"LORD Alessandro." Walang emosyon na sumulyap si Alessandro kay Magnus nang marinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya. "Signal niyo na lang ang hinihintay," wika naman nito sa kanya ng magtama ang mga mata nila. "Just give me my signal," malamig naman ang boses na utos niya dito Pagkatapos ay inalis niya ang tingin dito at inilipat niya iyon sa labas ng bintana. At sa hindi kalayuan ay tinanaw niya ang isang warehouse. At sa mga susunod na minuto ang nasabing warehouse na iyon ay tutupukin ng apoy at magiging abo. Ang warehouse na iyon ay ang pag-aari ni Henry Sarmiento--isang sindikato at mahigpit din niyang ka-kompetensiya sa illegal na negosyo niya. Ang warehouse nito ay punong-puno ng illegal na firearms. Malaki kasi ang atraso ni Henry Sarmiento sa kanya. Noong nakaraang g

