KAGAT- kagat ni Daphne ang ibabang labi ng dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakaluhod niya sa harap ni Alessandro. Nang makatayo ay muntik pa siyang ma-out of balance dahil naramdaman niya ang panginginig ng mga binti niya kung hindi lang naging mabilis ang replexes ni Alessandro, mabilis kasi siya nitong nahawakan sa baywang para hindi siya tuluyang matumba. At nang hawakan nga siya nito ay nakaramdam siya ng boltahe ng kuryente na dumaloy sa buo niyang katawan. At alam niyang naramdaman din nito iyon dahil sa klase ng titig na pinagkakaloob nito sa kanya. Hindi nga din niya napigilan ang pagkabog ng dibdib ng sandaling iyon habang sinasalubong niya ang mainit na titig nito. At akmang lalayo siya dito nang mapatigil siya ng hapitin siya nito palapit sa katawan nito. Pinagdikit nga ni

