" Wala akong gagawin sa iyo na hindi mo pahihintulutan Lyndsay." hanggang ngayon ay para bang nag e-echo pa rin sa magkabila niyang tenga ang ang sinabing iyon ni Tristan.
Para bang naging double meaning pa para sa kanya ang pangungusap na iyon.
At yung sinasabi niya na " kasal" na kailanman ay hindi niya pahihintulutan ay tila ba siya rin ang bumali sa sarili niyang salita.
Dahil ngayon ganap na siyang "Mrs. Leviste". Sa huli ay mapapapayag rin pala siya ni Tristan sa ganitong set up. Hanggang ngayon isa pa rin siya makapaniwala na ganap na siyang kasal sa isang taong hindi naman niya lubos na kilala.
Ginawa na lang nila na simple ang lahat dahil nga madalian. Civil wedding na lang sila. Ulila na siya sa Nanay.. wala rin naman siya balita sa Daddy niya kaya si Clarisse lang ang kasama niya sa araw ng kasal nila. At si Tristan...wala ni isang kamag-anak ang nandoon sa kasal kung hindi isang matalik lang din na kaibigan.
Gusto pa sana niyang mag-usisa bakit wala ang kahit sinong kamag-anak ng asawa niya sa araw ng kasal nila pero mas pinili na lang niya na h'wag na lang magtanong.
Gusto niyang irespeto ang desisiyon na ito ni Tristan. Saka na lang siya magtatanong kapag handa na rin itong magkwento.
Hindi pa talaga niya lubos na kakilala ang tatay ng anak niya.
Sapat na ba na pangakuan siya nang magandang buhay para pumayag siyang matali dito?
Actually hindi rin naman siya basta na lang nagdesisyon. Tinimbang rin niya ang mga bagay bagay. Pinaliwanag rin ni Tristan sa kanya na kung hindi sila magpapakasal maaring hindi makuha ng magiging anak niya ang mana mula sa kanyang Lolo na isang Don lahat ng kayamanan na ipinangako nito kay Tristan. Malinaw ang last will and testament na sinasabi ni Tristan na hindi makukuha ni Tristan ang 100 percent na mana niya kung hindi siya magkakaroon ng anak. Mayroon pa daw isang nakababatang kapatid si Tristan at meron na itong anak na lalaki kaya malamang na dito mapunta ang lahat ay dapat sana sa magiging anak niya.
At ang kasal nila ang magpapatibay nito. In short magiging maganda ang buhay ng kanyang anak kaya siya pumayag sa offer ni Tristan. Kasabay ng pangako sa sarili na hinding hindi siya mahuhulog sa lalaking ito dahil alam niyang wala naman talagang espesyal na namamagitan sa kanilang dalawa.
Ipinaliwanag rin ni Tristan na wala naman masama kung susubukan nila na bumuo ng kumpletong pamilya para sa bata. At kung sakali man na dumating ang panahon na hindi na nila kayang manatili sa kanilang pagsasama ay hindi naman siya magiging hadlang kung gugustuhin ni Lyndsay na iwanan siya sa kasunduan pa rin na hindi niya ilalayo ang bata at kikilalanin siya nitong ama ano't-ano man ang mangyari.
Sa huli mas pinili na lang din niyang maging praktikal.
Minsan naiisip na rin ni Lyndsay na sounds like gold digger siya sa ginawa niyang ito pero nagpaka praktikal na rin lang siya dahil ang kapalit naman nito ay kumportableng buhay para sa kanyang anak.
Oo hindi naman maikakaila na kaya niyang buhayin ng maayos ang bata..pero hindi rin pala niya kayang ipagkait ang buhay na kimportable para dito.
Kaya naman heto na siya ngayon, naka empake na ang lahat nang dapat ay naka empake. Yung leave lang sana na i fifile niya sa company na pinagtatrabahuhan ay naging resignation na. Sa ngayon ay gusto na lang daw muna ni Tristan na makapag pahinga siya nang maayos.
Okay na rin siguro iyon. Saka na lang niya iisipin ang career after na niya makapanganak para mas maka focus na rin muna siya sa baby niya.
Maaliwalas ang mukha ni Tristan nang sunduin siya nito lulan ng isang magarang kotse. Ganap na silang magsasama bilang mag-asawa kaya dapat masanay na rin siya na lagi sila mag-kasama.
May kung anong kaba na naramdaman si Lyndsay sa kanyang dibdib.
Kung bakit kasi itong puso niya lagi na lang natutuliro sa tuwing makikita itong lalaking ito?
Lagi na lang parang may tambol sa loob.
Pinilit niyang pinakalma ang sarili bago sumakay sa passenger seat sa unahan ng kotse.
Inihatid siya ni Clarisse hanggang sa maayos na siyang maka upo sa tabi ni Tristan.
" Sis..mag-iingat ka ha? Tristan, ingatan mo itong kaibigan ko kung hindi lagot ka talaga sa akin!" pabirong sabi ni Clarisse na tila naiigak-iyak pa.
Ngayon lang kasi sila magkakahiwalay ng kaibigan niya.
"Yes, Clarisse don't worry ako ang bahala kay Lyndsay, Okay?" saka ngumiti.
Naka upo na rin si Tristan sa harapan ng manibela at pinaandar na ang sasakyan.
Sa boses ni Tristan para bang may assurance talaga na iingatan siya ng "asawa" niya.
Hindi niya maiwasan na hindi matuwa nang lihim.
"Wow sana all na talaga...hay sana meron din akong jowa gaya mo friend!" tili ni Clarisse.
Napangiti na lang si Lyndsay sa sinabi ng kaibigan niya. Para bang totoong totoo na "sila" talaga.
Nakita pa niya na inihatid sila ng tingin ng kaibigang si Clarisse. Kumaway pa ito nang sumulyap siya sa side mirror ng kotse.
Nakaramadam siya ng kaunting kirot sa kanyang dibdib. Hindi niya maiwasan na hindi malungkot ng bahagya nang maisip na mag-iisa na ang kaibigan sa inuupahan nilang apartment.
Mamimiss din niya ang kaibigan lalo pa ngayon na isang malaking surpresa ang naghihintay sa kanya.
Saan ka nga ba nakita ng ikinasal na hindi mo man lang nakilala ang magiging inlaws mo?
Ni wala nga siyang idea kung ano ba ang kapalaran ang naghihintay sa kanya. Kung mababait ba ang pamilya ni Tristan.
Wala siyang alam.
Hindi niya kilala ang taong pinakasalan niya.
Baka nga kung nabubuhay ang Mommy niya hindi ito sumangayon sa desisiyon niyang ito.
Muli niyang sinulyapan si Tristan habang seryoso itong nagmamaneho.
Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan nakikita niya sa mata nito ang labis na kalungkutan.
May kung ano sa mga mata ni Tristan, hindi siya sigurado kung bakit sa pakiramdam niya may itinatago itong sadness sa tuwing titingnan niya ito ng diresto sa mga mata.
"Lord please.. h'wag po ninyo kaming pababayaan ng anak ko... " bigla na lang siya kinabahan sa hindi malaman na dahilan.
" I hope... I made the right decision baby" usal niya sa kanyang isip.