Third Person's POV: "Papa wala po dito sa mansiyon si Gabby" si Loisa, nasa kwarto sila ngayon ni Don Manuel. Kanina pa hinahanap ng Don ang itinuturing na apo sa tuhod. At gaya ng lahat ay nasasaktan rin si Don Manuel sa mga nangyari sa pagitan ni Marcus at Vanessa. Kaya minabuti nilang lahat na ipaliwanag sa butihing Don ang mga naganap. Hindi rin naman nila maaring ilihim dahil hinahanap hanap niya ang bata. Sanay kasi ang maglolo na nagkukulitan at naglalambingan. Ngayon... na wala na ang bata sa kanilang poder ay wala rin naman sila magawa. "Marcus hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa nangyari sa inyo ni Vanessa pero ayaw kitang pangunahan dahil may sapat ka nang pag-iisip at gulang, pero kailangan mong malaman kung may katotohanan ba o kasinungalingan lang ba a

