"Um. Mr. Charles," mahinang tawag ko sa kaniya na naunang naglalakad sa akin habang ako naman ay nakasunod sa kaniya. Hindi manlang niya ako nilingon at deretso lang sa pagkakalakad. Napayuko na lamang ako nang mapansin ko ang uri ng tingin na pinupukol ng mga taong kasama namin dito sa akin. They are looking at me with so much confusion habang karamihan sa kanila ay nagtataka kung sino ako. Dinala ako ni Mr. Charles sa bakanteng upuan sa tabi ng babaeng nakasalubong ko kanina sa entrance. "Prepare her. I want her ready within 15 minutes," striktong sabi ni Mr. Charles at pinaupo ako sa upuan. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko ang ngumiti sa akin sa salamin. "They are good. I'll just prepare the set. Tell me if you need anything, okay?" mababa ang tono na sabi niya sa akin at ti

