Prologue

1134 Words
" I told you to stop chasing playboy, Cindy. You didn't listen to me." Naiinis na wika ni Jessica sa kaibigang si Cindy. Kanina pa ito iyak ng iyak na parang hindi na mauubusan ng luha. Napahagulhul naman ito lalo sa sinabi niya. "Hindi ko naman akalain na paglalaruan lang pala niya ako. Akala ko totoo ang ipinakita niya sa akin na gusto niya ako. Umasa ang puso ko bes. Alam mo naman na dati ko pa siyang gusto. Kahit nakikita ko lang siya sa isang magazine o sa telebisyon ay masaya na ako. Sobrang saya ko noong makilala ko siya sa personal. It's a dream come true nang pagtuonan niya ako ng pansin. Imagine bes sa lahat ng mga babae niya kami ang pinakatamagal. Umabot kami ng isang buwan bes kaya akala ko ay seryoso na siya sa akin, 'yon pala ay pinaglalaruan lang niya ako. Hindi man lang siya nagpaliwanag sa akin noong nahuli ko siyang may kasamang ibang babae palabas ng hotel. Ang sakit-sakit bes." Humahagulhol na pagkukwento ni Cindy sa kanya. Mugto na ang mga mata nito ng pumunta sa opisina niya para maglabas ng sama ng loob. "Tahan na. Makakarma din 'yong lalaking iyon." Pang-aalo niya sa kaibigan. Nasasaktan din siya sa sinapit nito. Sa ganda nito ay hindi niya akalain na iiyak ito sa isang lalaki. Akala pa naman niya ito lagi ang iniiyakan ng lalaki. "Pangit ba ako bes?" "Ano ka ba? Ba't mo naman na tanong iyan,ha? Sobrang ganda mo kaya." "Eh bakit pinaglalaruan lang ako ng lalaking iyon? Bakit di niya ako nagustuhan?" Tanong pa rin ng kaibigan niya. Alam niya na nawalan na ito ng tiwala sa sarili dahil sa ginawang pananakit ng damdamin ng lalaking iyon. Naawa naman siyang pinagmasdan ang hitsura ng kaibigan niya. Ilang araw na itong hindi pumasok dahil may pinagdadaanan pala itong sakit sa puso. "Maganda ka bes,okay? Nakatagpo ka lang talaga ng napakawalang hiyang lalaki tulad ni Greg de Silva." Wika niya na nagtatagis ang bagang. Pati siya ay halos di makapaniwala na may mga lalaking mapaglaro ng damdamin ng iba. Kilala niya si Greg de Silva dahil nakikita at nababasa niya ito sa mga magazine at telebisyon. Isa itong tanyag na negosyante pero pinakatanyag ito sa larangan ng pananakit ng damdamin ng mga babae. Maraming napabalitang nalilink sa lalaking ito. Hindi naman itinatanggi ng lalaking iyon ang balita bagkus ngumiti lang ito sa bawat tanong na ibinabato rito. Hindi kataka-takang maraming mga babaeng gustong mapabilang sa maging mga babae nito kahit one night stand lang dahil hindi lang sa sikat ito at mayaman kundi dahil na rin sa angkin nitong kagwapohan at kakisigan. Pero hindi niya type ito. Noon pa man pagnakikita niya ito sa telebisyon habang nakangiti sa harap ng camera ay kumukulo ang dugo niya rito kahit hindi pa man nito sinaktan ang damdamin ng kaibigan niya. Kumukulo ang dugo niya sa mga mayayabang na lalaking tulad nito. Akala siguro nito ay lahat kaya nitong paglaruan dahil akala ng lalaking ito na siya na ang diyos ng kagwapohan. Si Cindy ang patunay na totoo nga ang mga balita tungkol kay Greg. Isa itong writer sa kompanyang parehong pinagtatrabahoan nila. Pareho silang manunulat sa isang sikat na magazine. Gumawa ng paraan ang kaibigan niya para makilala nito si Greg. Gagawa daw ito ng article tungkol sa lalaki kaya gusto nitong mainterview si Greg and surprisingly nagpaunlak naman ang binata. Doon na nagsisimula ang akala ng kaibigan niya ay nagkagustuhan na sila iyon pala ay pinaglalaruan lang pala siya nito. Galit rin ang nararamdaman niya para sa lalaki. "Gaganti ako. Tulungan mo ako bes." Nangangalit na wika nito sa kanya. "Ano namang maitutulong ko sa'yo? Sabihin mo lang, dudurugin natin ang lalaking iyon." Ganting saad niya rito para huminahon na ito sa kakaiyak. "Hindi ko alam" Malungkot na sagot nito. "Cindy and Jess, pinatawag kayo ng boss sa opisina niya." Pagpapaalam ni Mitch, ang sekretarya ng Mrs. Gascon nila. Dali-dali namang nag-ayos ng mukha si Cindy at mabilis ng pumunta sa opisina ng boss nila. "Sit down." Salubong ng boss nila pagkapasok na pagkapasok pa lang nila. "Last Month edition ng MJL VOGUE Magazine ay tumaas ang sales natin. We sold over a million of copies. Isa sa mga rason na nakikita ko ay dahil doon sa na feature mong si Mr. De Silva, Cindy and to Jessica for the very interesting article about love and lies. Nagviral ang mga sinulat ninyo. Congratulations ladies!" Mahabang papuri ng boss nila sa success ng magazine nila. "Pero kailangan nating panatilihin o taasan pa ang ating sales. Let's make our article interesting every edition para laging may aabangan ang ating mga readers. Kailangan ninyong mag-isip ng kakaibang kwento para hindi naman mabored ang ating mga mambabasa." Pagpapatuloy nito. "Ikaw Cindy, sino na naman ang ipi-feature mo this time?" Tanong nito sa kaibigan niya. "Iniisip ko pa po mam, pero may ideya na ako. Kailangan ko lang munang masure kung mapapayag ko siyang mafeature pero hindi pa ako sigurado sa taong ito." Paliwanag ng kaibigan niya biglang nalungkot ang mukha na parang may naalala. "Well, make it sure. I trust you." Nakangiting wika nito sa kaibigan. "How about you Jessica, anong article na naman ang isusulat mo sa romance column mo?" Baling na tanong nito sa kanya. "Ah mam, iniisip ko pa po kung anong isusulat ko for the next month edition." Pag-amin niya. "Well, you need to decide as soon as possible." Diritsang saad nito. "I have an idea." Biglang sabad ni Cindy. Sabay silang napatingin rito. Tinging nagtatanong. "I have a suggestion for your article Jess. How about 15 days to dump a playboy?" Excited na saad nito habang nakangiti. "What? Paki-explain." Naguguluhang tanong niya rito. "Ganito iyon, paano ba paiibigin at paluluhain ang isang playboy sa loob ng 15 days? Diba magandang pamagat iyon?" Tanong nito. Tumango lang sila at nakikinig sa sasabihin pa nito. "Greg de Silva is known of being a playboy. Siya ang gagamitin para magawa natin na makatotohanan ang article na isusulat mo Jess." "Paano?" "Paiibigin mo siya at pagkatapos ay paluluhain. Dump him in 15 Days. Deal?" Tanong nitong may pagkalapad na ngiti. Hindi siya nakapagsalita sa naisip nito. Alam niya ang motibo ng kaibigan niya sa naisip nito. Gaganti ito sa lalaki sa pamamagitan niya. "That's a good idea. Brilliant." Napalakpak naman ang boss niya sa narinig. "No way. Ayoko. Iba nalang." Hindi pagsang-ayon niya. "Please bes, para sa akin man lang. Please?" Wika nitong may pagsusumamo. Naaawa naman siya sa hitsura nito. "You can do it Jessica." Dagdag naman ng boss nila. Napabuntong hininga nalang siya. "May magagawa pa ba ako?" Napayakap nalang ang kaibigan niya sa tuwa. At napangiti naman ng pagkalapad-lapad ang boss nilang si Mrs. Gascon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD