga orders ng buyers ko kahit sobrang gulo-gulo ng isip ko. Malapit ng madilim ng dumating si Drey. Alalang-alala siya sa sitwas

