Jade.
Tahimik akong nagdidilig sa hardin, nang makaalis si Hera kanina ay dali-dali nila akong tinulungan. May pasa akong muli sa pisngi ko at pati sa leeg ko. Pinilit nila akong magpahinga muna pero tumanggi ako dahil alam kong hindi iyon magugustuhan ni Hera.
Pinagpag ko ang damit ko at umupo para tanggalin ang mga damo na tumubo sa tabi ng mga halaman. Napangiti ako nang makita ang magagandang bulaklak na namumukadkad.
"Labis na naiinip, nayayamot sa bawat saglit~" Nangiti ako nang ngayon nalang ulit ako kumanta dahil mga ayaw ni Hera na kumakanta ako.
"Kapag naaalala ka, wala naman akong magawa~" Natatawa ako sa sarili ko, naalala ko ito yung kinakanta ko kay Hera kapag nag-aaway kami.
"Umuwi kana baby, hindi na ako sanay ng wala ka. Mahirap ang mag-isa~" I giggled.
"At sa gabi hinahanap-hanap kita~"
"Jade?" Natigilan ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Nang mapaharap ako sa taong iyon ay nakita ko ang nakangiting mukha ni Sabrina pero unti-unti iyong nawala nang makita niya ang pisngi ko. Bumaba din ang mata niya at napunta iyon sa leeg ko kaya agad ko itong tinakpan pero mabilis siyang lumakad palapit sa akin at tinanggal ang pagkakatakip sa pisngi at leeg ko.
"Who did this to you?" Hindi makapaniwalang tanong nito kaya napalunok ako.
"Si Hera ba?" Napaatras ako.
"Jade, sinasaktan ka ba ni Hera?" Her face looks mad, akmang tatalikod na ito nang hawakan ko ang braso niya.
"Huwag Sabrina!" Pigil ko sakanya at humarap siya sa akin.
"Jade hindi na tama ang ginagawa niya sayo!" Umiling ako sakanya.
"Sabrina, kailangan kong makuha ulit ang tiwala niya para mapatawad niya ako. Hindi ba dapat ay galit ka sa akin dahil nasaktan ko ang kaibigan mo?" Siya na ngayon ang umiling.
"Please Sabrina..." Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa braso niya.
"Nasaan si Hera? Hindi ko siya kokomprontahin." Sabi nito kaya nakahinga ako ng maluwag.
"S-Siguro ay nasa opisina na siya." Umiling siya sa akin.
"Nandito ako dahil akala ko ay hindi pa siya pumasok, wala siya sa opisina niya Jade." Nagulat ako sa sinabi niya.
"H-Hindi ko alam Sabrina, natawagan mo na ba siya?" Tanong ko at tumango naman siya.
"She's not answering." Maikling sabi nito kaya kumunot ang noo ko. Saan naman posibleng magpunta si Hera?
"Baka nagkita sila ni M-Maxene?" Tinaasan niya ako ng isang kilay.
"Why would she do that?" Tanong niya pero hindi ko alam ang isasagot dahil wala naman akong alam.
"Come with me." Sabi nito at akmang kukunin ang kamay ko nang umatras ako.
"S-Sabrina... I-Ikaw nalang." I gave her a light smile.
"Sumama ka sa akin, para na din mapa-check up natin yang mga pasa mo." Sabi nito pero umiling ako.
"Magiging ayos lang ako Sabrina." Sa totoo lang? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Halo-halo na eh lalo na at nalaman kong bumalik na si Maxene. Hindi ko mapigilang manginig sa pag-alala sakanya. Ayokong mag-krus ulit ang landas naming dalawa. I might lose myself when I saw her again.
"Fine. I wil never bring this matter to anyone but make sure na hindi na ulit ito mangyayari okay?" Tumango ako kaya nagpaalam na siya para umalis. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na siyang makaalis.
Busy ako sa pag-aayos ng gamit ko sa kwarto ko nang may marinig akong nabasag kaya napatayo ako at dali-daling lumabas at nagulat ako nang makita si Hera na galit na galit at bigla akong sinampal muli kaya napaatras ako at napahawak sa pisngi ko. Nalasahan ko ang dugo mula sa labi ko.
"H-Hera..." Natatakot kong bigkas nang makita ang pandidilim ng mga mata niya. She's furious at alam ko kung anong kaya niyang gawin kapag galit siya.
"Alam kong nagpunta dito si Sabrina! She saw you!" Tinulak niya ako kaya bumangga ako sa isang vase at napaupo kasabay ng pagkabasag ng vase.
"Ano!? Nagsumbong ka sa kaibigan ko!?" She slap me again for the second time kaya naiyak na ako. Natatakot ako sa ginagawa ni Hera.
"H-Hindi ako nagsumbong H-Hera!" Mas lumakas ang pag-iyak ko nang hinablot niya ang buhok ko at sapilitang itinayo. Pakiramdam ko ay hihiwalay ang anit ko sa buhok ko sa ginagawa niya.
"Ahhh--Hera Tama na-Ahhhhh!" Pilit akong kumakawala sa pagkakasabunot niya sa buhok ko pero hindi ko magawa.
"You useless b*tch!" Galit na sabi nito at paablang akong binitawan kaya napasalampak ako sa sahig.
"Hera maniwala ka sakin! Hindi ako nagsumbong sa kaibigan mo at hindi kita niloko!" I cried but she's not listening to me.
"Tangina ka!" Ngayon ay magkabilaang pisngi ko na ang masakit. Nalalasahan ko na ang dugo mula sa labi ko.
"Maniwala ka sakin Hera!" Pagpupumilit ko parin. Hindi ako titigil hanggang hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko.
"Please Hera. Hindi kita niloko maniwala ka sa akin!" She smirked.
"Look at how pathetic you are!" Sigaw nito at hindi pa siya nakuntento ay sinuntok nito ang mukha ko hanggang sa unti-unti akong nilamon ng kadiliman.
Nagising ako na masakit ang buong katawan. Napatingin ako sa braso ko na may mga benda, nanunuot sa sakit ang ulo ko at ramdam ko ang pamamaga ng mukha ko. Umupo ako mula sa pagkakahiga at napadaing dahil sa sakit.
"Jade! Mahiga ka muna!" Napatingin ako sa pumasok, si lola pala. My sight is blurry dahil siguro sa impact ng pagsuntok sa akin ni Hera. Mas lumakas pala ito, kung dati ay mga masasamang tao lang ang sinasaktan niya ngayon ay isa na ako sa nakaramdam ng lupit ni Hera.
"A-Ayos lang po ako." Mahinang sabi ko at pinilit na ngumiti pero nahirapan ako dahil masakit ang mukha ko.
"Hindi ko alam kung anong kwento niyo ni Hera pero hindi tamaa ng ginagawa niya sayo." Nakita ko ang panunubig ng mga mata niya kaya umiling ako at ngumiti.
"W-Wag... na po kayong... mag-alala." Kaya ko pa namang indahin ang sakit kahit na pakiramdam ko ay mawawalan ako ng ulirat.
"G-Gaya po... ng sabi ko... mas malala pa ang... naranasan ko dati." Nahihirapan akong magsalita dahil nabibinat ang mukha ko at masakit iyon. Maging ang labi ko siguro ay may sugat din.
Akmang kukunin ko na ang kutsara kay lola nang ilayo niya ito sa akin. Nagtaka ako sa ginawa niya pero nakita kong sumandok siya sa mangkok na hawak niya at hinipan iyon.
"Susubuan na kita." Tatanggi sana ako nang itapat niya sa bunganga ko ang kutsara kaya wala akong nagawa kundi ang ngumanga. I miss my mother... Siya ang gumagawa nito sa akin kapag may sakit ako. Pakiramdam ko ay napupunit ang puso ko sa pag-alala sakanila. My mother is the most gentle and caring person for me. My father always supports me in everything I do, sobrang proud pa nga ito sa akin. My sister sees me as her role model and we're very close to each other.
"Bakit ka umiiyak hija? Sumasakit na naman ba ang mga sugat mo?" Umiiyak ako? Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa mga mata ko at pinilit ngitian si lola.
"Naalala ko... lang po ang... pamilya ko." Ngumiti naman si lola.
"Nasaan ba sila apo?" Umiwas ako ng tingin.
"Nasa... langit na." I answered at natigilan naman ang matanda.
"Pasensya kana hija." Umiling ako at muling humarap kay lola.
Inabot ko ang backpack ko na lagi kong katabi matulog at dahan-dahang inilabas ang isang picture doon at ibinigay kay lola. Picture namin nila mama at papa kasama si Andrea.
"Napakaganda ng ina at sigurad akong kapatid mo ang magandang batang ito. Napakagwapo din ng iyong ama." Tumango ako sa sinabi ni lola.
"Andrea..." Sabi ko at itinuro ang nakababatang kapatid ko. Natigilan si lola at napatingin sa akin.
"Pati ba ang kapatid mo ay wala na din?" May pag-aalinlangan sa tono niya pero tumango parin ako.
"Hindi ko alam kung anong kwento ng buhay mo hija pero masasabi kong isa kang matatag na babae para lagpasan lahat ng pinagdaanan mo sa buhay." Tumango ako.
"Kaya... kakayanin ko po... ito." Ngumiti din siya sa akin at tumango. It took me 5 years to be finally free from my suicidal self. It's hard but I always try my best.
"Nasaan po.... si Hera?" Tanong ko sakanya.
"Naroon sa kanyang silid at nagtatrabaho na naman ulit. Hindi ko maintindihan ang batang iyon, hindi naman siya ganon noong umalis siya dito." Napaisip ako, ni minsan ay hindi ako dinala ni Hera dito sa mansyon nila. Pinakilala niya ako sa mga magulang niya noong minsang nagpunta kami sa kumpanya nila.
"Hayaan niyo... nalang po." Bumuntong-hininga ang matanda at ipinagpatuloy ang pagpapakain sa akin. Nang maubos ko ang pagkain ay pinatulog na ako nito. Hindi ko napansin na gabi na pala, ipinikit ko ang mga mata ko at nagpatangay na lamang sa antok.