AKMANG susundan ni Daphne ang babaeng tanging nakita niya sa paglilibot niya sa isang malawak na lupain ng mapatigil siya ng may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. "Daphne." Lumingon naman siya sa kanyang likod at nakita niya ang Mama at Papa niya na nakatayo sa hindi kalayuan habang nakatingin sa kanya. "Halika na, Daphne. Hinihintay ka na ng asawa mo," wika naman ng Mama niya sa kanya. Sa halip naman na lapitan niya ang mga ito ay tumingin siya sa babaeng nakita niya kanina. Hindi niya maipaliwanag pero parang may naghahatak sa kanya na sundan ang babae. At nang hindi siya makatiis ay humakbang ang mga paa niya para sundan ito. Pero hindi pa siya tuluyan nakakalapit ng may biglang humawak sa kamay niya para pigilan siya. At nang balingan ni Daphne kung sino ang humaw

