Day 13

1194 Words
Maagang nagising si Jessica ng umaga iyon sa bahay ni Lola Margareta. Nagising siya sa tilaok ng mga manok sa labas. Tiningnan niya ang orasan ng kanyang cellphone. It's already 6 o'clock. Bumangon siya at tumungo sa banyo upang maghilamos. Maaga siyang nakatulog kagabi pagkatapos nilang nagliwaliw sa farm kahapon pagkatapos mananghalian. Ipinasyal siya ni Greg sa buong farm. Naglakad-lakad lang sila hanggang sa napagod. Ngayong araw ay balak nilang manungkit ng mangga para dalhin mamayang hapon pag-uwi nila sa bayan. Gusto niyang sila ang manungkit. Gusto niyang maranasan iyon. Sa palagay niya ay napakasayang experience iyon. Bumaba siya at pumunta sa kusina para magtimpla ng kape. Naroon na ang katulong ng matanda na nagluluto ng almusal. Nagtimpla siya ng kape at lumabas ng bahay. Gusto niyang magkape habang pinapanood ang magandang tanawin. Paglabas niya ay nakita niya si Lola Margareta na nagkakape rin sa may hardin. "Good morning lola." Bati niya rito. "Good morning too,apo." Ganting bati nito. Masaya itong kausap kahit na sa katandaan nito ay makikita parin ang pagkamiliksihin nito. Sa edad nitong 72 ay malakas pa ito. Ipinagmamalaki pa nga nito sa kanya ang mga tanim nitong halaman sa harden nito. "Anong oras na at hindi pa gising ang batang iyon. Akyatin mo nga sa kwarto at ng makapag-almusal na tayo." Utos ng matanda sa kanya. "Opo lola." Sunod niya. Nakailang katok na siya ng wala pa ring nagbukas ng pinto kaya dahan-dahan niya itong binuksan. Napadako ang tingin niya sa kama nito. Akala niya natutulog pa ito. Nilapitan niya ito para gulatin ng napalingon siya ng biglang bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa si Greg na hubot hubad. Napatda siya at 'di alam kung saan ibabaling ang tingin. Tiningnan niya ang higaan. Unan pala ang nandoon na natabunan ng kumot. Nabigla naman si Greg sa pagpasok niya ngunit nakita na niya ito kaya parang baliwala lang nito ang kahubdan. Lumapit ito sa kanya at bumulong malapit sa tainga niya. "Good morning, babe." Nagulat naman siya sa ginawa nito at napatingin dito. Napatingin siya sa mukha ng binata at 'di napigilang tingnan din ang ibaba nito. Nagpalipat-lipat ang tingin niya na ikinahiya niya ng marealize ang ginawa niya. Natataranta siya. Bigla siyang namula sa pagkapahiya. Halos matawa naman si Greg sa reaksiyon niya. Hinapit siya nito at hinagkan sa mga labi na mas lalong ikinabigla niya. Nanlaki ang mga mata niya. Itutulak niya sana ito ngunit itinigil nito ang paghalik sa kanya. "The rule.." ang salitang namutawi sa bibig niya. "f**k your rule." Putol nito sa sasabihin niya at sinibasib siya ng halik sa mga labi uli. Natutunaw yata siya sa bawat halik nito at kusang gumaganti ng halik ang mga labi niya. Ang mga kamay niya ay kusang pumulupot sa leeg nito. Naliliyo siya sa matinding sensasyong naradarama. Parang nawawalan ng lakas ang mga tuhod niya at gusto niyang kumapit ng mahigpit dito Pakiramdam niya ay nadadarang sa apoy ang katawan niya sa sobrang init ng mga haplos ng binata. Naramdaman niya ang matigas na p*********i nito sa sa may puson niya. Gusto ng isip niyang huminto ngunit ayaw sumunod ng katawan niya. Nagpakawala naman siya mg impit na ungol ng bumaba ang isang kamay nito sa dibdib niya. Halos lumiyad naman siya sa bawat lamas nito. Mabilis na naghiwalay ang uhaw na katawan nila ng may kumatok sa pintuan. Ang katulong ng matanda ang nasa labas na nagsabing nakahanda na ang almusal. Halos 'di naman siya makatingin ng deretso sa binata. Ngumiti lang ito sa kanya at mabilis na dinampian siya ng halik at sinabing magbibihis lang ito at susunod na sa komedor. Hindi naman siya nakapagsalita at mabilis na lumabas ng kwarto. Napahawak siya sa kanyang mga labi at napangiti. Gosh ang sarap pala nitong humalik. Nakakalimutan niya ang katinuan niya ng mahalikan siya. Nakangiting bumaba siya papunta sa komedor. Pagkatapos nilang mag-almusal ay naghanda na sila para mamasyal sa manggahan at manungkit ng mangga. Medyo naiilang siya sa nangyari kanina sa kwarto ng binata ngunit nawala din ang pagkailang niya dahil masyado itong palabiro. Napapatawa siya nito ng sobra. Hindi mo akalaing ito iyong lalaking nakikita niya sa television na napakapormal. Nakarating sila sa may tuktok ng burol na kitang kita ang paligid. Medyo malayo-layo ng kunti sa bahay ni lola Margareta. Naglatag sila ng dala nilang tela at inilapag ang dala nilang basket na lagayan ng mga manggang makukuha nila. Mamaya na sila manungkit. Papanuorin muna nila ang magandang tanawin habang hindi pa masyadong tirik ang araw. Umupo siya sa may tela. Humilata naman si Greg at ipinatong ang ulo sa binti niya habang tinitigan siya. Hindi niya napigilang haplusin ang gwapo nitong mukha at pingutin ang ilong nito. Nanggigil siya rito. Sarap halikan. Sa isip-isip niya. Umangat ang ulo nito at dinampian ng mabilis na halik ang labi niya. "I love you." Seryosong saad nito. Naramdaman niya ang senseridad sa boses nito. Kinilig siya. Ayaw man niyang aminin sa sarili na ganoon din ang nararamdaman niya ngunit alam niya, nahuhulog na ang puso niya dito. Hindi niya napigilan eh. Sometimes there are things that beyond our control. Isa na doon ang umibig. Imbes na sumagot ay halik ang isinagot niya rito. Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin niya ang nararamdaman niya para dito. Kailangan niyang mag-isip at siguraduhin ang nararamdam. Timbangin kung ano ang mas mabigat, ang damdamin ba niya dito o ang trabaho niya na posibleng mawala sa kanya kung hindi niya magawa ang trabaho niya. At ang kaibigan niya, ano nalang ang maging reaksiyon ni Cindy kung malaman nitong umibig siya sa lalaking nanakit dito. Naguguluhan siya at nahihirapan sa sitwasyon niya ngayon. Ang alam lang niya sa mga sandaling iyon ay maligaya siyang kasama niya ito. Napakaligaya. Ayaw niyang matapos ang lahat sa kanila. Pero anong gagawin niya? In two days ay kailangan na niyang tapusin ang lahat-lahat sa kanila. Parang hindi niya kayang makita itong nasasaktan. "What's wrong? Bigla yatang lumungkot ang mukha mo." Tanong ni Greg sa kanya. "Wala naman. May naalala lang ako." Pagsisinungaling niya. Niyapos siya nito ng mahigpit. Nanatili sila sa ganoong posisyon ng ilang minuto bago siya nito binitiwan at niyaya ng manguha ng mangga. Tumayo naman siya at sumunod kay Greg na kinuha ang sungkit sa malapit. Tinitigan niya ito habang nanungkit ng mangga. Hindi niya maiwasang makaramdam ng sakit everytime maisip niyang hindi na niya ito makakasama. Sigurado siyang magagalit din ito sa kanya kapag malaman nito na pagkukunwari lang ang lahat ng ipinakita niya. Na niloko lang niya ito. Parang gustong tumulo ang luha niya ngunit pinigilan niya. Lumapit siya at niyakap ito sa likod ng mahigpit. Hindi siya nagsalita. "Let me hug you kahit sandali lang." Sabi niya. Pinabayaan naman siya nito. Maya-maya ay iniharap siya at niyapos din ng mahigpit. Walang salitang namutawi sa kanilang mga labi. Nagpapakiramdaman lang. Gusto niyang humagulhol ng iyak. Iwan ba niya parang pakiramdam niya ay hindi niya kayang mawalay ito sa kanya. Mahal na nga talaga niya ito. Hinalikan siya nito sa noo, na nagpatulo ng luha niyang pinigilan. Dali-dali naman niya itong pinunasan para di makita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD