"Are you serious?" nagtaas ako ng tingin nang marinig ko ang hindi makapaniwalang boses ni Franco. He is looking down at me with amusement visible in his eyes. "Bakit?" takang tanong ko. "You are more concerned with your drink rather than yourself even though you almost died?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Franco. Kibit balikat na tumayo ako at pinagpag ang mga dumi sa sarili ko. "Thank you," tipid na sabi ko sa kaniya nang tuluyang magpantay ang tingin namin. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hindi ka dumating." pag-amin ko sa kaniya at pinasadahan ng tingin ang mga lalaki na muntik nang gawan ako ng masama na kasalukuyang nakabulagta at mahimbing nang natutulog. I still can't believe that Franco was the one responsible for this even though he is alone versus the

