HERA.
It's been 3 months since that day happened and so far maayos naman na ang lahat. Mabilis ang t***k ng puso ko nang maibaba ko na ang phone ko. Nagtataka namang napatingin sa akin si Janine. Siya ang isa sa mga kaklase namin noon at tutulungan niya kami sa pag-aayos ngayon.
"Bakit parang takot na takot ka?" Tanong niya at nilapitan ako. "I think Jade heard you." Sabi ko na ikinatawa niya. "Sorry dapat pala kumatok muna ako. Hindi naman siguro selosa ang future wife mo diba?" Tanong niya kaya napalunok ako. Hindi nga selosa si Jade pero kapag siya nagselos sagad yon.
"Anyway dumating na ang mga tela na gagamitin mamaya. I'm done with my work here. Goodluck Hera." Sabi nito at mabilis din na umalis. Napamasahe ako ng ulo at bigla ulit bumukas ang pinto ng opisina ko at pumasok doon ang mga kaibigan namin kasama ang kapatid ni Rose na si Yui, gusto daw kasi nitong tumulong at makita ulit si Jade.
"You look stressed, why?" Tanong ni Rose at prenteng umupo sa isang couch. "I think Jade heard Janine's voice." Sabi ko na ikinataas ng kilay ni Reene. "Don't get me wrong. Janine was the one who delivered the things na gagamitin natin." Sabi ko at tumayo na sa upuan ko.
"We got a missed call from your wife earlier. I think she's bored." Sabi ni Kyla at tumabi kay Reene. Lihim akong napangiti nang tapikin ni Reene ang kamay ni Kyla na nasa bewang nito.
"Well? Let's get started dahil pupunta daw ng 3 PM si Jade dito." Sabi ko kaya lumabas na kaming lahat sa opisina ko. "Hexia, ikaw na bahala kay Jade mamaya okay?" Sumaludo naman ang sekretarya ko kaya nangiti ako at tuluyan na akming gumayak.
Mabilis kaming nakarating sa isang malawak na flower garden. Medyo mataas amg lugar na ito pero nakakaakyat parin ang mga sasakyan. Maganda dito at maaliwalas kaya alam kong magandang lugar ito par sa plano ko. Hindi mainit dito dahil sa mga nagtataasang puno na tumatakip sa araw. "Let's do this!" Sigaw ko na ikinatawa ng lahat at nagsikuha na ng mga aayusing gamit.
Napangiti ako nang matapos kami sa ginagawa namin. It took us 4 hours to set this up and i'm excited. It's already 5 PM at ang nakapagtataka ay walang messages galing kay Jade. Nagulat pa ako ng tumunog ito at may dumating na mensahe galing sakanya.
From: Honey
I'm on my way Hera.
Recieved.
5:00 PM
Napalunok ako sa mensahe niya dahil alam kong seryoso ito. Bigla akong kinabahan pero agad iying nawala nang hawakan ni Reene at Zeea ang balikat ko na ikinagulat ko. "Ready na?" Nakangiting tanong ni Zeea kaya tumango ako. "Huwag knag kabahan Hera." Natatawang sabi ni Reene kaya huminga ako ng malalim at muling tumango.
"Let's do this." Sabi ko.
JADE.
Sa loob ng tatlong buwan masasabi kong malaki ang naging pagbabago ni Hera. Alagang-alaga niya ako at talagang hindi niya ako pinapabayaan. I am here at the garden waiting for Sabrina because she said that she already have the result and i'm excited and nervous at the same time. Hera is still in her office and doing her usual works and here I am relaxing.
Nang tumunog ang doorbell ay agad akong tumayo at tumakbo papunta sa gate, nakita kong pinagbuksan na ng mga maid si Sabrina. Nang makababa ito sa sasakyan nito ay seryoso ang mukha niya kaya kinabahan ako. "Nice to see you Sabrina." Nakangiting sabi ko and hugged her. "Nice to see you too, Mrs. Tan." Ngumuso ako sa sinabi niya.
"Ni hindi pa nga nagpo-propose ang kaibigan mo eh. Nakakainis wala yatang balak pakasalan ako." Inis na sabi ko kaya tumawa siya. She handed me a brown portfolio kaya agad ko iyong binuksan at nanlaki ang mga mata ko sa resulta. "Congratulations Jade." Natatawang sabi niya kaya napayakap ako sakanya ng wala sa oras.
"Salamat Sabrina!" Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng mga luha ko na ikinailing ni Sabrina. "Don't cry Jade baka akalain ng mga katulong na inaaway kita." Pinunasan ko ang mga luha ko at hindi makapaniwalang tumingin sa hawak ko.
"When will you tell her?" Tanong ni Sabrina kaya natawa ako ng bahagya. Hera is stressed these past few days kaya hindi ko alam kung sasabihin ko na ba agad sakanya. "That would be a great news for her." Tumang ako sa sinabi ni Sabrina. "I should get going Jade, talagang idinaan ko lang iyan dito." Sabi niya.
"Hindi ka ba muna magmemeryenda?" Umiling siya at ginulo ang buhok ko kaya inirapan ko siya. "May kailangan pa akong gawin at isa pa hinahanap na ako ni Zeea. Alam mo naman ang kaibigan mong yon." Natatawang sabi niya kaya natawa na din ako.
"Sige Sabrina, mag-iingat ka." She waved to me before going to her car and drove away. Malaki ang ngiti ko nang makapasok ako sa loob ng bahay. Agad akong nagbihis at tinext si Reene kung nasaan siya pero tapos na akong magbihis at mag-ayos ay hindi parin siya nagrereply. Saturday naman ngayon ah? Nasa school ba siya? Sinubukan ko din tawagan siya pero hindi nagri-ring kaya si Kyla ang sinubukan ko tawagan baka magkasama sila pero gaya nang kay Reene ay hindi din ito nagri-ring kaya naisip ko ay baka busy sila.
Ayoko namang guluhin si Rose at ang asawa ko dahil alam kong may sarili din silang mga priorities. Kung magtrabaho din kaya ako? Pero papayagan ba ako ni Hera? Ang boring naman kasi dito sa bahay wala akong ibang kasama kung hindi si Hera lang at ang mga katulong. Nagbihis nalang ulit ako ng pambahay at nag-isip ng pwedeng gawin. Napatingin ako sa orasan at nakitang maaga pa naman kaya nag-decide akong gumawa nalang ng graham cake.
Agad akong nagsuot ng apron at itinali ang buhok ko kumuha ng ingridients para masimulan ko na agad. Habang hinahalo ko ang cream at sweetened milk ay naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ko at may isang message doon galing kay Reene kaya agad ko iyong binuksan.
From: Reene
Sorry Jade, I am busy right now. May kailangan ka ba?
Recieved.
12:48 PM
Kaya naman pala hindi niya sinasagot ang tawag ko magkasama kaya sila ni Kyla? Hindi pa ako nakakapagreply nang mag-text din si Kyla.
From: Kyla
Sorry can't pick up your call. May problema ba?
Recieved.
12:48 PM
Sinabi ko nalang na wala at pasensya na sa abala at muling ibinalik ang phone sa bulsa ko para ipagpatuloy ang ginagawa ko. "Ate Jade, kailangan mo po ng tulong?" Tanong ni Hazel yung isa sa scholar ni Hera. "Pwede bang pakikuha yung harina? Gagawa na din ako ng cookies. Bibigyan ko na din yung ibang nasa opisina." Nakangiting sabi ko at agad naman tumalima si Hazel.
Sasabihin ko pa ba kay Hera o surpresa nalang? Kinuha ko ulit ang phone ko at dinial ang number ni Hera. Nakakadalawang ring palang nang sumagot ito.
"Hey honey."
"Hera? Busy ka ba mamaya?"
"I-I-Yes. Bakit mo natanong?" Why is she stuttering?
"Pupunta sana ako diyan mamaya." Nakangiting sabi ko.
"What time will you be here?" Tanong niya kaya napatingin ako sa orasan.
"Mga 3 PM siguro." Sabi ko sakanya at natahimik naman ito kaya kumunot ang noo ko. "Hera?" Tawag ko sakanya.
"Why not five pm ka nalang pumunta?" Suggest niya na ikinagulat ko.
"Are you that busy?" May halong pagtatampong sabi ko.
"N-No k-kaseー Hera!ー I'll call you later Jade." Ibinaba niya ang tawag pero sigurado akong may tumawag sakanyang babae bago niya ibaba ang call.
"She won't cheat on me right?" Tanong ko sa sarili ko at kinagat ang ibabang labi ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa phone ko. "Ito na po ang harina Ate Jade." Napalunok ako at napaharap kay Hazel. "S-Salamat." Nakangiting sabi konat itinago ang phone sa bulsa ko. Iwinaksi ko nalang iyon sa isipan ko at nagpatuloy sa ginagawa ko.
At exactly 5 PM ay nakaayos na ako. Pinili kong isuot ang itim na dress, nagandahan ako eh at isa pa ay binili ito ni Hera para sa akin. Napangiti ako. Inilugay ko ang buhok ko at dahil tinatamad akong mamili ng kulay ng lipstick ay naglagay nalang ako ng lip gloss. Ewan ko ba gusto kong mag-ayos ngayon dahil sa narinig kong boses ng babae kanina. Biglang kumulo ang dugo ko nang maalala iyon. I texted my girlfriend before I went to the car. Nang makaratinv ako sa kumpanya ay wala daw doon si Hera sabi ng Secretary niya kaya kumunot ang noo ko.
"Wala siyang nababanggit na aalis siya ngayon?" Her secretary smiled at me kaya mas lalong lumala ang pagtataka ko. "This is from Miss Hera po." Sabi niya at iniabot sa akin ang paborito kong bulaklak. Inabot ko iyon at may nakitang card doon.
Hey Jade! I love you so much. I just want to let you know how much I love you. Can you come and get me?
-Hera
Napalunok ako sa nabasa ko. Nang muling umangat ang mga mata ko ay nakangiting mukha ng secretary niya ang bumungad sa akin. "Let's go Miss Jade?" Kahit naguguluhan ay tumango ako at sinundan siya. Sumakay kami sa isang puting sasakyan at pumainlalang ang pamilyar na musika. It was our favorite song.
Biglang bumalik ang mga alaala naming dalawa sa utak ko. Magmula nang magkabungguan kami sa harap ng classroom ko hanggang sa umamin siya at ligawan ako. Hindi ko namalayan na napangiti na pala ako dito at napatingin sa bulaklak na hawak ko. Nawala ang ngiti ko nang maalala na ganitong-ganito din ang disenyo ng boquet ng bulaklak na unang binigay sa akin ni Hera. Agad kong tinignan kung may isa pang card at tama nga ako dahil may nakatago pang isang card doon.
Remember when I asked you that I want you to be mine? You told me that I should prove to you that you I love you first right?
Napakagat ako sa labi ko dahil naalala ko nga ang araw na iyon. That same day alam ko na sa sarili ko na nabend nga ako ng isang Hera Althea Tan. Napailing ako at pinahid ang luha ko at inilagay ang card sa loob ng dala kong purse. "Nandito na tayo Miss Ramos." Tumango ako at ngumiti pagkatapos ay bumaba. "Thank you Hexia." Sabi ko pero nagulat ako nang pinaandar na niya ang sasakyan kaya napatingin ako sa gate na nasa garap ko. Sinubukan kong tumingin sa loob pero wala akong maaninag. Ngayon ko lang napansin na nasa mataas pala kaming lugar. Paano nakaakyat ang sasakyan dito? Binuksan ko ang gate dahil hindi naman ito naka-lock at bumungad sa akin ang mga iba't-ibang uri ng bulaklak.
Lumapit ako sa isang maliit na nakatayong poste ng kahoy. There was a picture of me smiling shile holding a sunflower kaya nagulat ako. Kung hindi ako nagkakamali ay kuha ito noong nag-aaral pa ako. There was a caption sa baba ng picture kaya agad ko iyong binasa.
You're the best version of me. Your smile always warms my heart. It gives me motivation and light. I love you Jade.
Napalunok ako at pinigilan ang pagtulo ng luha ko. "Hera Althea... What are you doing?" Bulong ko sa sarili ko at narinig muli ang pamilyar na musika na lagi niyang kinakanta sa akin. Sinundan ko ang direksyon ng arrow at meron ulit akong nakita pero this time ay nakasabit iyon sa sanga ng puno. May picture kami doon ni Hera at nakawacky pa kami pareho sa camera. This was taken when it was raining hard at kailangan kong mag-stay sa bahay nila. Wala kaming magawa kaya nagselfie nalang kami at sabi ko sakanya ay iyan ang pinakapaborito kong kuha namin noong araw na iyon.
Can you tell me the secret why you're still beautiful kahit na nakawacky kana? You really never fail to amaze me in any way my love.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at nagulat ako nang maghulugan ang mga petals ng roses nang matapat ako sa poster kaya tumingin ako sa taas pero wala naman akong nakita. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at nagulat ako nang makita ang mga kaibigan namin na nakangiti sa akin at kumakaway-kaway pa. Suot nila ang dati naming uniform at prenteng nakaupo sa isang bench. Lumapit sa akin si Kyla at hinila ako papunta doon. "Hi Miss Jade! Hinahanap mo ba si Hera?" Nakangiting sabi ni Rose. Sabrina was just grinning at me.
"Anong nangyayari?" Tanong ko at natigilan ako nang maalala ko ang scene na ito. At kung tama ako ay lalabas si Hera na may hawak na gitara kaya agad akong luminga-linga at nagulat ako nang si Zeea at Reene ang lumabas nang nakangiti. May hawak na gitara si Zeea kaya napalunok ako. "Jamming tayo?" Nakangiting tanong ni Sabrina kaya kahit naiiyak ay tumango ako at ngumiti. Nagsimulang mag-strum si Zeea at nagulat ako nang isa-isa nila akong abutan ng sunflower na may naka-attach na mga pictures namin ni Hera.
"Masaya ako para sa'yo Jade." Sincere na sabi ni Reene at niyakap ako ganon din si Zeea at nagulat ako nang mag-form sila ng isang line. Sinimulan ni Zeea na kumanta habang naggigitara. Hanggang sa sunod-sunod na silang umalis at nagulat ako nang makita si Hera sa pinakadulo at nakangiti sa akin.
"Hera..." Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko habang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin. "Hi Miss Jade. Looking good!" I bit my lower lip dahil naalala kong iyon din ang mga katagang sinabi niya sa akin dati. She handed me three pieces of the sunflowers na agad ko namang tinanggap.
"Matagal ko na dapat ginawa itong bagay na ito. I know I don't deserve you. Ang dami mong pinagdaanan dahil sa akin. I am the reason why you lost the people you love and cherish the most. I am the reason why you lost our baby. I am also the reason of your pain and suffering but you still waited for me kahit na walang kasiguraduhang babalik pa ako dito." Lumapit ako sakanya at marahang pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata niya.
"I am the worst person in the world for doing those things to you. You don't deserve evrything you've been through. I'm so sorry Jade. I'm so sorry for leaving and not hearing your side. I'm so sorry for being selfish." Umiling ako at ngumiti sakanya.
"You're not Hera. I love you just the way you are and I trust you. I know you'll come back and you did." Sabi ko at ngumiti. Ngumiti naman siya pabalik at nagulat ako nang bigla itong lumuhod sa harap ko na may malawak na ngiti sa labi. "I may be the worst person you've ever met and I don't deserve you for you are too good for me but I want you to be my lifetime companion." Sabi nito at inilabas ang isang red velvet box kay nanlaki ang mga mata ko at tuloy tuloy na ang pagdaloy ng luha ko.
"Are you willing to spend the rest days of your life with me Miss Yllana Jade Ramos?" Agad ko siyang hinalikan sa labi at tumugon naman siya sa mga halik ko. Humiwalay muna siya sa akin at ngumiti. "I'll take that as a yes." Sabi nito at tumawa. Nang maisuot na niya ang singsing sa akin ay nagpalakpakan naman ang nga kasama namin. Naghiyawan pa nga ang iba kaya natawa ako.
Hera suddenly kissed my forehead and smiled widely at me. Inakbayan niya ako at iginaya sa isang mesa na naka-set up pala. "I love you my future wife." Sabi nito at muli akong hinalikan sa ilalim ng papalubog na araw.
"Wait!" Marahan ko siyang tinulak kaya kumunot ang noo niya. "Why? May problema ba?" Tanong nito kaya ngumiti ako at tumingin kay Sabrina. Mukhang na-gets niya ang sinabi ko kaya natawa siya at ibinigay sa akin ang isang box din. She also handed me the files na copy yata ng bigay niya kanina. Sabi ko kasi bago siya umalis ay ibigay iyon kay Hera pero dahil andito na din naman kami might as well ako na ang magbibigay.
"I also have a question for you Hera." Sabi ko at ngumiti kaya mas kumunot ang noo nito kaya natawa ako. I handed her the box and files at dahan-dahang nanlaki ang mga mata nito. "Anong magandang ipangalan sa baby natin?" Gulat itong bumaling sa akin at nang mag-sink in na ang lahat sakanya ay agad niya akong niyakap ng mahigpit kaya natawa ako.
"FVCK IT! I'M SO FVCKING HAPPY!" Sigaw nito at hinalikan ng mabilisan ang labi ko.
"Yieee! Congrats sainyo!" Masayang sabi ng mga kaibigan namin.
Indeed. This is one of the best days of my life. I'm complete and happy now guys. Bantayan niyo parin kami ng magiging family ko ha? I know you're proud of me.
I smiled while looking at My Althea showing them the pregnancy test with a positive result.
ーENDー
©All Rights Reserved
Anzeanne 14
PLAGIARISM IS A CRIME.
GO READ:
[AVAILABLE ON DREAME]
LS #1: PLAYED BY FATE (Completed)
LS #2: WHEN DESTINY PLAYS (Completed )
STORIES ASSOCIATED WITH SYH:
[ON w*****d]
ALWAYS MY LOVE
THE WAY YOU ARE
LEARN TO LOVE