Jade.
Maagang umuwi ngayon si Hera kaya nagulat kaing lahat, hindi kasi siya umuuwi ng maaga--I mean 8 or 9 PM na siya umuuwi madalas kaya nakakapanibago na maaga siya ngayon.
"Hindi ako magdi-dinner dito." Sabi niya sa amin kaya tumango kami sakanya. Mukhang may lakad siya kaya hindi siya dito kakain.
Nakasuot ako ng simpleng itim na t-shirt ngayon. Hindi naman mahahalata ang mga peklat ko dahil t-shirt naman ito hindi sando.
Lumapit ako kay Hera at kahit na iika-ika ako maglakad ay nilapitan ko parin siya. Gusto kong magpaalam bukas dahil bibisitahin ko ang pamilya ko bukas. Sana naman ay pumayag siya.
"H-Hera..." Tawag ko sakanya pero hindi niya ako pinapansin.
"H-Hera m-magpapalam sana a-ako. P-Puntahan ko s-si R-Reene bukas... M-Magpapasama d-daw siya." Hanggang ngayon ay natatakot parin ako sakanya pero malakas parin ang loob kong kausapin siya na parang walang nangyari.
"Okay." Walang ganang sabi niya kaya nangiti ako pero napadaing ako dahil namamaga nga pala ang mukha ko. Ngayon ko lang naalala.
"H-Hindi na pala b-bukas. S-Sa i-ibang araw nalang." Sabi ko at napaharap naman siya sa akin, bubulyawan na sana niya ako nang mapaatras ako at naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko. She let out a frustrated sigh and walk away. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi siya nagalit sa akin.
Lumabas ako para itapon ang mga basura nang mapatingala ako sa langit. Ang ganda ng kalangitan ngayong gabi. Hindi ko mapigilang mapatitig doon pero agad din akong nagbawi ng tingin dahil nakakangalay tumingala. I giggled and went on the garden. Umupo ako sa bermuda grass at mas pinili na lamang na mahiga para hindi mangalay ang leeg ko sa kakatingala.
"Woah..." Manghang sabi ko nang may nakita akong shooting star. Pumikit ako at humiling.
Sana magkaroon na ako ng lakas ng loob para sabihin ang lahat kay Hera.
Itinaas ko ang kamay ko at ini-imagine na kinukuha ang mga bituin. I giggled and stood up. Nilamig ako bigla eh, malamig nga pala kapag gabi dito. Pinagpag ko ang likod ko at bumalik na sa loob. Naabutan ko si Hera na may kausap sa phone niya.
"Yes. I'm on my way." Sabi nito at ibinaba ang tawag. Nakasuot siya ng suit na bumagay sakanya, how can this woman can be so beautiful and handsome at the same time? Napansin kong hindi maayos ang tie niya kaya lumapit ako sakanya at tinaasan naman niya ako ng kilay.
"What do you want?" Tanong nito at tinuro ko ang tie niya.
"A-Ayusin ko." Sabi ko at akmang hahawakan siya nang bigla siyang umatras.
"Fine. Just make it fast!" Utos niya kaya tumango ako at nilapitan siya para ayusin ang necktie niya.
"I'm going." Sabi niya kaya tumango ako.
"Mag-iingat ka Hera." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti na ikinagulat niya. Masakit ang mukha ko pero ininda ko iyon. Sumakay na siya sa kotse niya at mabilis na pinaandar iyon.
Hera.
Sabay-sabay kaming nakarating sa bahay ni Maxene kung saan nila idadaos ang sinasabi niyang party.
"Where's Rose?" Tanong ko sakanila nang hindi ko makita si Rose.
"She's busy Hera, alam mo na..." I nodded when I realize na isa nga palang busy na tao si Rose.
"Are you sure about this Hera?" Tanong ni Kyla kaya tumango ako at bumuntong-hininga. Pumasok na kami sa loob at nakita ko agad si Maxene, nang makita niya kami ay kumaway ito at nag-excuse sa mga kausap niya at masayang nilapitan kami. She kissed me on my cheeks.
"I'm glad you came." She smiled at us.
"Yeah, Hera told us." Nakangiting sabi ni Sabrina. Halata parin naman na napipilitan lang silang dalawa.
"Please enjoy the night!" Napailing ako dahil halatang may tama na ito.
"Excuse me Maxene, we'll just discuss something." Sabi ni Kyla at hinigit ako papunta sa isang sulok kasama si Sabrina.
"What the fvck is that Hera?" Inis na sabi nito.
"I don't know she always does that whenever na magkikita kami." Sabi ko sakanila. Totoo naman eh, ganon palagi ang ginagawa niya.
"Hera, tell me the truth. Ano ba talagang balak mo kay Jade? If you really want to start again with somebody else then why are you still keeping Jade?" Napatingin ako kay Sabrina sa sinabi niya.
"You're hurting her physically Hera." Sumeryoso ang mukha ni Sabrina.
"I hired a private investigator Hera. I also want to know why does she have thos scars." Scars? Scars from where?
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko kay Kyla.
"I even asked Zeea but I doubt it if that's the real story." Sumasakit ang ulo ko sa mga sinsabi nila.
"Long time no see Hera." I smirked when I heard that voice.
"Yeah. Long time no see... Jason." I face him with a confident smile.
"How are you Hera? Oh I guess that 'The Goddesses' are still together, but where is the beauty of your group?" Gaya ng dati wala parin siyang pinagbago. Still an asshole.
"Well as you can see she's busy with her schedule eh ikaw ba? Still using other people to get what you want?" I smirked when his face suddenly turned into an irritated one.
"Still powerful as ever Hera, I heard you just closed the deal between the biggest client in your wine business?" I filpped my hair and smiled at him.
"What can I say? I'm not Hera Tan for nothing. Eh ikaw ba? Mang-aagaw parin gaya ng dati?" Ngumisi siya at ibinaba ang hawak niya.
"You didn't tell me that you're girlfriend tastes good." I clenched my fist and gritted my teeth.
"Fvck you!" I was about to punch him when Kyla and Sabrina pulled me away from him. How dare him say that in front of me.
My blood is boiling in anger and I feel like I'm losing myself. I still can't imagine him fvcking Jade.
"Calm the fvck down Hera. You're in a party! Damn it!" Pinilit kong kumalma pero gusto ko paring bugbugin ang lalaking iyon.
Jade.
Isasara ko na sana ang kwarto ko nang marinig ko ang ugong ng sasakyan ni Hera kaya mabilis akong lumabas ng kwarto ko. Mabilis akong nagtago nang makita kong inihatid siya ni Sabrina. Ayokong makita niya akong ganito. Tinawag niya si lola at inutusan ito. Inalalayan niya si Hera na pumasok ng kwarto niya at nagtagal sila doon ng ilang minuto bago bumaba si Sabrina para umalis.
Agad akong umakyat ng kwarto ni Hera at naabutan ko siyang nakahiga sa kama niya at nakabihis na. Nilapitan ko siya at naupo sa tabi niya.
"Hera?" She stirred.
Dinampian ko ng halik ang noo niya at marahang sinuklay ang mga buhok na tumatabing sa mukha niya. I can smell light alcohol from her, mukhang nasobrahan niya ang pag-inom.
"Jade..." She mumbled my name kaya nilapitan ko siya.
"I'm here Hera." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya pero nagulat ako nang bigla niya akong hilain.
"Hera..." She is now on top of me. Namumungay ang mga mata niya at nagulat ako nang bigla niya akong halikan.
I closed my eyes and responded on her kisses. This is the Hera that I know, she's so gentle right now and I can feel her love.
"Hmmm..." I moaned when her hands started to roam around my body.
*
Pinulot ko ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. Muli kong binihisan si Hera na mahimbing na ang tulog. I bit my lower lip and kissed her again.
"I'm really sorry for everything Hera. I'm sorry for making you feel the misery before, it's just that I'm so scared to admit everything to you. Hanggang ngayon ay sariwa parin ang mga nangyari noon." Pinunasan ko ang luha ko na tumulo sa pisngi niya.
"I love you so much Hera, I never stop loving you. Thank you for this wonderful night Hera." I kissed her lips again.
"I want to tell you everything but I don't know where to start. Gusto kong patawarin mo muna ako Hera." Pinunasan ko ang luha ko at lumabas ng kwarto niya.
*
Nagising ako kinaumagahan na masakit ang ulo. Ala una na ng madaling araw nang makatulog ako dahil iniisip ko kung sasabihin ko na ba lahat kay Hera dahil karapatan parin niyang malaman ang lahat. Maniniwala nga ba siya sa mga sasabihin ko?
Paglabas ko ng kwarto ko ay bumungad sa akin si Hera na tulala sa harap ng mesa kaya agad akong lumapit sakanya.
"Hera? Ayos ka lang ba?" Napatingin ito sa akin na parang nagtataka.
"Sinong naghatid sa akin dito?" Tanong niya.
"Si Sabrina ang naghatid sayo hija." Sagot ni lola kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Ayos ka lang ba Hera?" Tanong ko ulit sakanya.
"I'm okay, my head hurts like hell but I can take it. Pumunta ka ba sa kwarto ko kagabi?" Tanong niya kaya napalunok ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Biglang tumunog ang phone niya kaya lihim akong napahinga ng maluwag.
I'm sorry Hera. Now I made up my mind. Sasabihin ko sayo ang lahat kahit na hindi mo ako paniwalaan.