Chapter Five: Moving On

766 Words
"Come on Tristan h'wag mo naman sana ipagkait sa Lolo mo ang kahilingan na makita ka. Matagal tagal na rin naman ang mga nangyari. Can we just move on? once and for all. Seven years na ang lumipas?! si Loisa ang mama ni Tristan ang nasa kabilang linya ng telepono. Kanina pa nangangawit ang ale sa kakapaki-usap sa panganay na anak pero para bang wala itong naririnig. "Hello anak..are you still there?" ulit pa nito nang pakiramdam niya na hindi naman ito umiimik at parang hangin ang kausap niya kanina pa. Matigas pa rin ang loob ni Tristan. Sa loob ng pitong taon simula nang umalis ito ay hinding hindi siya nagsawa sa pakikiusap sa anak para muli nitong buksan ang puso sa pagpapatawad pero kasabay ng matinding hearthbreak ng anak ay ang patuloy na pagiging manhid ng puso nito. "Yes I'm still here! Matabang na sagot ni Tristan sa ina. "Anak ako na ang nakikiusap sa iyo please come home! Matanda na ang Lolo mo..h'wag mo naman sana hintayin na mahuli pa ang lahat bago mo pagbigyan ang kahilingan niya. " Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Tristan. "Ok then... I'm coming home Ma... with my wife... I want you to meet her!" Yun lang at ibinaba na ni Tristan ang telepono. Sa mga oras na ito tiyak na parang binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang ina. Tiyak na nagtataka ito sa mga sinabi niya na may asawa na siya gayung ni minsan naman ay wala siyang nabanggit tungkol dito. Dahil... hindi naman totoo na may asawa na siya.. sinabi lang niya yun para makarating sa kapatid niya na uuwi siya na kasama ang kanyang asawa. Gusto niyang ipakita na matagal na siyang naka move on sa panloloko ng mahal niyang kapatid at ng baabeng halos ay ilagay niya sa pedestal. Hinding hindi siya papayag na magmukha siyang kawawa sa harapan ng mga ito. Never!!!!! Gusto niyang ipakita sa dalawang taong ito na hindi siya naging kawawa nang piliin nila na saktan siya. Seven years ago sa mismong araw ng kasal ng kapatid at ex girlfriend niyang si Vanessa ay ang siyang araw din na iniwanan niya ang Hacienda Leviste.Ginawa niya yun para sa sarili na rin dahil sa nakikita niya sa sarili baka makagawa siya ng bagay na pagsisisihan niya sa huli! Nakita kasi ng dalawang mata niya kung paano siya pinagtaksilan ng dalawang taong ito sa mismong pamamahay nila. Nakita niya kung ano ang ginagawa ni Vanessa at Marcus sa kuwarto nang hindi sinasadya! Marcus and Vanessa is having s*x on top of the bed. Habang parehas na walang saplot sa katawan. Doon na nagkagulo ang buong Hacienda. Noong una ang gusto sana ng Lolo Manuel niya ay magpatawaran na lang sila magkapatid at tuluyan na lang kalimutan ang hidwaan nila sa iisang babae pero ipinagtapat ni Vanessa na buntis na siya at si Marcus ang ama kaya para maitama ang lahat nagpasya na lang sila na magpakasal. Kung totoo man ang pagmamahalan ng dalawa ay wala na rin siyang paki alam! O baka naman nga nagmamahalan din nga silang dalawa since may nakaraan din silang affair since college days ay nagkaroon din si Marcus at Vanessa ng nakaraan. Yes naging magkasintahan din silang dalawa at nang magkahiwalay na ay saka naman siya pumasok sa eksena. Ang buong akala ni Tristan ay tuluyan na siyang minahal at pinili ni Vanessa over his half brother pero mukhang nagkamali siya dahil sa sandali lang na pagkalingat niya heto at iniiputan na pala siya sa ulo ng dalawa. His love for Vanessa is genuine. Kahit pa napaka bratinela nito at mainitin ang ulo ay patuloy pa rin niyang sinusuyo. Sa tuwina ay naglalaan rin naman siya ng sapat na oras para sa kanilang dalawa at kahit na ito pa ang may kasalanan ng mga away nila ay siya itong laging nanunuyo at humihingi ng sorry kahit hindi na naman dapat. Sa ngayon mukhang kailangan na muna niyang pagbigyan ang kanyang ina. Matagal na rin ang panununyo ng ina niya sa kanya. Wala na nga siya masabi pa dahilan para hindi ito pagbigyan dahil lahat na rin ng excuses ay nasabi na niya. Maaring matigas ang kanyang kalooban pero pag dating sa Lolo Manuel niya ay lumalambot naman ang kanyang puso. Hinding hindi niya kayang matiis ang matandang Don para lang sa matinding galit na nararamdaman niya sa kapatid at sa ex girl friend. Pero sa ngayon talaga kailangan niya ng taong makaka tulong sa kanya para maipakita na naka move on ma siya ng tuluyan. Ang tanong... sino ang magpapanggap na asawa niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD