Chapter 1

1043 Words
Si Miles ay nasa unang taon na ng kanyang pagiging intern bilang isang archaeologist Sa paglaki niya sa poder ng kanyang lolo ang nagbigay sa kanya ng interes paramaging isang archaeologist, mahilig kasi sa antique ang kanyang lolo sa katunayan ay may maliit silang antique shop sa kanilang lugar, hindi sila mayaman pero hindi rin sila mahirap, at sapat na ang kanilang pera para matustusan ang kanyang pag-aaral, bukod dun ay humahanap din siya ng extra na trabaho para naman kahit papaano ay hindi siya masyadong umasa sa kanyang pamilya para na din kahit papaano ay makatulong siya sa maliit na paraan at mabawasan ang gastusin ng kanyang ama. Dalawa lang silang magkapatid at siya ang panganay, ang kanilang bunso ay nasa first year high school pa lamang, sa ngayon tatlo lang sila ng kanyang lolo at bunsong kapatid ang nasa bahay na naninirahan dahil ang kanyang ama ay nagtatrabaho sa ibang bansa para sa kanila, simula kasi ng mawala ang kanyang ina dahil sa panganganak sa bunso niyang kapatid. Nagkaroon kasi ng kumplikasyon ang kanyang ina sa panganganak dahil sa kanyang sakit sa puso, noong una palang na sya ay ipinanganak nito, sinabihan na sila nang doctor na kung magkaka-anak itong muli ay mahihirapan na sya at maaaring hindi na rin sya muli pang magbuntis, pero sa hindi inaasahang pangyayari at inaakalang hindi na muling magkakaroon pa ng anak ay muli itong nagbuntis, at ito nga ang kaniyang bunsong kapatid Nakita niya ang paghihirap ng kanyang ina dahil pinipilit nito na lumaban para sa buhay ng kanyang kapatid na nasa sinapupunan nito, hanggang sa dumating ang oras na kailangan ng manganak ng kanyang ina kahit wala sa pa  talaga sa araw na nakatakdang panganganak nito at kung saan kinakailangan nilang mamili sa buhay ng kanyang ina o ng baby na isisilang nito, ngunit hindi na nila nagawa pang mamili dahil bumigay na rin ang katawan ng kanyang ina, na labis na ikinalungkot ng lahat, sa mura niyang edad na walong taong gulang na sanay sa piling ng kanyang ina, iyon ang pinaka malungkot at pinaka masakit na pangyayari sa buhay niya bilang isang bata. Lumaki at nagkaisip siya pero kahit kailan hindi niya sinisi ang kanyang kapatid sa nangyari sa halip ay doble ang pagmamahal na binigay nila at pinaramdam nila para dito, dahil ang buhay na iyon ang pinaglaban ng kayang ina at hindi nya hahayaan masayang ito, dahil sa lungkot na nararamdaman nya simula ng araw na mawala ang kanyang ina ay pinangako niya sa kanyang sarili na aalagaan niya ang kapatid at magiging matatag para sa pamilya. Upang maibsan ang lungkot na kanyang nararamdaman at pangungulila sa kanyang ina, madalas ay nagpupunta siya sa shop ng kanyang lolo, pagkatapos ng skwela at sa mga bakanteng oras niya ay dumidiretso siya dito at tinutulungan ang kanyang lolo sa mga gawain sa shop, doon niya ginugugol ang lahat ng oras na meron siya, doon na uubos ang kanyang oras sa pag tingin at pag-aaral sa mga antique ng kanyang lolo, nahilig din sya sa pagbabasa nang mga sinaunang kwento na mababasa sa lumang libro na meron ang kanyang lolo sa shop, sa sobrang pagkahilig sa mga antique ay napapabayaan na niya ang kanyang pag-aaral kung kaya’t pinagalitan siya ng kanyang ama na nagaalaga sa bunso nila, sinabihan sya na sa oras na bumaba ang kanyang mga grades ay hinding hindi na siya makakapasok pa sa shop ng kanyang lolo. “Milagros malaki ka na hindi ka na dapat pang bantayan, hinahayan kitang magpunta sa shop ng lolo mo para malibang ka, pero ibang usapan na kung pababayaan mo ang school mo”. Panenermon ng kanyang ama “Pa.. nag-aaral ako, katunayan nyan marami na akong alam sa history”. Pagpapalusot niyang sabi sa ama “wag mong bilugin ang ulo ko, Milagros, isang taong na lamang ay magtatapos ka na ng high school, ngayon ka pa magpapa-baya”. Sabi nito habang nang aasikaso ng mga gamit nito sa trabaho “hindi naman masama ang ginagawa ko, hindi kagaya ng ibang mga bata jan, na puro pabubulakbol lang ang alam.” Pagmamaktol ko sa aking ama “alam ko iyon at hindi kita pinipigilan don, ang akin lang ay ibalanse mo ang pagkahilig mo jan sa mga lumang bagay at sa pag-aaral mo”. Ani ng kanyang ama na patuloy sa ginagawa Tumingin siya sa kanyan lolo upang humingi ng saklolo pero hindi siya nito kinampihan. “Apo tama ang sinasabi ng iyong ama, higit na mas marami kang matutunan kapag nagseryoso ka sa iyong pag-aaral, mas malawak ang mararating ng iyong kaalaman”. Anito na may pagkampi sa ama habang humihigot ng kape “ Isa pa nakakalimutan mo na ding gawin ang mga takdang aralin mo dahil mas maraming oras ang nilalagi mo sa shop, sa oras na bumaba ang mga grades mo, tandaan mo ito Milagros, hindi hindi ka na makakapasok sa shop ng lolo kahit na kailan”. Anito na may pagbabanta “Pa... hindi naman ata tama iyon”. Padabog niya sabi sa kanyang ama “Ayusin mo ang pagaaral mo at malaya kang gawin ang gusto mo, hindi kita hinihigpitan, ayusin mo at tapusin mo ang pagaaral mo, wala kang maririnig mula sa akin”. Sabay talikod nito sa kanya Padabog naman siyang umupo, habang nakatingin amang papasok ng kwarto Pagkatapos niyang high school ay saka naman na pag desisyonan ng kanyang ama ang magtrabaho abroad, dahil lumalaki na daw ang kanilang gastusin at pantustos sa pag-aaral nilang dalawa ng kanyang kapatid at sa pangaraw- araw nila na gastusin, hindi na kakayanin ng shop dahil hindi naman malakas ang kita nito at sahod niya bilang isang Foreman sa maliit na constraction company sa lugar nila, nasa probinsya sila at wala sa lungsod kung kaya maliit lang ang kita ng kanyang ama. Dahil doon ay naisip na rin niyang maghanap ng extra pagkaka-kitaan tutal meron naman tumatanggap na mga kumpanya sa kagaya niyang working student sa panahong ngayon eh! Ngayong ilang buwan na lamang at makakatapos na siya sa paga-aral sa kolehiyo bilang archaeologist, kailangan na lang niyang pagbutihin ang pagiging intern niya upang ma-absorb siya sa company kung saan sila nagta-training, malaki ang pasahod dito kaya kailangan niyang galingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD