PAUWI na sina Alessandro at Daphne sa mansion sa sandaling iyon. Si Alessandro din ang nagda-drive ng kotse. Hindi pala kasi nito kasama si Magnus kagabi noong pumunta ito sa bahay nila pagkatapos ng ka-appointment nito kahapon. At pagkatapos nilang mag-breakfast na dalawa sa bahay nila ay nagyaya na ito na umalis na. Gusto pa sana ni Daphne na magpaiwan sa bahay nila pero hindi siya nito pinayagan. Kaya wala na siyang nagawa kundi sumama na dito nang magyaya na itong umuwi. Tahimik lang naman silang dalawa ni Alessandro sa loob ng kotse habang bumabiyahe sila papunta sa mansion nito. Mayamaya ay tumaas ang isang kamay niya patungo sa mukha niya para hawiin ang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya sa sandaling iyon. At akmang ibaba niya ang kamay nang mapatitig siya do'n. Hindi d

