Chapter 3

1614 Words
LEO "Sir!" tawag atensyon sa akin ni Master Sergeant Ramos. "Four men down!" update nito sa status namin. Gumapang ako palapit sa mga ito habang umuulan ng bala galing sa kung saan. Tagilid ang laban namin dahil nasa mahabang lugar ang posisyon kung saan kami na ambush. "Ipunin mo ang mga gamit nila," utos ko. Kulang na kulang ang magazine namin at pa ubos na rin ang mga bala namin magtatatlong oras na rin ang itinagal ng bakbakan at wala kahit isa ang dumarating na reinforcement na request ko kanina pa. Bagsak ang mga puno ng saging sa paligid na akala mo dinaanan ng bagyo sa lakas ng mga balang dumaan dito. Kita ng mga mata ko ang katatagan ng mga tauhan ko. Karamihan sa amin may mga tama pero wala ang kahit isang gustong sumuko. Patuloy na nakikipag laban para mabuhay at makabalik sa mahal sa buhay. Gumagapang palapit sa akin ang radio man ng tropa habang kinu-cover ko ito. Halos mabingi ako sa sunod-sunod na putok ng malalakas na uri ng baril sa paligid. Hindi basta lang ang kalaban namin dahil bukod sa high powered gun ang mga gamit ng mga ito ay loaded din at tila hindi nauubusan ng bala. Alam kong nasunog ang operasyon namin kaya kami na ambush at dito pa talaga sa lugar kung saan mahirap at hindi basta mararating ng reinforcement. May ahas sa grupo at iyan ang kailangang malaman ko. "Status?" tanong ko sa radio man namin. Napahilamos ako ng mukha ng umiling ito at sinabing negative. Kita ko na halos hindi magkamayaw ang medic namin na lapatan ng lunas ang mga kabaro namin. Halos maubusan ako ng lakas ng isa-isang mawalan ng buhay ang mga kasamahan dahil sa pagkaubos ng dugo. Kung sana dumating ang lintik na air support, 'di sana ay maraming buhay ang na agapan at walang pamilyang magluluksa kapag nalaman ang nangyari sa mahal sa buhay. "Connect me to base!" sigaw ko. "Copy sir!" sagot agad ng radyo man na inutusan ko. "10th div…" Hindi na nito nasabi ang susunod dahil agad akong nagsalita. Wala akong pakialam kung ma-court martial man ako. Importante sa akin ang natitirang buhay ng mga tauhang kasama ko. "Where is the f*****g reinforcement sir? Hanggang kailan kami maghihintay? Hihintayin mo pa bang maubos kaming lahat dito bago kayo magpadala dito at mamulot na lang ng mga bangkay ng mga tauhan nyo dahil sa wrong assessment mo!" galit na galit na sigaw ko. Frustrated na ako at sumasabay pa ang kabubohan ng opisyal na kausap ko. "Listen Lieutenant, hindi ko gusto ang pananalita mo!" bulyaw din nito sa akin. "f**k you, sir, mamatay na kaming lahat dito. Lampas apat na oras na sir magli-limang oras na marami na sa tao ko ang naubusan ng dugo! Bakit ayaw mong I grant ang request kong air support?" frustrated na sigaw ko dito. "Punyeta ka Montenegro ipapa-court martial kita!" bulyaw nito sa akin. "Gawin mo kapag nasigurado mong buhay pa ako. Pero itong tandaan mo, babalikan kita sir dyan mismo sa lintik na opisina mo oras na mabuhay ako!" Galit na sigaw ko pabalik dito saka sabay bagsak ng hawak kong telepono. Walang modo na kung wala. Nakakaubos na ng pasensya ang opisyal na gaya niya. Kaya maraming namamatay na sundalo sa laban dahil sa kakulangan ng proper support at assessment ng mga nasa command base. "Sir wala na po si Private Alcantara." Report ng medic na kasama ng grupo. "3 more men down sir!" Sabi naman ni Master Sergeant Ramos. "f**k!" Napamura ako sa sarili. Kailangan ko mag desisyon ngayon. "Ilang ang casualties?" Tanong ko sa mga ito. "Ten confirm dead, five missing, and 14 Wounded including you sir," report pa ni Master Sergeant Ramos. "God great," Nausal ko sa hangin. "Listen walang susuko, we will fight hanggang sa huling patak ng ating dugo!" Sigaw ko. Mga nanghihina man sabay-sabay silang sumagot. "Sir yes Sir!" Halos pa ubos na ang bala sa magazine ko, maging sa mga kasama ko. Nabuhayan ako ng loob ng may narinig akong putok ng dalawang baril habang sumisigaw sa likod ko. "Sir dapa!" sigaw nito sa akin. Saka nagpaputok sa kalaban na agad naman nitong ikinabagsak. "Saan ka galing Private Lopez?" pa sigaw na tanong ko. "Sir, na ubusan po ako ng bala at bumalik sa armour. nNpalayo po kami ni Pfc Llaneta dahil na corner po kami at muntik ng mahuli," paliwanag nito habang hinahagisan kami ng magazine na dala ng mga ito. Nabuhayan ng loob ang tropa at patuloy na lumaban ng putukan, hindi na ako umaasa sa lintik na reinforcement na iyan dahil mukhang may alam ang kalaban sa ruta ng team ko. Isa sa Pfc Llaneta sa magagaling na sniper ko kaya na lift up ang moral ng grupo ng makita itong nakapwesto at full support sa amin. "Lopez, I cover mo si Pfc Llaneta. Ikaw ang mata sa likod nya," utos ko na agad naman itong gumapang palapit sa pwesto ng itinuro ko. "M.S Ramos, focus on their movement, analyze mo kung gaano na sila kalapit at ilan ang gumagalaw. Nilapitan ko ang radyo man ko at bibigyan ng instruction kasunod ng medic na abala sa pagsalba sa mga buhay pa naming kabaro. Kita ko ang ilan sa mga sugatang sundalo na hawak ang kanilang mga baril. Lugmok man ang mga ito sa kinalalagyan gusto pa ring lumaban at protektahan ang bawat isa sa amin. Nakita ko ang papalapit na rebelde sa isa ko pang sugatang sundalo na nakahandusay sa puno ng niyog. Naglabas ito ng patalim pero bago pa nito mahugot iyon ay binaril ko na ito sa ulo. Kahit kailan hindi ako naawa sa mga rebeldeng katulad niya. Salot sila sa lipunan at malimit ay ugat ng kaguluhan kagaya na lang nito. Napangiti ako ng makitang sumasaludo sa akin ang tauhan ko bago tuluyang nawalan ng malay. kailangang gawin namin ang lahat para matapos na ito at parami na ng parami ang nalalagas sa amin. Kahit may kalayuan ginawa ko ang lahat malapitan lang ang position nito. Kasunod ko ang radyo man ko na nag-cover sa akin. Nakahinga ako maluwag ng masiguradong may buhay pa ito. Hindi siguro kinaya ang sakit ng ilang tama ng bala kaya nawalan ito ng malay. Inutusan ko ang radyo man ko na dalhin ito sa pinaka base ng mga sugatang kasamahan. Mas ligtas ito doon dahil may mga kasama itong sugatan man ay nagbabantay sa kanila at may medic na titingin ng kondisyon nila. Kahit umuulan ng bala laking pasalamat ko na narating nito ang lugar na iyon ng ligtas. Malaking bagay na nakabalik Sina private Lopez at Pfc Llaneta. Malaking tulong ang support ng pwesto nila sa taas at sniper na gamit nito. Halos kalahating oras pa ng may marinig kaming mas malalakas at sunod-sunod na putok mula sa lugar kung saan kami unang na ambushed. "Reinforcement sir!" Sigaw ng isa sa mga bata ko. Para akong nakakita ng mga anghel na puti sa paligid sa narinig ko. Masaya ako na dumating sila, hindi man sa oras na inaasahan ko pero dumating sila. Hindi ako nagdiriwang para sa sarili ko, kung hindi para sa mga tauhan ko na nasa bingit ng kamatayan at sa mga sugatang nakikipag laban kay kamatayan. "Lieutenant," Sabay saludo sa akin. "2nd Lieutenant Dennis Henares." Sabi nito ng nakasaludo sa akin. "Thank you Lieutenant. Carry on." Sabi ko sabay baba din ng kamay. "We're the third in command who manage to penetrate the target Sir. The first two groups we sent have been ambushed on their way here. My apologies for the delay sir." Sabi nito na ang mga kasamahan ay pinagtulungang buhatin ang mga walang malay at sugatang sundalong kasama ko. "Salamat," Maikling sabi ko habang kasabay ng paglalakad nito papunta sa highway na pinanggalingan namin ng ma-ambushed kami. Sinigurado kong walang naiwan sa team ko ng makasakay kami sa army truck na dala ng mga ito. Nagpaiwan ang isang company officer at ang tropa nito para mag bantay sa lugar at bantayan ang mga katawan ng mga namatay sa panig ng mga rebelde. Kita ko sa mukha ng mga sugatang tauhan ko ang saya na buhay kaming naka balik. Hindi rin maalis sa puso ko ang labis na lungkot para sa mga naulila ng mga nawalan ng buhay sa naganap na sagupaan. Kahit kailan hindi ako susuko at mananatiling tapat sa bayan. Mananatili akong nakatayo at lalaban hanggang may mga rebeldeng tulad nilang salot sa lipunan. Ako si First Lieutenant Leo Montenegro ang magiging tinik sa kanilang landas. YARA Nakababa ako ng bundok matapos akong ihatid ng isa sa mga kasamahan ko. Akalain mo lang na nag hiking ako sa get up ko kaya walang nagdu-duda sa akin lalo pa at isang residente sa barangay na dinaanan ko ang kasama ko. Mabuti na ang ganito ligtas kami sa posibleng trap ng mga sundalo. Mas ligtas na may tao kami sa loob ng barangay na gaya nito at pwede kaming tulungan anumang oras sa gitna ng panganib. "Ka Yara, hanggang dito na lamang po ako," sabi ng kasama ko ng ihatid ako sa sakayan ng tricycle na maghahatid sa akin sa bus terminal sa bayan. "Salamat po," magalang na sagot ko matapos itong abutan ng limang daan na labis naman nitong ipinag pasalamat. Matapos ang halos kalahating oras narating ko ang terminal at agad nakasakay ng may papaalis na bus papuntang maynila. Ilang oras na lang makakapasok na akong muli sa maynila. Alam kong sa sandaling iyon magsisimula na ang aking misyon. Napangiti ako sa sarili, "I'm ready…" bulong ko habang nakatingin sa gilid ng kalsadang dinadaanan ng bus na sinasakyan ko. Dahil sa pagod sa mga nakaraang araw agad akong nakatulog ng umusad ang bus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD