Chapter 15

1728 Words
HERA. Nagising ako na nakahiga sa couch sa private room ni Jade sa hospital--Jade! Mabilis akong bumangon at agad siyang nilapitan. Gusto ko siyang hawakan pero natatakot ako na baka masaktan ko siya kapag hinawakan ko siya. "Jade..." My tears started to fall again just by remembering all the things I've discovered yesterday. "Gising kana pala." Napatingin ako sa nagsalita. "Reene." Nagulat ako nang ngitian niya ako at ilapag ang mga paperbag na dala niya. "Hindi ako pumasok ngayon para puntahan ang bestfriend ko." Sabi nito kaya napayuko ako. "I-I'm sorry..." Lumapit siya sa akin at kumuha din ng upuan at inilagay iyon sa tabi ko at umupo. "You should be saying that to her." Sabi niya at hinawakan ang kamay ni Jade. "Iniisip ko yung mga araw na tinatawag niya ang pangalan ko at ang nagmamakaawang tinig niya na itigil na ang ginagawa nilang pagpapahirap sakanya." Pag-amin ko na mas ikinadurog ng puso ko. "She did actually. She was begging for you to come to her and rescue her. She keeps on mumbling your name lalo na noong unang treatment niya. We even thought that her name is Hera." Hinarap ako ni Reene at pinunasan ang luha ko. "Your girl is one hell of a woman. She didn't lose hope and here she is now." Sabi nito at pinahawak sa akin ang kamay ni Jade. "She loves you so much that she made it as her motivation to move forward on her life." Nakaramdam ako ng sobrang pagsisisi na hindi ko man lang dininig ang side niya. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa nangyari sakanya Reene." Sabi ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Jade. "Patawarin mo ang sarili mo Hera, lahat tayo ay nagkakamali pero ang mahalaga ay natututo tayo sa mga pagkakamaling iyon. Natuto ka Hera pero sa pinakamasakit na paraan." She pat my cheeks and gave me a smile. "This is your chance to prove yourself that you deserve this second chance that GOD gave you." Sabi niya kaya napatingin ako kay Jade. "Mahal mo parin ba siya Hera?" Tanong nito. "Hindi kailanman nawala ang pagmamahal ko sakanya Reene. Natabunan lang iyon ng galit pero kahit anong gawin ko alam kong walang nagbago sa nararamdaman ko para sakanya." Pag-amin ko dahil iyon ang totoo. Ilang beses kong pinilit ang sarili ko na hindi ko na siya mahal pero sinong niloko ko? "Anong plano mo kina Jason at Maxene?" Sumiklab ang galit sa puso ko nang marinig ko ang pangalan ng dalawang hayop na iyon. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganon na lamang ang reaksyon ni Jade kapag gusto ko siyang makipagtalik sa akin. Because he was raped by that fvcking asshole! I gritted my teeth but my rage was easily died down when I look at the love of my life who is peacefully sleeping right now. "I will make sure that they will rot in jail pagkatapos ng ginawa nila kay Jade." Napatingin ako kay Reene na tumango sa sinabi ko. Narinig namin ang pagbukas ng pinto at pumasok doon si Kyla na may dalang paperbag din. "Maligo ka muna Hera, kami muna ang magbabantay kay Jade." Sabi niya kaya nginitian ko siya at nagpasalamat. "Bilisan mo Hera at kakain na tayo, nagdala pala ako ng agahan." Nagpasalamat din ako kay Reene bago pumanhik sa banyo para maligo at magbihis. Binilisan ko ang galaw ko para makakain na kami ng agahan. Paglabas ko ng banyo ay nadatnan ko si Kyla na tinutulungan si Reene na inilalabas ang nga niluto ni Reene. Bahagya akong natawa nang tarayan ni Reene si Kyla. Mukhang may tinamaan ah? I cleared my throat to catch their attention. Ngumiti si Kyla at si Reene naman ay nakakunot ang noo. "Halika na Hera, kakain na tayo. Masarap magluto si future wife!" Kinindatan ni Kyla si Reene pero inirapan lang siya nito kaya hindi ko na mapigilan ang pagtawa ko. Sumimangot si Kyla habang si Reene naman ay inabutan ako ng plato. "Goodluck Kyla." Sabi ko lang sakanya at sinamaan niya ako ng tingin. Narinig naming muli ang pagbukas ng pinto at bumungad sa amin si Rose at Zeea. "Magandang umaga! I told my manager to cancel all my schedules today!" Natutuwang sabi nito at nilapitan kami para halikan sa pisngi. "Ang daya naman! Bakit si Rose hinahayaan mong halikan ka sa pisngi?" Nakakunot ang noo na tanong ni Kyla. Halata ang iritasyon sa boses nito na ikinatawa ni Rose. "Goodmorning guys!" Bati din ni Zeea na mukhang naka-recover na sa nangyari kahapon. "Kasi hindi siya manyak gaya mo!" Sabi ni Reene at binatukan si Kyla kaya natawa kami ni Rose. Babaero si Kyla pero hindi ko akalaing kaya siyang patiklupin ng katarayan ni Reene. "May plato pa doon sa paperbag. Kuha kayo don at madami itong niluto ko para sa ating lahat." Sabi ni Reene na inutusan si Rose. Jade's friends are really different. Kung si Jade ay may gentle and caring personality, si Zeea naman ay makulit at mapang-asar pero alam niya kung kailan titigil at magseseryoso. Kabaliktaran naman nila si Reene dahil masungit at mataray ito lalo na kapag hindi niya nagustuhan ang ugali mo. Paano ko nasabi? Base on my observations. Kaya siguro nagustuhan ni Kyla si Reene ay dahil sa personality niyang iyon. Baliktad kasi ang ugali nito kay Reene. Matalino si Kyla pero babaero nga lang. Sa pagkakaalam ko ay hindi pa nagkaroon ng karelasyon si Reene sa kahit sino. Straight yata siya eh. Napatingin ako kay Jade nang bigla kong maalala ang unang pagkikita namin. Sinabi niya sa akin na straight siya pero tignan mo nga naman naging girlfriend ko din siya kinalaunan at hindi lang iyon dahil tanggap kami ng mga magulang niya. "Reminiscing the past?" Napatingin ako kay Sabrina sa sinabi niya. "Yes." Nakangiting sagot ko saknya. "What's your plan now Hera?" Tanong nito kaya isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. "Gather all tge evidence needed pagkatapos ay ipakukong si Maxene at Jason. Fvck it! They deserve to be tortured too but hell! Alam kong hindi yon magugustuhan ni Jade." She pat my shoulders. "We're here to help you Hera. Huwag kang mag-alala magbabayad silang lahat sa ginawa nila sainyo ni Jade lalo na sa anak niyo." Anak... Nakaramdam ako ng sakit sa sinabi niya. Ngayon sana ay nakikita ko nang naglalaro ang anak namin kung hindi ko lang-- "I know what you're thinking. Hera, paano ka makakabawi kay Jade kung sinisisi mo sarili mo?" I sighed and face them. "Because it's all my fault, ako lang dapat ang sisihin dito." Sabi ko sakanila kaya nagkatinginan silang lahat. "Inakusahan ko siya ng isang bagay na kailanman ay hindi niya ginawa. She lost everything because of me and now, she's here lying on the hospital bed because of my stupidity." Nagsimulang magtuluan muli ang mga luha ko. "I still have you Hera..." Napaharap ako kay Jade nang marinig ko ang boses niya. "Jade!" Agad akong lumapit sakanya at nang gusto niyang umupo ay inalalayan ko siya. "I still have you Hera, alam kong alam mo na ang lahat at gusto kong humingi ng tawad dahil inilihim ko lahat sayo." Umiling ako at hinawakan ang dalawang kamay niya. "Ako dapat ang humingi ng tawad Jade. I'm so stupid for not listening and doing this things to you. You don't deserve this." She smiled at me and wipe my tears. "It was hard and painful Hera. Everything was depressing, I literally felt my world crumbled down when you left and that thing happened to me. But hey, I still have you." Pumikit ako para ramdamin ang init ng kamay niya sa pisngi ko. I feel so safe just by her touch. "I'm sure masaya din ang anak natin sa langit dahil finally nalaman mo na ang totoo." I bit my lower lip and she caress my face. "I want us to start again Jade. Please don't leave me. Surrender your heart again to me Jade, I promise I won't break it." She chuckled and kissed my forehead. "Kahit hindi mo sabihin Hera. I will." Napangiti ako sa sinabi niya. "Mahal na mahal kita Jade." She held my hand. "Mahal na mahal din kita Hera." I was about to kiss her when someone suddenly cleared their throat. "We're still here 'ya know?" Natawa kami nang sabihin yon ni Zeea. "I'm glad that you're both okay again." Nakangiting sabi ni Rose kaya tumango ako at hinawakan ang kamay ni Jade. "Kumain na tayo, nagugutom na talaga ako." Sabi ni Reene kaya natawa kami. Kumuha ako ng pagkain at sinusubuan din si Jade dahil hindi pa siya pwedeng gumalaw-galaw dahil sa mga sugat niya. "Ano nang balak niyong dalawa?" Biglang tanong ni Rose habang ngumunguya ng pancake. "Si Sabrina nalang ang magsasabi sainyo, I want your help guys. You know I can't do it alone lalo na at si Jade ang pinag-uusapan natin dito. I can't lose her again." Rose smiled and so are the others. "We got your back Hera." Kinindatan ako ni Kyla kaya natawa ako. Napatingin ako kay Jade nang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Ayos ka lang ba Jade? May masakit ba sayo?" Alalang tanong ko kaya tumayo si Sabrina. "I'll check on her." Sabi niya kaya tumango ako pero pinigilan kami ni Jade. "G-Gusto kong makita mo yung mga peklat na nasa katawan ko." Nagulat ako sa sinabi niya. "Lalabas muna kami." Sabi ni Reene at hinila si Kyla palabas, ganon din si Sabrina, Zeea at Rose. Napatingin ako kay Jade na tila nag-aalinlangan sa gagawin niya pero hinawakan ko ang kamay niya, telling her that it's okay. She started removing her hospital gown hanggang sa maiwan na lamang ang brassiere at cycling niya. I can finally see the big 'X' scar on her tummy. Hinawakan ko iyon at pinakiramdaman, dito nakapwesto ang munting anghel namin. Napaluhod ako at niyakap ang tiyan ni Jade, nagsimulang pumatak ang mga luha ko dahil sa ginawa nila sakanya at sa anak ko. "Hera..." Jade is now crying too kaya hinalikan ko siya sa labi ng buong puso. Hinaplos ko ang tiyan niya at trinace ang X scar sakanyang tiyan. "Pinapangako ko na magbabayad sila sa ginawa nila sayo." Sabi ko sakanya at hinalikan ang noo niya. I will make sure to bring them down, sisiguraduhin kong gagapang sila sa lupa at magmamakaawa. No one messes with my woman! NO ONE.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD