NAPATINGIN si Daphne sa gawi ng pinto nang maramdaman niya ang pagbukas niyon. At nakita niya ang pagpasok ni Alessandro sa kwarto. Pero hindi naman ito tuluyang pumasok sa loob. Tumutok naman ang tingin nito sa gawi niya "Bakit?" tanong naman niya ng magtama ang mga mata nilang dalawa. "Magbihis ka. May pupuntahan tayo," wika nito sa kanya habang ang mata ay nakatuon sa kanya. Akmang bubuka ang bibig niya para magtanong kung saan sila pupunta na dalawa ng mapahinto siya ng bigla siya nitong tinalikuran at lumabas na ulit ng kwarto. Napatingin na lang naman siya sa pintong nilabasan ni Alessandro. Nagpakawala din siya ng malalim na buntong-hininga. Sanay na din naman kasi si Daphne sa ugali nitong iyon, pagkatapos nitong sabihin sa kanya kung ano ang gusto nito ay basta-basta na lang

