"No Vanessa you're lying!" akusa ni Marcus. Habang marahang umiiling. Matalim na tingin ang ipinukol niya kay Vanessa hanggang sa halos himatayin si Loisa sa mga sumunod na pangyayari. Sinakmal ni Marcus ang leeg ni Vanessa gamit ang isang kamay at isinandal ito sa dingding. Nangangamba ang ginang na baka makapatay si Marcus nang hindi niya namamalayan sa sobrang galit. Halos hindi makahinga ang babae dahil sa lakas ng kamao ni Marcus na nakasakal pa rin sa leeg niya. "Bawiin mo ang sinabi mo or else...." banta ni Marcus nang nanlilisik ang mga mata. Sinalubong ni Vanessa ang talim ng mga tingin ni Marcus, ipinakita niya na hindi siya natatakot sa lalaki. "Or else what? You're going to kill me? Matagal mo na akong pinatay Marcus, simula nang pinaramdam mo sa akin that I am no one

