"Why do I feel like you are pushing me away whenever I offer my help?" may bahid ang sakit at akusa sa boses niya. Napatanga na lamang ako sa gulat dahil hindi ko talaga inaasahan ang sinabi niya. "Ha? teka. Hindi sa ganoon, Chase. Ang point ko lang kasi ay-" "I like you, Chessa," hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang pakiramdam ko ay nalaglag ang panga ko sa malamig na daan nang marinig ko ang sinabi ni Chase na seryosong nakatitig sa akin. "Ha?" parang tangang sagot ko sa kaniya pagkatapos nang ilang minutong dumaan. I tried my best to digest what he just said but it feels too much na para nag-malfunction na lang bigla ang utak ko sa narinig. "I said I like you," pag-uulit niya sa nauna niyang sinabi. Naramadaman ko ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha dahilan para umiwas ako ng

