Third Person's POV: Natapos ang maghapon at masayang bumalik sa sa kani-kanilang room ang lahat. Very elegant ang buong hotel mula sa interior at mamahaling gamit sa loob. Natitiyak ni Lyndsay na hindi basta basta ang magiging bill nila dito dahil sa naobserbahan niya mga kilala at prominenteng tao ang nakikita niya sa buong paligid. Anyway sa estado sa buhay ng pamilya ng kanyang asawa barya lang ito kung tutuusin. Pero kung pagbabasehan naman ang pamumuhay nila ni Clarisse na simpleng mga sekretarya at nakatira sa isang maliit na apartment baka hindi lang ilang buwan na gastusin din ang katumbas nito. Pakiramdam ni Lyndsay nalalasing siya sa lahat ng karangyaan na meron siya sa ngayon! Hindi nagkamali ang kanyang kaibigan sa payo nito sa kanya na bigyan si Tristan ng pagkakataon..

