Dumeretcho kami sa library Ng palabasin kami sa room Ng 2nd sub Namin. 2 hours pamandin Yung 2nd subject Namin na yun kainis. Tahimik kaming nag babasa ni aizel Ngayon pero mukhang ako lang babasa dahil lipat lipat lang Naman ang ginagawa ni ai Ngayon sa hawak niyang libro. Napapailing nalang ako na tumuloy sa pag babasa.
" Ell, sure ka na ba sa pag alis mo after ng school year natin? " Tanong sa akin bigla ni ai.
Napatigil Naman ako sa pag babasa at tumingin sakaniya. Nakita ko Naman na may bahid ng kalungkutan sa mukha Niya Ngayon. I sighed and close the book first before ako sumagot sakaniya.
" Yup. Alam mo namang hindi ko kayang Malayo sakanya and kung gaano ko Siya kamahal diba? " Sabi ko Kay ai and ngumiti sakaniya ng malungkot.
Bumusangot Naman siya at sinagot ako.
" Eh paano ka Naman Kase mapapansin niyan kung hindi ka nag paparamdam? Eh kahit kaibigan mo ako, kung hindi mo sinabi na Mahal mo Siya hindi ko mapapansin eh " sabi Niya sa akin.
Natawa Naman ako ng bahagya sa sinabi Niya.
" Mas maganda Naman siguro na hindi Niya alam and Hindi Niya napapansin nararamdaman ko Diba? Baka malaman Niya pa yun tapos layuan ako. Ayaw ko Naman nangyare yun " sabi ko sakaniya ng malungkot.
" Eh kailan mo sasabihin? Pag may girlfriend na Yung tao? Pag may gusto na Siya? Naku ell sa ginagawa mong yan baka maunahan ka pa Ng iba naku sinasabi ko saiyo. Alam mo naman kung gaano ka attractive yun sa mga babae lalo na sa ugali " Sabi Niya sa akin na tila naiinis.
Well may point Naman talaga si ai ang Kaso lang ay Hindi pa talaga ako handa. Kaya nga balak ko sundan siya sa ibang bansa para dun ako mag umpisa kumilos eh.
" Hindi pa ako ready ai. And sobrang busy Namin Ngayon lalo na Siya dahil part Siya Ng student council. Kaya nga balak ko Siya sundan sa ibang bansa para dun ko simulan na iparamdam Yung nararamdaman ko sakaniya. " Paliwanag ko sakaniya.
" Eh paano kung nag ka gusto Siya Ngayon sa iba? Paano pag nag ka girlfriend Siya Ngayon? Tutuloy ka pa ba sa pinaplano mong sundan Siya after Ng school year? "
Doon ako natahimik sa sinabi Niya. Actually yun talaga ang iniisip ko simula una palang. At sa mabuting palad Naman ay Hindi pa Siya nag karoon simula nung 1st year kami hanggang ngayong 4th year college kami. Isang taon nalang ang hinihintay ko at mag lalakas loob na talaga akong iparamdam sakaniya. Sana wag muna, Sana mag focus muna Siya sa school lalo na kasama Siya sa council.
Narinig ko Naman na huminga ng malalim si ai kaya napunta ulit attention ko sakaniya.
" Sa totoo lang ell, feeling ko may gusto rin saiyo si Ulric eh. Sino ba namang lalaki ang mag tetext or tatawag sa babae na sabay sila kumain or umuwi pag may time Siya? Oh, wag mo Sabihin na mag kaibigan kayo sis, kaibigan Niya Rin ako pero hindi Siya ganiyan Sakin oo" sabi Niya sa akin na Ngayon ay nakatingin na sa akin ng mapang asar.
Itong lokang babaeng ito, Ang bilis mag palit Ng mood -_- kanina inis lang, Ngayon Naman nang aasar na.
" Eh paano ka Niya itetext or tatawagan kung may Jowa ka -_- " sabi ko sakaniya na pinag sisihan ko dahil nakita ko nanaman na lumungkot ang mukha Niya.
Sh*t oo nga pala, may problema sila Ngayon Ng so called boyfriend Niya.
" Im sorry ai. Naalala mo pa t- " hindi ko na naituloy Ang sasabihin ko ng tumunog ang phone Niya.
Ng kinuha Niya Ang phone Niya ay nakita kong nag liwanag ang mukha Niya. Aysus alam ko na kung Sino.
Agad sinagot ni ae Yung tawag habang malawak ang ngiti. Tsk here we go again .
" Babe? " Sabi ni ae with pabebe voice.
Bumalik Naman ako sa pag babasa ng libro dahil hindi Naman ako interesado sa kausap este sa usapan Nila.
Napatingin Naman ako uli Kay ai Ng marinig ko ang malungkot na boses Niya.
" O-osige. Papunta na ako " sabi ni ai na nauutal at malungkot ang boses.
Napataas Naman ang kilay ko ng makita kong Parang iiyak na Siya habang binababa ang phone Niya.
" Tell me kung kailan ko Siya pwede ipa- salvage " sabi ko sakaniya. Syempe joke lang yun takte ni halos ayaw ko mag ka roon Ng koneksyon dun kung hindi lang talaga naging syota si aizel, hindi ko na kailangan umalis sa dorm -_- .
" Ell, gusto Niya ako makausap Ngayon. Pinapapunta Niya ako sa likod Ng school. " Sabi Niya sa akin na naiiyak.
" Oh kakausapin ka pala eh.. bakit Parang malungkot ka diyan? " Tanong ko sakaniya. Well Parang alam ko na ang mangyayare pero ayaw ko mag isip Ng ikakainis ko.
" I-I think, makikipag break up Siya sa akin. " Sabi Niya at ayun umiyak na ang lola niyo .
Lumapit Naman ako sakaniya at tinahan Siya.
" Baka Naman gusto Niya lang mag sorry sa mga nangyayare sa inyo nitong mga nakaraang araw? " Sabi ko sakaniya. Well feeling ko hindi Naman talaga yun ang sasabihin Niya pero I need to make her calm.
Suminghot singhot Naman Siya at tumango tango.
" Tama. Wag ka masyado mega self okie? Mahal ka nun. " Sabi ni ai sa sarili Niya.
Muntikan ko na maikot mata ko sa sinabi niyang part na Mahal kuno. Sus, kapag gago talaga Isang tao, gago talaga. Tsk! Mararanasan din masaktan nun at mararamdaman Niya Kung ano nararamdaman Ng mga babaeng pinaasa at sinaktan niya.
Ng kumalma na si ai ay tumayo si ai at tinignan ako
" Aalis na ako ell. Baka nag hihintay na Siya run." Sabi Niya sa akin. Sus baka nga Siya pa mag hintay dun eh -_- .
" Osige. Stop crying okay? " Sabi ko sakaniya at pinunasan ang mga luha Niya. Hay I know na darating ang araw na ito. I just hope talaga na maturuan na Ng leksyon yung siraulong playboy na yun para hindi na masundan pa ang mga babaeng iiyak dahil sakaniya bwiset.
Niyakap Namin Ang isa't isa at umalis na nga si ai dala ang mga gamit Niya. Sh*t talagang gag*ng yun. Darating din Yung makakatapat Niya tsk. Iniisip ko palang na umiiyak si ai nasasaktan naiinis na ako. Hay nako oo.
At dahil nga sa 2 hours pa ako mag hihintay bago kami mag lunch, nag stay muna ako sa lib at pinag patuloy mag basa. halos mga 30 mins na pag babasa ay nagulat ako ng may tumakip Ng mga mata ko.