The Beginning

2156 Words
Everyone is cheering for gladness as they opened the given cards. Some are terrified but still cheering themselves to get better for the next time. Both parents and students are present in our room. As today is our card day. I pouted. Mabuti pa itong dalawa kong kaibigan, kasama ang kanilang magulang. I sighed. Naiintindihan ko namang hindi makapunta si Dad rito sa kadahilanang urgent meeting niya sa trabaho. Pano pag-malaman ni Dad kung ano man ang nasa loob nito, ay magalit siya? Dad is strict. Mom is a softie. I'm a brat and liberate at a young age. My sister in college is way far from me. Gaya siya ni Mommy, the way they move and speak, so passionate and graceful. Kung sa buong bahay si Ate lang yata ang malamyos at mabait, I mean she's delicate like every move of her was very fragile. Parang takot makabasag ng kung anu-ano. Kasi si Mommy...well she's too far away from us. Too far since she's in heaven with our little angel, yet closer to our minds and hearts. Always. My eyes drifted to the card were on my hand. Bubuksan ko ba ito? O mamaya na sa bahay? I pull the thick paper inside without still looking at the digits written on it. Mamaya na siguro? I was about to put it back not until my boy best friend takes it. "Akin na iyan!", I exclaimed. Inilayo niya pa iyon sa akin at siya na mismo ang tumingin. Steven scrolled the paper and have a shocked look after it. Kahit hindi ko na titignan ang mga numero sa bawat asignatura sa card na iyon ay alam ko na. As usual, my Math will always be... "75?!" "Nagulat ka pa!" "Seryoso, Meira? 75 lang matapos kitang pinakopya?!" I rolled my eyes at him. Kainis 'to! Porket nasa Top 10 lang siya?! "Sa susunod kasi gandahan mo ang sulat-kamay mo!" I stretched my hand to my card, but sadly my other boy best friend take it from Steven. "Anong pinakamataas mo, Mei?" Nakisilip na saad ni Vincent. Tumawa si Steven at may kung anong tinuro sa papel. Hindi ko pa nakita ang laman nun. Malamang hindi ko rin alam kung anong asignatura. "Pfft. 80!" "Okay na rin 'yan." Sabay tumawa ang dalawa kaya hinablot ko na ang aking card at dumiretso palabas ng gate. Tutal, dismissal na rin naman ng buong school sa ganitong oras. Rinig ko pa ang ilang tawag ng dalawa sa akin ngunit ni isa sa kanila ay hindi ko nilingon. Bahala sila! Edi, sila na ang matalino sa Math! Sila na ang gusto ni Math! Lintek na Math! Isang itim na Audi ang pumarada sa harap ko. Its window slide down and there, I saw my sister, Zara. Ate Zara with her boyfriend, Zadkiel. Binati ako ni Ate at ganoon din ni Zad ngunit deretso ang pagpasok ko sa loob at isinaksak ang earphones sa magkabilang taenga. They both parking themselves at the front, while I'm at the back. Zadkiel who's maneuvering the car and owned this car. Nasa kolehiyo na ang dalawa at ilang buwan lang din ang agwat. Zadkiel is a college student here in our school while my sister is on the other town. Hindi kami puwedeng nasa iisang unibersidad dahil...sa gusto ko lang. Kaya tuwing biyernes ay sinusundo siya ni Zad. Sweet, huh? Binuksan ko ang aking phone at nagmistulang naghahanap ng magandang kanta. Dahil ang totoo, wala naman akong balak makinig ng kanta. It's my hobby to fool everyone that I am listening to something. Nilalagay ko lamang ang earphones upang hindi ako kakausapin. Double purpose. They won't bug me but I can hear what they're saying. Nilingon ko ang nagmamaneho ng sasakyan. He's talking with Ate. Usapang tungkol sa pag-aaral nila. Pfft. That's boring. The way he talked to my sister sounds so sweet even their topic is boring. Malambing siya magsalita at nakikinig talaga sa kinakausap. I sensed that he always appreciate everything about my sister. Palagiang tumatango at ngumingiti kay Ate. Iniba ko ang aking atensyon ng maramdaman ang kunting kirot sa dibdib. I gazed at the road as the car is still running. Thinking what if's about myself with my sister's one-year boyfriend. Kailan mo ba ako ngingitian ng ganyan? Kapag magkaka-95 na ako sa Math! I sighed. They both are achievers and attentive students. Si Ate na halos lahat hakutin na ang korona sa pagrarampa at sa mga Science Activities ng school. Magaling magpinta at sumayaw. Si Zad na bookworm at isang Math Wizard, kumbaga. Mahilig sa sports at isang varsity ng basketball. Kaya nga halos sa school namin at sa school ni Ate, even those business partners ni Dad ay nagsasabing bagay silang dalawa. Sus! Walang forever, uy! At ako naman na...huwag na nga lang nating pag-usapan! Ano pa bang ipagmamalaki ko?! Hindi ko kayang ipagmamalaki ang 75 noh! Lumabas ako ng kotse at umikot patungong gate. Hindi ko na nilingon ang magjowa na kasama ko dahil baka maabutan ko pa itong mag-goodbye kiss sa isa't isa. I run towards my room and fixed myself. Matapos ay nagdesisyong bumaba upang manood ng TV. I was half running towards our living room when I saw Zadkiel on the couch. Dumapo ang kanyang tingin sa akin pagkababa ng hagdan at pinasadahan ako ng tingin. "Si Ate ba hinihintay mo? Bakit may date kayo?" I asked. Hindi na ito bago. Ilang beses na rin kaming nagkausap, kapag wala si Ate. Pag-magkausap man ay hindi ako ganoon ka-bungangera. Hindi na ako nahihiya. Sa ilang taon na akong may gusto sa kanya na hanggang sa naging sila ni Ate ay nasanay na ako. Magpakatanga. "May pupuntahan lang. Ang Dad mo, hinahanap ka." Tinuro niya ang kusina. Umupo ako sa harap niyang couch. Bahala na si Dad, palagi ko namang nakikita mukha nun dito eh. "You won't go to him? He's waiting." Umiling ako. Tingin ko matagal pa bago makababa si Ate rito. Minsan lang latalaga kami nag-uusap ni Zad kaya kung minsan ay maiilang pa din ako sa kaniya. Dahil wala namang magagawa ang pagkailang at pagkahiya ko ay ilang beses ko na ring siyang sinusubukan kausapin. You know, have some random conversations with him just to know him better. "Zad, can I-" "Mag-kuya ka, Althaia!" Si Dad kakalabas lang mula sa kusina. I want to stomp my feet for what I heard. Naudlot pa! I pouted. "Hijo. Matatagalan ba kayo roon?" My Dad to Zadkiel. Imbes na ako itong kakausap si Dad na itong nakiki-insert. Naman! Hindi ako sanay na i-kuya siya. Hindi bagay! Ang hot niya tapos 'kuya'? Ano pang silbi ng pagtawag ko nun sa kanya kung alam ko sa sarili kong gusto ko siya?! "Hindi naman po, saglit lang." "Ganun ba?" Nilingon ni Dad ang hagdan kung saan bumaba si Ate. It's not a usual outfit for dates, usual outfit yon ni Ate tuwing may lakad. Fitted jeans paired with a branded t-shirt. She's simple, I know. Pero diba pupuwede din iyon sa mga dates. Hindi naman lahat bongga ang suot. "Sige, mag-ingat kayo." Nagpaalam sila at ganun na lang ang tunog ng sasakyan na papalayo. "Saan sila, Dad?" "They are both invited to their friend's party." "Eh, bakit ako hindi invited?", I curiously asked. Pinandilatan ako ni Dad ng tingin. "College ka na ba?" I pouted, again. "Nga pala, bago ko malimutan." He lazily stretched his hand in front of me. "Ano ba 'yon, Dad?" Tanong ko. His eyebrows sharpened. "Althaia! Your card!" Hindi ko sinabi kay Dad na card day namin ngayon. Pero ang daddy ni Steven ay kumpare niya sa negosyo kaya alam kong sinabi ni Tito. In every Card Day, walang Dad na dumadating para sa akin. Right, wala akong award kaya hindi din ako aakyat ng entablado. Anong silbi ng pagpunta niya roon sa school kung pwede niya namang piliing pag-kakaabalahan ang trabaho. If I would be a weak daughter of someone like a father of mine... Alam kong masasaktan sila. But for me, I was numbed for it. I'm weak emotionally but I have to show everyone that I'm physically strong. Sanayan na lang. After I gave my card to my Dad, the glass-made kinds of stuff in our house almost scattered. He's mad. Very! That's usual, he expects something big, something surreal, something that a father would be proud to. Matapos ay umakyat na lamang ako ng kuwarto. He signed my card, still mad that he almost ripped the paper with his ballpen. Doon, ay napag-isipan niyang isali ako sa tutoring class. Si Ate ay matalino na kanya lang. Walang tutor, sariling gawa, sariling sikap. Kaya na rin siguro hindi ako pina-tutor ni Dad dati dahil tingin niya kakayanin ko. May tiwala siya akin. Dati, siguro. He contacted a tutor he knew. Ngunit hindi niya napa-oo ang tinawagan. She can't handle me since she already been busy with her other things. Dad called another, yet unattended. Another one, still can't be reached. One more, sadly she denied. Ayaw daw akong i-handle. Nasusupladahan siguro. Edi huwag! Buti na iyon! Makakapili ako ng gusto kong magturo sa akin. Puro babae ang tinawagan ni Dad at ayaw kong pakisamahan ang kapwa ko babae, unless if it's a family. I would prefer to enjoy the boy's company. You see, most of my friends are guys. Sumunod ang ilang araw at hinahanapan pa rin ako ni Dad ng magturo sa akin. He even asked my sister if she knew one. Pero wala pang sagot si Ate roon. Kaya, habang wala pa, maghahanap na ako ng solusyon. "Ako na lang magturo sa'yo!" Si Vincent. They are my friends. Everything, I share with them. May tiwala naman ako. "Yoko nga! Kita mo, kahit pag-rereport sa harap hindi mo kayang panindigan!" "Wow, bakit ikaw? Okay na iyon, keysa sa'yo hindi nag-paparticipate." "Ugh! You're not helping!" "Pasensya na." Kaming tatlo ay nasa college department ngayon. Sa likod ng mga college buildings ay may malawak na field kung saan ay may mga malalaking puno na puwedeng pagsilungan. May mga benches din naman kaya komportable. Our class will be continued after lunch. Kaya may trenta minutos pa kami.. "Ako na lang, Mei. Kailangan ko din ng allowance ngayon eh. Ilang araw na lang exam na para sa second quarter." "Ang dami niyong pera, don't me Steven. At isa pa, hindi mo nga ko kayang gabayan sa pangongopya!" "Iba kasi 'yon!" He hissed. "At saka porket mayaman ang pamilya, hindi naman dapat sa kanila lang din ako aasa." Edi wow! Ikaw na ang mabait na anak! The college department is far from our building. Pero kung sa likod ka lang man din dadaan ay kaya naman. I roamed my eyes in the field. May mga estudyante pero hindi ganoon karami. May mga klase na siguro ang iba. My eyes darted on the other side of our bench. It was Zadkiel with his group. Nakaupo siya sa bench habang may hawak na libro ngunit nasa mga kaibigan ang atensyon. He looks hot in his uniform. Hindi ko alam bakit sa lahat ng lalaki dito sa university namin, siya lang ang nakikita kong bagay sa kanya ang uniform. It's a white polo top paired with dark jeans. May necktie din ito na kasing-kulay ng pang-ibaba. We girls have two types of uniforms, long-sleeved and short-sleeved. Wala namang masyadong pinag-kaibahan dahil parehong maikli lang din ang skirts. His eyes scrolled his pages after. I could see that he's a very diligent person. Parehas sila ni ate. Kung ang kuwarto ko puno ng closet sa kaniya naman puno ng bookshelves. A thought passes on my mind as I stared at the guy who's been my long time crush. Malayo ang agwat namin ni Ate. Si Ate na masipag mag-aral, si ate na aktibo sa school, si ate na talentado lalo na sa pagpinta at pagsayaw. Si Ate na... mahal niya.  Edi wow! Kung hindi mo ko papansinin Zad, I'll find a way. Kung pagpapansin lang naman pala, why not doing it. I'm born papansin, anyway! Days became weeks, still, my father didn't find a tutor for me yet. Mas tumatagal mas masaya, at the same time kinakabahan. I have never been tutored, I never been sequential. My rules, my law. No one can dictate me and no one can please me. But if Dad's plan is steady for this, why not I, myself do something for his plan.  Kung hindi siya makahanap ng tutor, edi ako ang maghanap. Tutal, what he thinks is for my best. Hindi ko man ito gugustuhin sana pero kapag siya lang naman din ang maging tutor ko, why not? A/N: Hi, this is Aine, and nice to meet you. You're about to turn to Chapter 1. That's it, hope you like it and we'll be able to meet each other 'till the end of this! Ps. This story is available on w*****d you can also check it out there together with my other stories, under @notyoursaint, thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD