Chapter 8

1755 Words
Jade. Nagpapasalamat ako sa tumawag sakanila nang tinanong nila sa akin iyon kanina. I'm already alone again with Hera, sabi ni Sabrina ay painumin ko daw siya ng gamot sa tamang oras. Nang magising si Hera ay hindi siya nagsasalita at halatang inaantok parin siya kaya nilapag ko ang pagkain sa lamesa sa kwarto niya at lumabas na din agad. Lalabas kami bukas nila Reene at Zeea, sabi ni Zeea ay tinawagan na daw niya si Reene at bukas daw ay mag-uusap kaming tatlo. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa sinabi nila, I miss the both of them. Pinalipas ko muna ang isang oras bago balikan ang iniwan kong pagkain kay Hera, pagbukas ko ng pinto ay natutulog na ulit siya. Iniligpit ko ang pinagkainan niya at lumabas ng kwarto niya. I sighed and cleaned the dishes before going back to my room. * Kinabukasan ay nag-text sa akin si Zeea kung saan kami magkikita kaya agad akong nagpaalam kay Hera ulit dahil baka makalimutan niya. "Be back at 5 PM." Iyon lang ang sinabi niya bago paandarin ang kotse niya paalis kaya napangiti ako. Bumalik ulit ako sa kwarto ko para maligo at magbihis dahil excited an akong makasama ulit sila Zeea. Nagpaalam din ako sa mga kasambahay dahil baka hanapin nila ako, sinabihan lang nila ako ng mag-iingat at huwag magpapagabi bago ako gumayak. Nagulat ako nang bumungad ang isang magarang kotse sa harap ko. "Ako na po ang maghahatid sainyo utos ni Ma'am Hera." Ngumiti ako at tumango, mahirap na baka magalit na naman si Hera kaya kung anong utos niya ay yon ang masusunod. Hera's words are absolute, I sighed on that thought. Sinabi ko na lang kay manong driver ang address ng pupuntahan namin at mabilis lang kaming nakarating doon. Naabutan ko si Zeea at Reene na nakaupo sa isa sa mga bench habang nag-uusap, ngumiti ako at bumaba ng sasakyan. "Reene! Zeea!" Napatingin naman ang dalawa sa akin at masaya ko silang sinalubong at niyakap. "Buo na ulit tayo!" Natatawang sabi ni Reene. "I'm really sorry guy--" "Hep! Okay na tayo Zeea, andito tayo para magsaya at magtanggal ng stress hindi para mag-iyakan, at isa pa ayos na yon. Let's just forget about it." Sabi ko na ikinatango naman ni Reene kaya niyakap kami ni Hera. "Fine! Let's go!" Sabi nito at hinila na kami ni Reene papasok, we went to the zoo. Mahilig kasi si Reene sa hayop, kahit anong hayop pa yan ay gusto niya, si Zeea naman ay mahilig sa nature kaya lagi siyang nakatambay noon sa lugar kung saan makikita mo ang mga puno at halaman. Napakapa ako sa bulsa ko dahil doon ko nilagay ang wallet ko, wala nga pala akong pera ngayon ko lang naalala. Napakagat ako sa labi ko at kinuha ang wallet sa bulsa ko, nanlaki ang mga mata ko nang may nakita akong tig-iisang libo na malutong sa wallet ko. Where ddi I got these!? "Jade! Tignan mo! May tiger doon!" Natawa ako kay Zeea nang makita kong hinihila na niya si Reene. "Don't pull me Zeea, we'll get there!" Pagsusungit ni Reene pero hindi parin siya binitawan ni Zeea kaya sumunod na ako sakanila. We spend the whole morning taking pictures and exploring the zoo. Kung paano nagkaroon ng pera sa wallet ko ay hindi ko alam. 10,000 pesos lahat ng nasa wallet ko, wala naman akong ibang choice kundi gamitin yon dahil nahihiya akong humiram sa dalawa kaya kung sino man ang mabuting taong nagbigay sakin ng pera ay salamat sakanya. Iniisip ko nga kung si Hera iyon pero imposible naman yata? "Malapit na mag-lunch, gutom na din ako." Sabi ni Reene. "Ako din, saan tayo kakain?" Tanong ni Zeea kaya nag-isip kaming tatlo. "Mang Inasal!" Nagtawanan kami nang sabay-sabay naming sabihin iyon. Masarap kasi kumain doon lalo na at unli rice din. "Let's go!" Nang lumabas kami ng zoo ay nakita ko ang nakaparadang sasakyan na sinakyan ko kanina kaya hinila ko sila papunta doon. "Is this--" Tumango agad ako bago pa man matapos ang sasabihin ni Reene. "We need to talk later Jade." Seryosong sabi niya kaya tumango ako. Sumakay na kami sa sasakyan at sinabi na dalhin kami sa Mang Inasal. Natatatakam na ako, matagal na kasi kaming hindi kumakain doon. Nang makarating kami ay agad kaming bumaba at inaya si manong, tumanggi siya at sinabi niya ay sa kotse na lang siya kakain kaya wala na kaming nagawa at sinabi kong bibilhan ko nalang siya ng pagkain niya. Mabuti nalang ay napilit ko siya. Si Reene na ang um-order para sa amin at ibinigay namin kay manong ang take out habang kami ay naghugas muna ng kamay dahil magkakamay kami na kumain at naghanap ng upuan at umupo. "How are you Jade? Ayos lang ba ang pakikitungo sayo ni Hera?" Tanong ni Reene kaya tumango ako. "Isinama siya ni Hera nang magkaroon ng get together ang magkakaibigan." Sabi ni Zeea kaya napatingin si Reene kay Zeea. "You know them?" Tanong ni Reene kaya tumango si Zeea. "Yes. I'm in a relationship with Sabrina." Sabi nito at dumating na ang mga order namin. "Thank you." Sabi ko sa waiter at tumango naman ito at ngumiti. "Sabrina?" Zeea nodded and started eating with her hands. "I thought you're straight?" Tanong ni Reene na nakataas ang isang kilay. I giggled and they both look at me. "What?" Napailing si Reene at nagsimula na din kumain. "I love her, what can I do? That woman made me gay." She chuckled and Reene rolled her eyes in response. "I was so worried about you Jade." Bumuntong Hininga ako at nilunok ang nginunguya ko. "I'm fine now Reene, the money I sent you nakuha mo ba?" Tanong ko sakanya at tumango siya. "I already paid the 4 months rent in advance." Sabi niya kaya tumango ako sakanya. "How's your Art Gallery?" Tanong ni Reene kay Zeea. "Still working on it." Sabi niya kaya tumango si Reene. "How about you Reene?" Ngumisi si Zeea kay Reene na ikinakunot niya ng noo. "What about me?" Zeea wiggled her eyebrows and I giggled again. "How's your love life?" Reene rolled her eyes while Zeea and I are already laughing. "I'm still young." She flipped her hair. "Young? Sabagay, 24 ka palang naman but you're not getting any younger." Reene scoffed. "Bakit ba? I'm still enjoying my single life!" Napairap si Zeea habang ako ay kumakain lang at naaaliw sa usapan nilang dalawa. "You've been single since you we're born." Bagot na sagot ni Zeea at natawa ako nang batukan siya ni Reene. "Stop meddling in my love life you witch!" Itinaas ko ang kamay ko at humingi ng extra rice, doon lang natigil ang dalawa at nagsimula ulit na kumain. "Ayan kasi, puro kayo bangayan." Natatawang sabi ko at pinalagyan din ng extra rice ang pinggan nila. "Tingin ko talaga tatanda kang dalaga!" Pang-aasar ko kay Reene na ikinakunot na naman ng noo niya. Humalakhak naman si Zeea at nag-high five kaming dalawa. "You witches! I'm capable of falling inlove too you know!" She rolled her eyes on us. "But your standards are so high Reene." Kumento ko. "How abou this? Magdidilang anghel ako. Ang unang pumasok sa pintong yan, ang magiging forever mo!" Nagtawanan kami ni Zeea at namutla naman si Reene. Inaabangan namin ang unang papasok sa pinto ng Mang Inasal dahil malapit lang kami sa pinto. Nanlaki ang mga mata namin nang isang pamilyar na matangkad at mahaba ang buhok na babae ang pumasok. Her ash gray hair is neatly tied at bumagay sakanya ang itim na suit nito. She looks sophisticated just by looking at her back at nang humarap ito sa amin ay nagulat din siya at kumaway. "What. The. Hell." I mumbled. "Kyla!?" Nagbayad muna siya sa counter at lumapit sa amin. "Hi guys!" Kumunot ang noo niya nang makita ang mga itsura namin. "H-Hi Kyla!" Ako na ang unang nagsalita at bumalik ang pagkakangiti niya. "Dito ka kumakain?" Tanong ni Zeea kaya natawa si Kyla. "No. My niece wants some chicken from Mang Inasal so dumaan ako dito. Who's this beautiful lady with you?" She smiled at Reene who is now back at her usual composure. "She's Reene Madriaga." Pagpapakilala ko at inilahad ni Kyla ang kamay niya kay Reene. "Hi Reene. I'm Kyla!" Inabot naman ni Reene ang kamay ni Kyla pero hindi siya nito nginitian kaya pinigilan ko ang pagtawa ko. "Anyway. I have to go. Nice meeting you Reene!" Isang naramis na ngiti ang ibinigay ni Kyla pero tinaasan lang siya ni Reene ng kilay na ikinatawa ni Kyla. Kinuha niya ang take out at kumaway sa amin bago lumabas. "OH. MY. FREAKING. GOSH!" Zeea suddenly squealed and shake our friends shoulders which made me laugh. "Reene! You're destined to be with Kyla!" Tinanggal naman ni Reene ang kamay ni Zeea sa balikat niya at pinunasan ito. Natawa ako. "Stop that Zeea, hindi ako naniniwala sa ganyan." Umirap si Zeea at ipinagpatuloy ang pagkain. "Goodluck Reene." Sabi ko nalang sakanya dahil malakas din ang kutob ko na magsisimula na ang love story ni Reene. Natapos ang lunch namin na puro asaran at kwentuhan at gaya ng dati ay si Reene ang lagi naming inaasar pero ewan ko ba kung saan niya nakukuha ang self control niya at hinahayaan lang niya kami. Pagkatapos kumain ay nagpunta kami ng mall dahil mainit pa, mamayang mga 3:30 PM ay pupunta kami sa isang park na maraming puno para malilim. Naglaro kami sa timezone ng kung ano ano at syempre ay hindi mawawala ang kantahan. Naglaro din kami ng basketball at nagbalak pa si Zeea na akyatin nalang ang ring para shoot daw lahat ng bola. Siraulo talaga ang babaeng yon. 4 PM na nang magpunta kami sa park at sakto dahik medyo malilim na kaya bumili muna kami ng fishball sa mamang nagbebenta at umupo sa isang malilim na lugar. Bumili din kami ng mga ihaw-ihaw at hindi mawawala ang partner niya na palamig. Napatingin ako sa mga batang naglalaro ng habulan. Ang saya nila pagmasdan, kung nabuhay kaya ang baby ko? Ganyan din ka-bibo ang baby ko kung sakali? I bit my lowerlip and sighed. "I'm sure your little angel would be more cuter than those." Natawa ako sa sinabi ni Reene at nagulat ako nang yakapin ako ng dalawa. "Andito lang kami Jade." And with those words, I started to cry my heart out again. The pain and longing i've been keeping inside my heart. If only you trusted me before Hera...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD