MAAGA pa din nagising si Alessandro kinabukasan kahit na late na siyang natulog kagabi. Hindi kasi siya sanay na late na nagigising kapag maaga. Kahit napuyat o pagod siya ay maaga pa din siyang nagigising. He was an early bird, kahit noon pa ay nakasanayan na niya iyon. Feeling kasi niya kapag late na siyang nagigising ay hindi na siya productive. Akmang babangon si Alessandro mula sa pagkakahiga niya sa kama ng mapatigil siya ng maramdamang may katabi siya mula sa pagkakahiga. At nang mapatingin siya sa kanyang gilid ay nakita niya si Daphne. At do'n niya napansin na nakahiga ito sa braso niya and she's still peacefull sleeping. Bahagya ngang nakaawang ang labi nito. Naramdaman niyang nakayakap ito sa kanya at nakayakap din siya pabalik dito. He couldn't stop himself from staring a

