Chapter 4

1551 Words
Jade. Itinali ko ang buhok ko at tinungo ang pintuan nang may kumatok doon. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang kasambahay na umalalay sa akin kanina. "Miss Jade. Pinapabigay po ni Ma'am Hera sainyo." Sabi nito kaya inabot ko ang ibinibigay niyang puting envelope, agad ko iyong binuksan at bumungad sa akin ang sampung libo at may nakalakip na sulat doon kaya binasa ko iyon. Jade, This is your salary this month. I know you're working to Hera Tan now kaya alam kong mas malaki ang sahod mo sakanya. -Temari Inilagay ko iyon sa bulsa ko at nagulat ako nang may iniabot ulit sa akin ang kasambahay na mga paperbag. Ang dami naman? "Mga gamit mo po yan, pinapabigay po ni Ma'am Hera." Sabi nito kaya kinuha ko naman iyon agad. Gusto ko man na tanggihan pero alam kong ayaw na ayaw ni Hera na tinatanggihan siya kaya kinuha ko na lamang iyon. "Ate Jade, mabuti pa at magbihis na po kayo dahil pinapatawag ka na po ni Ma'am Hera." Sabi nito kaya tumango na ako at isinara ang pinto. Binuksan ko ang bawat paperbag at may mga pambahay doon, nakahinga ako ng maluwag nang walang masyadong sando doon o kaya ay mababa ang neckline. May mga jogging pants din doon kaya walang problema. Tinupi ko muna ang mga ito at isinilid sa closet na naroon. Medyo madami din iyon, inilagay ko sa isang gilid ang mga shorts at mga sando maging ang mga damit na amy mababang neckline o kaya ay mga masyadong mae-expose ang balat ko. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at bumungad si Hera na galit na galit. Napaatras ako nang mabilis siyang lumapit sa akin at hinila ang buhok ko. "Didn't they instructed you to come to me!" She angrily grab my hair and pulled me outside the room. Pilit akong kumakawala sa pagkakasabunot niya dahil pakiramdam ko ay matatanggal ang anit ko sa ginagawa niya hanggang sa makarating kami sa harap ng dining table niya. Sapilitan niya akong pinaupo sa isnag upuan at umupo naman siya sa kabila. Napahawak ako sa ulo ko dahil pkiramdam ko ay matatanggal talaga ang anit ko, napapikit ako at hindi mapigilan ang muling mapaluha. "Eat." Malamig na utos nito kaya umayos ako ng upo at kahit na ramdam ko ang pananakit ng katawan ko ay hindi ako nagreklamo at nagsimulang kumain. "H-Hera, p-pwede bang p-akibigay ito kay R-Reene?" Tanong ko at kinuha sa bulsa ang envelope at inilapag iyon sa harap niya. "B-Bayad ko s-sa i-inuupahan n-namin." Dagdag ko at may sinenyasam naman siya na kasambahay at ibinigay sakanya ang envelope at may ibinulong kaya tumango ang kasambahay. "S-Salamat H-Hera." Sabi ko pero hindi niya ako tinapunan ng tingin. " After you eat ay ikaw ang maghahanda ng hapunan. As you can see pinagbakasyon ko ang ibang kasambahay maliban kina Hazel at Melissa." Napatingin ako sa dalawang mas bata sa amin ng ilang taon na nakamasid lang sa amin. "They are still studying and as you can see may pasok na sila mamayang 2 PM at uuwi sila ng 7 PM kaya maiiwan kang mag-isa dito para ipaghanda kami ng hapunan." Nakatingin lang ako sakanya habang nagsasalita siya. "S-Scholar mo ba sila?" Tanong ko kaya tumigil siya sa pagkain at ibinaba ang kubyertos niya. "As you can see I'm not interested in you kaya huwag mo akong kausapin. I don't want to hear your voice at huwag na huwag mo ding balakin na kumanta dahil ipinagbabawal kong kumanta ka. You're my slave Jade." Napalunok ako at nasaktan sa mga sinabi niya. Alam niyang mahal ko ang pagkanta, gustuhin ko man na umalma pero natatakot ako sa pwede niyang gawin. Mahal ko si Hera pero at the same time ay natatakot ako sa Hera na kaharap ko ngayon. She's not the woman that I used to love. She smirked at me and stood up. Nilapitan niya ako at hinawakan ang labi ko. I want to kiss her but I can't, I shouldn't. She suddenly licked my lower lip kung saan may sugat kaya napapiksi ako. "Brace yourself Jade. Simula palang ito. Remember my rules. Don't ever try to sing or even speak not until I said so." Tumango ako kaya ngumisi siya. She pat my head. "Good. I am your master Jade, remember that." Dagdag niya bago ako talikuran at umalis. Naiwan ako sa harap ng mesa na nakatulala at hindi alam ang gagawin. She's controlling me but I'm too weak to protest. "Ate Jade." Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko. It was the girl who gave me th eenvelope. May pag-aalala sa mga mata niya pero ngumiti lang ako. "Mauuna na po kami." Sabi ng isang babae na maiksi ang buhok, I guess she's Melissa and the girl with the dark brown hair was Hazel. As much as I want to say goodbye, I can't. I sighed and fixed the plates on the table. My body is aching but I still need to wash the dishes. Nasa kalagitnaan na ako ng paghuhugas nang makita kong palabas na ng mansion ang dalawang babae, i was about to yell goodbye when I just remember that I shouldn't speak, not unless she said so. Ipinagpatuloy ko nalang ang paghuhugas at nang matapos na ako ay nagpunas ako ng kamay at nagpunta sa kwarto na para sa akin. May sarili naman akong banyo kaya nagdesisyon muna akong maligo ulit bago maglinis ng bahay ni Hera. Nang mahubad ko ang damit ko ay napaharap ako sa full length mirror ng banyo. I traced the big 'X' shaped scar that is visible on my tummy. I turned my back and my tears started to fall when I saw the scars from my shoulder down to my leg. My back feels rough because of the scars. Nagkaroon ng pasa sa braso ko at maging ang leeg ko. Meron din akong pasa sa pisngi ko at may sugat ang ibabang parte ng labi ko. I look pathetic. My upper chest is also scarred. Muli akong napahawak sa tummy ko. "Baby..." I whispered and my heart tightened. I cried my heart out as I drown myself from the pain and sadness. The water began to pour and touch my skin. Memories from that day appeared on my mind. Tinakpan ko ang bunganga ko para pigilan ang hugulhol na gustong kumawala sa akin. I tried so hard to supress my sobs. The pain is still killing me. Kahit nahihirapan ay pinilit kong tapusin ang pagligo at pinigilan ang sarili sa pag-iyak. I need to be strong right now. Hera needs to know what really happened before and I should gain her trust before I tell her everything at sisiguraduhin kong papaniwalaan niya ako. Lumabas na ako ng banyo at mabilis na nagbihis para masimulan na ang paglilinis. Nakasuot ako ng long sleeves na nakita ko kanina at jogging pants. I can't wear shorts because of my visible scars. Nang malapit nang mag-7 PM ay nagsimula na akong magluto, magluluto nalang ako ng adobong manok at menudo para sa ulam ngayon. Dumating na ang dalawang scholar ni Hera at tumulong naman sila sa akin gusto ko sanang sabihin na huwag na lamang pero ayokong magsalita at suwayin si Hera. "Ate Jade, pwede mo naman po kaming kausapin kasi wala naman po si Ma'am Hera." Napatingin ako kay Hazel at may hawak siyang plato. "Hindi po namin alam kung anong istorya niyo pero huwag po kayong mag-alala kasi kasama mo naman po kami." Sabi ni Melissa kaya ngumiti ako at tumango. "Maraming salamat." Mahinang sabi ko at ipinagpatuloy na ang pagluluto. Somehow, nakahanap ako ng kakampi kahit na wala dito si Reene. Alas-onse na ng gabi nang dumating si Hera, pinauna ko nang kumain yung dalawa at sinabing hihintayin ko si Hera. Pumunta ako sa main door at naabutan siyang lumabas ng sasakyan niya na tila lasing na lasing. Agad ko siyang inalalayan nang muntik na siyang matumba. Her sweet smell invaded my nose pero nahahaluan iyon ng alak. "Hmmmm..." Kahit na nahihirapan ay tinulungan ko siyang makarating sa kwarto niya. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama niya at inalis ang suot niyang sapatos. "What the fvck!" Rinig kong bulalas niya kaya agad akong napaatras nang bigla siyang napaupo sa kama niya. "The cheater is here." Tumawa siya ng mapakla at ramdam ko naman ang pagpiga ng puso ko. She's drunk. "Hindi ko alam kung bakit nabaliw ako sayo noon." She laugh again at nagulat ako nang bigla siyang tumayo at hablutin ang braso ko. She pinned me on her bed kaya nanigas ang katawan ko. My heartbeat went wild not because of joy but because of fear. She started to unbutton my shirt but I stop her. Nag-unahan sa pagtulo ang luha ko dahil sa takot at kaba. May body is trembling and my tears won't stop falling. "Huwag Hera parang awa mo na." Her eyes suddenly settled on my crying face. Hanggang sa umalis siya sa ibabaw ko. "Get out!" She roared kay agad kong ibinutones ang damit ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto niya. Punong-puno man ng luha ang mukha ko ay nagawa ko parin ang makapunta sa kwarto ko at doon nagsimulang umiyak. I'm still not ready to show you everything Hera. My body is not the body you used to adore anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD