Day 4

1020 Words
Halos hindi matapos-tapos si Jessica sa pagfit ng isusuot na damit para sa dinner date nila ni Greg. Kung date mang matatawag iyon. Pero kailangan pa rin niyang magpasexy at nang maakit ang binata sa kanyang alindog. Nakahinga naman siya ng maluwag ng mapagmasdan ang sariling repleksiyon sa salamin. Nakita niya doon ang magandang repleksiyon ng isang maganda at seksing dalaga. Natuwa siya sa nakita. Sa wakas nakapili na siya ng susuotin. Isang black satin sleeveless dress na may kaiksihan ang habas ngunit hindi naman siya magmumukhang cheap sa harap ng iba. She still look decent but with a little embellishment of seductiveness. Naglagay siya ng make-up na bumagay sa suot niya at siniguro niyang hindi siya magmukhang bayarang babae sa hitsura niya. Nagwisik ng paborito niyang perfume at inilugay ang medyo may kahabaan niyang buhok. Kinuha at isinukbot ang shoulder bag at lumabas na ng bahay. Mahigit dalawampung minuto rin niyang binagtas ang daan papunta sa restaurant na sinabi ni Greg. Gusto sana siyang sunduin nito ngunit hindi siya pumayag. Pagpasok na pagpasok pa lang niya sa restaurant ay sinalubong na siya ng magandang ambiance nito. It's a luxurious restaurant, she can tell. Sinalubong at binati siya ng waiter at iginiya siya sa mesang kinauupuan ni Greg. Tumayo ang binata at humalik sa pisngi. Biglang nanigas naman ang pisngi niyang nadampian nito. Biglang daloy ng kakaibang kuryente sa katawan sa simpleng pagdaiti nh labi nito sa pisngi niya. How much more kung sa labi niya? Umupo siya ng pinaghila siya nito ng upuan at umupo din ito sa kabilang upuan. Ngumiti ito sa kanya at binuklat ang menu na ibinigay ng waiter. Kinuha din niya ang menu at binuklat ngunit parang walang magandang pagkain ang gustong ilagay sa lalamunan niya. Nadidistract siya sa kaharap niyang lalaki. Napakagwapo kasi nito sa suot nitong kulay Grey long sleeve na nakatupi ang manggas at black slacks. Ang sobrang iksi ng bigote nito sa mukha na halatang bagong shave ay lalong dumagdag sa pagkamusculine nito. Hot & Sexy kumbaga. Ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan nito habang ang bigote ay nagpapakiti lalo sa kanyang balat. Nag-init bigla ang pakiramdam niya. Teka ano ba 'tong kalandiang naisip niya. Pormal ang suot nito. Mahahalatang isa itong prominenteng tao. Pero kahit sa kapormalan ng suot nito mababakat pa rin doon ang matipuno nitong katawan. Kitang-kitang ang kakisigan nito na parang ayaw tantanan ng tingin ng ilang mga kababaihan sa loob ng restaurant including her. Ano ba itong nagyari sa kanya. Hindi ito dapat. Baka may pagkamangkukulam talaga ang lalaking ito. Hindi siya dapat paapekto rito. Paalala niya sa sarili. Nag-order siya ng hindi niya maintindihan ang pangalan basta nag-order lang siya para may makain. Umalis na ang waiter pagkatapos makuha ang order nila. Medyo naiilang naman siya sa klase ng titig ni Greg sa kanya. "Do you like the place?" Biglang tanong nito sa kanya. Napatingin naman siya sa paligid. Maganda ang lugar and the ambiance is shouting with romance. Tika, sinadya ba siyang dalhin ni Greg dito? Oh no! Oh yes, pala kung ganoon ibig sabihin ay nakuha na niya ang interest nito. Napangiti siya at ibinalik ang tingin rito. "I like it but I think this place is more suitable for lovers." Komento niya rito ng makita ang mga costumers sa paligid na parehong may kasama. It's a couple havens. "I'm glad na nagustuhan mo." Saad nito. Nagkwentuhan naman sila ng kung ano-ano like hobbies nila or things they love to do habang hinihintay ang inorder na pagkain ng biglang mas lumamlam pa ang ilaw sa paligid at nag-umpisa ng tumugtog ang malamyos na musika. May ilang couple naman na tumayo at pumunta sa gitna para sumayaw. Sinundan niya iyon ng tingin. Bigla siyang nagulat ng tumayo si Greg at inaanyayahan siyang sumayaw. "I can't dance." Tanggi niya. Totoo ang sinabi niya. Hindi talaga siya marunong sumayaw. Mas pipiliin pa niyang pakantahin siya kahit sintonado kaysa pasayawin. "Don't worry, I'll teach you." Sabi nito at hinila na siya papunta sa gitna. Nagpahila nalang siya. Hinapit agad nito ang baywang niya ng makarating sa gitna. Inilagay nito ang dalawang kamay niya sa balikat nito habang ang dalawang kamay nito ay nakayapos sa baywang niya. Halos magkadikit na ang mga mukha nila sa sobrang lapit. Parang tuod naman siyang nakatayo roon na hindi alam kung ano ang gagawin. Para siyang nakukuryente sa bawat haplos nito sa kanyang likod. Biglang nag-iinit ang paligid niya kahit pa alam niyang nakafully-airconditioned naman ang lugar. Napadako ang tingin niya sa mga labi nito. Ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan ng labing iyon. Curious na tanong niya sa sarili. Dahan-dahan namang bumaba ang mga labi nito palapit sa kanya. Oh my gosh, pwede na yata siyang mamatay kung matikman ito. Napapikit siya. Maya-maya ay idinilat niya ang mga mata ng walang labing dumampi sa labi niya. May pagkadismaya siyang nararamdaman. Lumapit ang mga labi nito sa may tainga niya at bumulong. "Don't close your eyes, baka akalain kung hinintay mo ang halik ko at 'di ko mapigilang halikan ka." Parang pinanayuan naman siya ng balahibo sa batok ng marinig ang ibinulong nito. Well, hindi talaga ang binulong kundi kung gaano ito kalapit sa tainga niya ng bumulong. Naghahatid ito ng kakaibang init sa kanyang katawan. Parang nanigas siya na 'di niya maintindihan. Gusto siyang halikan nito ngunit 'di nito ginawa or sa isip lang niya iyon. Ini-expect niyang hahalikan siya. Medyo napahiya naman siya sa ginawang pagpikit. "I'm so lucky because I'm dancing with the most beautiful woman in this place tonight." Nakangiting saad nito. "I want to kiss you but I don't do it without your consent." Dagdag nito na titig na titig sa mga labi niya. "Why?" Naguguluhang tanong niya. "Because I respect you. And I don't want to force any woman to kiss me." Parang nahulog naman ang puso niya sa sinabi nito. Well, teka, playboy nga pala ito. Dapat hindi siya magpapadala sa mga pambobola nito. "Let's go back to our table. Gutom na ako." Excuse niya. "Alright." Nagpatiuna na siyang bumalik sa mesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD