Napanganga siya sa ganda ng tanawin, makikita ang kumikinang na tubig dahil sa pagtama ng liwanag ng buwan, naalala niya ang lawa sa bundok na kanilang pinuntahan ng mga ka-trabaho niya, pero iba ito dahil sobrang ganda nito
Yung lawa na pinuntahan niya ay wala kang makikitang mga bulaklak, tangin bato at puno lang ang makikita, mga putol na sanga sa gilid ng lawa, hindi tulad nito may mga sariwang bulaklak sa gilid, mga malagong puno, mas malinaw ang tubig dito kumpara sa lawa na iyon
Nagulat pa siya nang masalita ang lalaki sa tabi, nakalimutan na niya nakasama pala niya ito
“Nagustuhan mo?” tanong nito sa kanya
“Oo, sobrang ganda para akong nasa isang paraiso, mas maganda ito kumpara sa isang lawa na sapuntahan ko, marahil ay napag-iwanan na iyon ng panahon” sabi ko dito
Pagtingin niya dito ay naka-kunot noo ito, pero ngumiti din ito ng tingnan niya
Maya-maya pa ay bigla siya nitong tinulak sa tubig, napasigaw siya sa ginawa nito, hanggang bewang lang ang lalim nito, pag-ahon ng ulo niya ay hindi niya ito makita, inikot niya ang kaniyang paningin pero wala ito, nang bigla itong lumitaw sa kanyang harapan
“Ahhh” sigaw niya at nahampas niya ito sa ulo
“Ouch” aray nito sa paghampas niya
“Sorry, pasensiya na bakit kasi bigla ka na lang nawawala at sumusulpot sa harap ko” pagalit niyang sabi dito
“Natakot ba kita” naka ngiting tanong nito sa kanya
“Hindi... ayos lang, nagulat lang ako” aniya dito ng mapansin niya nakatitig ito sa kanya
Nailang siya sa ginawang pagtitig nito, dahil ngayon lang din niya napansin na manipis pala ang suot niyang damit at bumakat ito sa katawan niya ng mabasa ito, kaya hinarang niya ang kamay sa bandang dibdib niya.
Hinawakan nito ang kanyang kamay at dahan-dahan itong ibinaba, nihawakan siya nito sa kanyang braso, hindi siya gumagalaw na parang bang tinulos siya sa kanyang kinatatayuan
“You’re so beautiful” kitang-kita niya ang paghanga sa mga mata nito Hinapit siya nito sa kanyang bewang, at napatingin lamang siya dito, hindi malaman ang sasabihin parang nalunok niya ang kanyang dila at hindi magawang magsalita
Unti-unting bumaba ang mukha nito sa kanyang mukha, langhap niya ang mabango nitong hinihinga na nakadagdag sa nakaliliyong pakiramdam niya, napapikit siya nang dumampi ang mga labi nito sa kanyang mga labi
Magaan at mabini ang mga halik na iyon, habang tumatagal ay nararamdaman niya na lumalalim at nagiging mapusok ang bawat halik nito sa kanya
“hmmm”
Napa-ungol siya sa sensayong dulot ng bawat halik ng lalaki sa kanya, namalayan na lamang niya na nakahawak na pala ang dalawa niyang kamay sa batok nito
Kakaibang kilabot ang nadama niya ng mga oras na iyon, parang libu-libong paru-puro ang nagliliparan sa kanyang puson, lalo na nang maramdaman niya ang init ng bawat paghaplos nito sa kanyang katawan kakaibang init ang iniiwan ng bawat dampi ng palad nito sa kanyang balat
Malamig ang tubig pero hindi niya iyon maramdaman dahil natatalo ng init na kanyang nadarama, lalo na nang maramdaman niya ang mainit nitong palad sa kanyang dibdib, naglalaro ito doon, pumipisil gusto niyang pigilan ito pero hindi niya magawa dahil para siyang kandila na nauupos at nakadipende na lamang sa lakas lalaki, lumipat ang mga labi nito sa kanyang punong tainga pababa sa kanyang leeg, at bumaba ang mga labi nito sa kanyang dibdib
She felt something hard down there poking on her belly and when she realized what it is, her eyes wide open para siyang binuhusan ng malamig na tubig na nagpabalik sa kanya sa realidad
Bahagya niya itong na itulak, naka pag patigil sa ginagawa nito, biglang dumilim ang mga titig nito na hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito, kaya nagbaba siya ng tingin
Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang muli nitong pagyakap sa kanya, itinaas nito ang kanyang damit at hinalikan ang taas ng kanyang ulo
“Bumalik na tayo, baka nilalamig ka na” anito sa kanya
Tahimik lang siyang nakasunod dito hanggang sa marating nila ang bahay
“Magbihis ka na” utos nito sa kanya, tumango lamang siya dito
Pumasok si Miles sa kuwarto at narinig niya ang pag labas ng lalaki, hindi niya mapigilan na sisihin ang sarili, nakaramdam siya ng lungkot sa ginawang pagalis nito
Hinintay niya ang pagbabalik nito hanggang makatulugan na lamang niya ang paghihintay sa pagbalik nito, bahagya pa siyang naalimpungatan nangmaramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang noo at humiga sa tabi niya
****
Shit!
Napapasuntok na lamang siya sa hangin
Napapamura si Landro dahil sa nangyari hindi niya masisisi si Mila, pero hindi lang talaga niya mapigilan ang magalit
Nandidiri ba ito sa kanya? bakit ganoon na lamang ang kinilos nito kanina
Hayy..
Mariin niyang buntong hininga, hindi niya ito masisi dahil hindi nito maalala kung sino siya at kung anong kaugnayan nila sa isa’t isa, siguro ay naninibago lamang ito, maghihintay siya hanggang sa tuluyan na siya nitong maalala
Pagbalik niya ng bahay ay nakita niya itong natutulog na, nawala ang inis niya nang makita itong mapayapang natutulog, para itong batang walang muwang sa mundo, napangiti siya at tinitingan ito, hinalikan niya ito sa noo at tumabi na dito sa pagtulog, niyakap niya ito ng mahigpit, napangiti siya ng maramdamang gumanti ito ngyakap sa kanya
*******
Nagising si Miles pero hindi niya dinilat ang mga mata ng marinig ang tunog ng isang orasan, mabigat ang talukap ng mga mata niya
Pero pinilit niya na idilat ang mga iyon ng maramdaman niya ang mainit na kamay na nakahawak sa kamay niya, pagdilat niya ay nakita niya ang isang gwapong mukha na malapit sa mukha niya, mabini itong natutulog, pinakatitigan niya ang mukha ni Lance ng may maalala na nagpainit ng kanyang mukha
Nang mapasin ang paggalaw nito ay bigla siyang pumikit muli, ramdam niya ang paghawak nito sa kanyang noo, tumayo ito upang patayin ang alarm at palitan ang bimpo na nakalagay sa kanyang noo
Ramdam ni Miles ang mainit nitong palad sa humawak sa kanyang pisngi at marahan itong hinahaplos, bahagya siyang kumilos at tumigil naman ito sa paghaplos sa kanyang pisngi
Narinig pa niya ang pagbulong nito at alam niya na malapit lang ang mukha nito sa mukha niya
“I wish that she was you” at kinintalan siya nito ng halik sa gilid ng kanyang labi
Napasinghap naman siya sa ginawa nito pero pinilit pa rin niya na huwag dumilat.
“ano ang ibig nitong sabihin?” takang tanong niya sa kanyang isip
Nang pakiramdam niya na wala na ito sa kanyang tabi ay dinilat niya ang kanyang mata at hinanap ito, nakita niya ito na nakaupo sa table kaharap ang laptop nito.
Ang gwapo pa rin nito kahit na nakatalikod, ang macho parang si.. parang si..
“Hays! Miles umiiral na naman yang madumi mong utak” saway niya sa kanyang sarili at pinilit na lamang ulit matulog