Jade.
Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko kay Hera nang batiin niya ako ng magandang umaga. This woman really can't get enough last night. Tingin ko ay iyon lamang ang ginawa namin buong magdamag. Uminit ang mga pisngi ko nang maalala ko ang ginawa namin kagabi.
"You look lovely honey." Sabi ni Hera at hinalikan ako sa labi.
"I love you Hera." She smiled at me.
"I love you more my queen." She winked before sitting beside me.
"Busy ka ba ngayon?" Tanong ko sakanya, nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko.
"Yes, bakit? Do you want me to call your friends today?" Tanong niya kaya umiling ako, ayoko namang maabala ang dalawa dahil may sarili din silang priorities.
Isang artist si Zeea, alam kong busy siya sa pagpipinta ngayon dahil sabi niya kagabi ay nagbabalak na siyang magbukas ng sarili niyang gallery, iyon ang dahilan bakit hindi niya kami nabisita ni Reene sa loob ng dalawang taon.
"I'm going to be fine here Hera, may mga kasama naman ako dito sa bahay at isa pa may mga bodyguards naman kapag gusto kong lumabas sasamahan naman nila ako." She sighed and held my hand.
"Jade, please huwag ka munang lalabas ng bahay okay? If you want to go out then call me at uuwi ako agad to accompany you." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Jade, I just don't want to happen--" I gave her a quick kiss to stop her from talking.
"Hera, that won't happen again. You're already here and I believe that you'll protect me." Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo bago niyakap.
"I won't let that happen again Jade." Sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Promise me that you won't harm yourself Hera." Kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at buong pagmamahal niya akong nginitian.
"I promise." She said.
"Let's eat then, baka ma-late ka!" Sabi ko kaya natawa siya.
Pinapalitan ko ang bedsheet ng kama ng bago, nilinisan ko din ang buong kwarto dahil wala akong magawa. Nagpresinta nga ang mga kasambahay pero hindi ako pumayag dahil ito lang talaga ang pwede kong gawin.
Bumaba ako at dumiretso sa kusina at nagdesisyon na gumawa ng lunch para kay Hera. Napatingin ako sa orasan at nakitang maaga pa kaya napanguso ako at naisipang mag-bake nalang muna, dadaan ako mamaya sa school ni Reene at kay Zeea para bigyan sila. Dadaan nalang din ako kina Sabrina at Kyla kaso iniisip ko si Rose. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Gagawan ko nalang din siya at tatanungin kay Hera mamaya kung nasaan si Rose.
Masyado nang common ang cookies at cupcake, huwag nalang pala mag-bake! Gagawa nalang ako ng paborito ni Hera na lagi kong ginagawa. Napangiti ako at inilabas ang lahat ng ingridients, mabuti nalang at may hinog na mangga dito. I'm planning to make Mango Graham Cake and Buko Salad na paborito ni Hera, sigurado akong magugustuhan niya ito.
Hinugasan ko muna ang mangga at nagpabili ng fresh na buko sa isa sa mga bodyguards sa labas kaya uunahin ko munang gawin ang Graham Cake. Hindi ko sila pinatulong dahil gusto kong gawa ko mismo ang ipapakain ko kay Hera.
Natapos ko ang lahat ng gagawin ko sa loob ng isa't-kalahating oras. Inilagay ko muna sa Fridge ang mga ito para lumamig, sakto mamaya. Nagsimula na akong maghiwa ng mga sangkap sa lulutuin kong ulam. Adobong Baka.
Napatingin ako sa orasan at napangiti. Kumuha ako ng lalagyan para sa mga ibibigay ko sa mga kaibigan namin ni Hera.
"Pakihanda nalang po ang sasakyan, magbibihis lang po ako." Tumango naman ang mga kasambahay.
Maingat kong inilagay ang mga bag na may lamang mga pagkain sa tabi ko.
"Kuya, sa National High School po muna." Sabi ko at tumango naman ang driver, mabilis kaming nakarating sa school na pinagtatrabahuan ni Reene kaya kinuha ko ang isang bag at lumabas ng sasakyan. Pinagtitinginan ako ng mga ibang guro at estudyante.
"Miss Jade! Hinahanap niyo po ba si Ma'am Reene?" Nakita ko ang isa sa estudyante ni Reene kaya tumango ako sakanya.
"Tara Miss Jade, ihatid po kita sakanya." Tumango ako at sinundan siya.
"Hindi pa ba tapos ang klase niya?" Tanong ko kay Charina.
"Kakatapos lang po Miss Jade, sakto po ang dating niyo." Natawa ako sa sinabi niya, siya ang isa sa masisipag na estudyante ni Reene.
"Dito na po Miss Jade, maiwan ko na po kayo!" Muli akomg nagpasalamat at nakita kong halos lahat na ng senior high students dito ay nakatingin sa akin kaya kumatok nako sa pinto ng homeroom ni Reene.
"Jade!" Gulat nitong sabi kaya ngumiti ako at niyakap siya.
"Idinaan ko lang ito. Pampa-relax." Natatawang sabi ko kaya nagpasalamat siya, nagpaalam na ako agad sakanya dahil sabi ko ay idinaan ko lang talaga iyon, gusto ko kasing surpresahin si Hera.
"Mag-iingat ka Jade." Bilin niya kaya sumaludo ako at nailing siya kaya tumawa ako. Hinatid niya kasi ako dito sa labas, sunod namin na dinaanan si Zeea at gaya nga ng sinabi ko ay busy siya kaya nagpaalam din ako agad. Hindi din ako nagtagal sa paghatid kay Sabrina at Kyla, mabuti nga at naabutan ko si Kyla dahil pupunta din daw ito sa school para makisabay kay Reene.
Pinapasok agad ako ng guard dahil kilala na pala ako nito, binati ako lahat ng empleyado ni Hera na nakakasalubong ko kaya binati ko din sila pabalik.
"Nandyan ba si Hera?" Tanong ko sa sekretarya niya at nginitian naman ako nito.
"Yes Miss Jade, pasok nalang po kayo sa loob. Matutuwa po siya kapag nalaman niyang bumisita kayo." Nakangiting sabi nito kaya kumunot ang noo ko, alam ba niya ang meron sa amin ni Hera? Iwinaksi ko iyon at nginitian siya pabalik at nagpasalamat.
"Hera!" I yelled as I opened the door, nagulat siya at ang mga kasama niya sa loob kaya kumunot nag noo ko. Sino sila?
"Jade? You didn't tell me that you're coming over." Sabi nito sa akin at tumayo para salubingin ako.
"Officer, I'll talk to you again later." Sabi nito at tila hudyat iyon para tumayo ang mga hindi ko kilalang lalaki at tumango kay Hera bago lumabas ng opisina niya.
"Why are you here anyway?" Tanong nito na nagtataka.
"I brought you food." Sabi ko at itinaas ang kamay kong may hawak na bag na naglalaman ng pagkain kaya nagliwanag ang mukha niya at kinuha iyon sa akin.
"Come here honey." Sabi niya at iginaya ako paupo sa swivel chair niya nang maibaba ang bag sa mesa niya. Itinabi niya ang mga papeles na nagkalat doon at isa-isang inilabas ang mga nasa bag.
"Sino sila Hera?" Tanong ko sakanya.
"The police Jade. Maxene is still missing and Jason escaped from prison." Natigilan ako sa sinabi niya, nakaramdam ako ng kaba at takot.
"Jade, alam mong hindi kita hahayaang mapahamak hindi ba?" I gulped and nodded at her. She suddenly hug me and kissed my forehead, I calm down with just her gestures. I can feel my heart beating so fast not because i'm nervous but I felt loved and protected.
"I promise, we will end this." I nodded at her and gave her a quick kiss.
"What did you cook for me honey?" I smiled when her eyes widened when she opened the food containers.
"All of your favorites." Nakangiting sabi ko sakanya kaya niyakap niya ako.
"Thank you!" Natutuwang sabi niya kaya natawa ako at akmang tatayo nang pigilan niya ako.
"Stay there, I will feed you." She winked at me and I rolled my eyes.
"You sit here hon, you're the CEO not me." I chuckled but she just pouted.
"You will be my wife soon, what's the difference?" She asked like she's stating a matter of fact.
"Fine then." She smiled and get another chair and sit in front of me.
"How did you handle all those things?" Napatingin ako kay Hera nang sabihin niya iyon. She place the food in front of me. Alam ko kung anong ibig niyang sabihin.
"I have you in my heart Hera. It was too painful and depressing just like what I told you but I always found my way back." Remembering all those things I've been through is hard.
"But I left you." Napatingin ako sakanya na ngayon ay nakatingin na sa akin at naluluha kaya napangiti ako.
"You did but it made me pull through. Pinilit ko ang sarili kong labanan lahat kasi alam kong babalik ka pa. I ought to myself that if you come back, I will tell you everything and ask for forgiveness." Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.
"I'm so dumb to doubt you. How can you love me unconditionally? I left you, I broke your heart but you still chose to believe in me. Tell me, do I really deserve your love?" Naramdaman ko ang unti-unting pagtulo ng luha ko. Alam ko din na umiiyak na si Hera.
"Your family died and so is our child. It's all because of me." Ipinulupot ko ang kamay ko kay Hera at mas hinigpitan ang yakap.
"It's still hard for me Hera but you're already here with me. I still believe in you. My heart does, and I will always surrender my heart to you no matter what happens." Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya at hinalikan ang noo niya.
"It will always be you. I will always love you even if you're the worst person in this world." Nginitian ko siya at nginitian niya ako pabalik.
"I love you more Jade. I love you so much!" I chuckled.
Isang bagay lang ang na-realize ko ngayon, iyon ay ang hindi ako nagsisisi na mas pinili kong lumaban at patawarin si Hera kesa magtanim ng galit sakanya. Kung hindi ako nagpatuloy sa buhay ay hindi ko mararanasan ngayon ang sayang nararamdaman ko. Si Hera lang ang may kakayahang iparamdam sa akin ang mga bagay na nararamdaman ko ngayon.
Paano kaya kung hindi nawala ang anak namin? Mas masaya siguro kami ngayon. I want to have a child with her again. I can never replace our first angel and I will never replace her in my heart. But I want to have another baby with Hera if possible and if Hera wants to.