Jade.
Mabilis na lumipas ang isang linggo at sa loob ng isang linggo na iyon ay hindi umuwi si Hera. Nalaman ko lang kina Hazel at Melissa na nasa Canada daw ito para sa business trip niya.
Aaminin kong nangungulila ako sakanya at sa nakalipas din na idang linggo ay matamlay talaga ako at tila wala sa sarili. Inaliw ko ang sarili ko sa paglilinis ng mansion araw-araw. Gusto akong isama nila Hazel sa labas pero tumanggi ako dahil hindi magugustuhan iyon ni Hera.
Magaling na ang pasa ko sa pisngi at pati ang sugat sa labi ko. Maging ang napaso sa sopas ni Hera ay magaling na din, normal na ulit ang paglakad ko. Kasalukuyan akong nagsusuklay ng buhok dahil kakatapos ko lang maligo.
Suot ko ang long puti na long sleeves at itim na track pants. Gustuhin ko mang magsuot ng maiikling shorts na binili para sa akin ni Hera ay ayoko dahil makikita niya ang mga peklat ko.
Pagkalabas ko ay naabutan ko si Hera na nakasuot ng usual business attire niya. She looks beautiful and handsome at the same time, how can she do thay? Nakasandal ito sa pader at nakapikit ang mga mata. Nang maramdaman niya siguro ang mga titig ko sakanya ay nagmulat ito.
I miss those chocolate brown eyes of hers. I bit my lower lip, she looks tired and drained.
"A-Ayos ka lang ba Hera?" Tanong ko sakanya.
"Yes, I told my friends that you're going with us." Simpleng sabi nito kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Your friends meaning..." She stand straight and nodded.
"Sige sandali at magbibihis ako." Sabi ko at muling bumalik sa loob ng kwarto para palitan ng dark blue jeans ang track pants na suot ko at puting long sleeves bago nagsuot ng white sneakers.
Paglabas ko ng kwarto ko ay naabutan ko ulit si Hera na nakasandal sa pader at nakapikit. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay nagmulat siya at nauna nang maglakad palabas kaya sinundan ko siya, sumakay ako ng sasakyan nang makapasok na din siya sa loob. Mabilis ang pagpapatakbo niya kaya mabilis kaming nakarating sa isang mamahaling restaurant, ngayon lang nag-sink in sa akin na hindi angkop ang suot ko sa pinuntahan namin. Nakaramdam ako ng hiya kay hera, she looks formal with her business suit at ako naman ay nagmumukhang alalay lang niya.
Gusto ko man isuot ang mga naggagandahang dress na nasa closet ay hindi pwede dahil sa mga peklat sa likod ko. Hindi ako pwedeng magsuot ng sando o spaghetti strap o kahit pa off shoulder dahil hanggang balikat ko ang mga peklat sa katawan ko. Hindi rin ako pwedeng magsuot ng damit na mababa ang neckline dahil sa mga paso sa dibdib ko na naging peklat na din.
Gustuhin ko man ay ayokong mandiri sa akin ang mga tao kaya t-shirt o kaya ay long sleeves lang ang pwede kong isuot na pantaas, ganon din sa shorts hindi ko iyon maisusuot dahil ang balikat ko pababa sa paa ko ay may mga peklat din. Makinis man ang hita ko ay puno naman ang peklat ang likod nito.
Sinundan ko lang siya habang nakayuko ako at hindi nagsasalita.
"There they are." Sabi niya kaya binilisan niya ang paglalakad habang ako ay nakasunod lang, tumigil siya kaya tumigil din ako. Nasa likuran ako ni Hera at dahil matangkad siya ay natatakpan niya ako.
"Woah! Nice to see you again!" Rinig ko ang boses ni Rose kaya napatingin ako sakanya, hindi pa kasi nila ako napapansin. Mas may hubog na ang katawan ni Rose ngayon, perpekto ang kurba ng katawan niya at mas umapaw ang ganda niya ngayon. Si Kyla at Sabrina ay ganoon din, they have the aura that says 'don't mess wih me'.
Sa pagkakaalam ko ay focus na si Rose sa modelling niya, si Sabrina ay isa nang doktor at nagkalat ang hospital nila sa iba't-ibang bansa at kung hindi ako nagkakamali ay mayroon din silang law firm kung saan nagtatrabaho ang mga pinakamagagaling na lawyer sa mundo.
Kyla is now a succesful engineer and owns different kinds of real estates around the world. Kyla's family also loves technology kaya nangunguna din ang mga ito sa buong mundo.
Well, Hera's family ons airlines all around the world. Her family also designs different kinds of transportation, mapa-sasakyang panlupa man, pandagat o pang-himpapawid. And if I'm not mistaken her mother also owns a winery.
Rose's family owns the most popular and leading brand in fashion and beauty products not to mention their publishing company including the magazines.
Yeah, they're the person you don't want to mess with.
"Jade?" I heard a familiar voice suddenly called me. Nang tignan ko iyon ay nanlaki ang mga mata ko.
"Zeea?" Her eyes suddenly watered.
"Magkakilala kayo?" Takhang tanong ni Sabrina.
"Yes! She's my bestfriend along with Reene Madriaga!" I bit my lower lip whe she stood up and attack me with a hug. Niyakap ko siya pabalik.
"I miss the both of you!" Sabi nito kaya natawa ako.
"Miss ka na din namin, lalo na si Reene." Sabi ko sakanya kaya kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.
"I'm sorry, about what happened a year ago. I hope Reene can forgive me." Ngumiti ako sakanya.
"Mahal ka ni Reene kahit na masungit at suplada yon." Natatawang sabi ko.
"I'm really sorry Jade, dahil lang sa maliit na misunderstanding nagkahiwalay tayo ng dalawang taon. Ang taas kasi ng pride ko." I patted her back.
"Mataas din ang pride namin, pare-pareho lang tayo." Natatawang sabi ko kaya natawa na din siya.
Kyla coughed and she got our attention, bigla akong napayuko. May mga kasama nga pala kami.
"Sit down Jade." Hera's tone is full of authority kaya naupo na ako at maging si Zeea ay umupo na din.
"How did you meet each other?" Tanong ni Sabrina kaya tinignan ako ni Zeea.
"Wait! Ngayon ko lang din napansin, you're with Hera?" Tanong nito sa akin ng may kunot sa noo at nakaturo pa siya kay Hera. Nakaramdam ako ng kaba ng unti-unting manlaki ang mga mata niya.
"Oh fvck!" She suddenly cursed kaya napatingin ang apat sakanya. I gulped, tinitigan ko si Zeea at umiling ng dahan-dahan, my body is trembling when she answered her own question. I hope she gets what i'm trying to say.
"Ang Jade na ikwinento mo sa akin ay si Jade!?" Gulat na tanong ni Zeea kay Sabrina.
"Yes, how did you know each other?" Tanong ni Sabrina.
"What's going on?" Tanong ni Rose na nakakunot na din ang noo.
"Can you guys please explain what's happening?" Tanong ni Kyla.
"How did you met Jade, Zeea?" Seryosong tanong ni Hera kaya napakagat ako sa labi ko at umaasang hindi sasabihin ni Zeea ang nalalaman niya.
"Oo nga, hindi ba magkaiba kayo ng pinag-aralan? I mean Jade was with us before." Sabi ni Sabrina kaya napalunok ako. I can feel my hands getting cold and this is not good.
"I accidentally bumped her when Reene and I was shopping." Nakahinga ako ng maluwag ngunit hindi ko iyon pinahalata, Zeea's staring at me intently. Nagtatanong ang mga mata niya.
"Oh! Kamusta na nga pala ang company niyo Jade? Hindi ba't may maliit na negosyo ang papa mo? Alam kong malago na ito ngayon lalo na't magaling magpatakbo ang papa mo." Sabi ni Rose.
"Are you member of a band?" Tanong ni Kyla kaya napalunok ako. Sila na ang nag-order ng pagkain para sa amin pero hindi ko kayang kainin ang mga pagkaing nasa harap ko dahil masyado akong nate-tense sa mga tanong nila.
"I-I was working there..." Mahinang sabi ko at sinulyapan si Hera na busy na kumakain. Ramdam ko ang gutom ko pero hindi ako makakain.
"Working? Hindi ba dapat sa negosyo niyo?" Zeea's not liking their questions dahil halata ang pagkairita nito.
"Eat Jade." Utos nito nang mapansin niyang hindi ko ginagalaw ang pagkain ko.
"Kayo na ba ulit?" Tanong ni Rose kaya natigilan ako, anong isasagot ko?
"No. I will never get back with her." Malamig na sabi nito kaya naramdaman ko ang pagpiga sa puso ko. Straight to the point. I am kinda disappointed, hindi na ba talaga niya ako kayang patawarin?
"What's your plan then?" Tanong ni Zeea kaya napatingin kaming lahat sakanya. Oh no! This is bad! Bulong ko sa sarili ko.
"Wala na kayong pakealam doon." Binitawan ni Zeea ang hawak niyang kubyertos at tinignan si Hera.
"So you also don't care what happened to her five years ago?" Tumaas ang isang kilay ni Hera.
"She cheated on me." Napasinghap si Zeea na tumingin sa akin.
"Jade's family was killed five years ago!" She suddenly blurted out which made them stop.
Fvck!