Nahihilo pa rin at naduduwal si Lyndsay nang idilat niya ang kanyang mga mata. Pilit niyang inaalala kung ano ang nangyari dahil alam niya na nasa clinic siya at wala sa bahay sa mga sandaling ito.
Kung paano siya nakarating dito ay hindi niya na maalala pa. Ang tanging natatandaan lang niya ay yung pagdidilim ng kanyang paningin matapos niyang makita ang lalaking yun!
Nakatitig lang siya sa kisame nang biglang dumating ang kanyang OBGYNE.
"Lyndsay kamusta na hija ang pakiramdam mo? Nahihilo ka pa rin ba?" may pagaalala sa tono ng magandang doktora.
Siguro ay dito na rin siya dinala ni Clarisse dahil bukod sa check up naman talaga niya ngayon ay nandito ang mga records niya simula nang malaman niya na nagdadalang tao siya.
Kapag ganun kasi mas maalagaan siya tiyak dahil dito na siya nagsimulang mag pacheck up.
Napahawak siya sa kanyang sinapupunan.
"Sir I suggest na kailangan na muna ng Mrs. ninyo ng enough na pahinga, and please h'wag ninyo siyang hayaaan na ma stress or mag-isip nang kung ano-ano. Common na sa kalagayan ngayon ni Lyndsay ang makaramdam ng stress dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa katawan niya dala ng pagbubuntis.
Napalunok ng laway si Lyndsay.
"Mi....mister?!"
"Sinong?!" Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil parang may mga daga nang naghabulan sa kanyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag kung bakit abot- abot ang kaba na nararamdaman niya.
Noon niya nakita na nasa gawing kanan pala ng higaaan niya ang "Mister" na tinutukoy ng Doktora.
Walang iba kundi ang lalaking kasama niya nang gabing ginawa niya ang hindi dapat!
Nung gabing lasing na lasing siya sa bar hanggang sa kung saan sila nakarating at naisuko ang bataan sa lalaking ni pangalan ay hindi naman niya alam.
Hay kung nabubuhay lang sa mga oras na ito ang kanyang Mommy tiyak na baka nasabuntan na siya nito at nakagalitan dahil sa kapangahasan na kanyang ginawa bagaman at wala naman siyang pinagsisihan dahil ang baby naman niya ang nahing kapalit ng mali niyang nagawa kung mali man nga ito.
" Yes Dra. please give all the medications that my wife need.. vitamins kahit ano para masigirado natin na okay sila ng anak ko!"
Puno nang sincerity ang lalaki. Animoy isang ulirang ama at asawa na sobrang magmamahal at nag aalaga sa kanyang pamilya.
Parang totoo na mag asawa nga sila!
Nagulat pa si Lyndsay nang biglang hawakan ng gwapong lalaki ang kanyang kanang kamay at hagkan iyon.
Gustong sawayin ni Lyndsay ang kanyang sarili dahil nandoon na naman ang kakaibang kaba.
Bakit ba siya nagkakaganito?
Tila ba nakuryente siya sa ginawa ng lalaking estraghero.
" Wow how sweet naman ni sir... hayaan nag blush tuloy so Mrs.! " tukso ng magandang doktora na tila ba siya pa ang kinikilig.
Biglang nasamid si Clarisse at umubo ng bahagya dahil sa sinabi ng doktora dahilan para titigan naman ni Lyndsay ng malalagkit ang kaibigan.
Kung hindi lang nakahiga pa rin sa kama si Lyndsay ay tiyak na pinong kurot na sa singit ang inabot nito sa kanya.
Ilang sandali pa at nag usap nang masinsinan ang doktora ang lalaking ama ng kanyang anak.
Mapapansin ang bahagyang mga tango nito sa mga paliwanag ng doktora. Kasabay ng pagsulat ng mga reseta.
Kakatwang isipin na parang may ama ngang matatawag ang batang ipinagbubuntis niya pero ayaw na niyang mangarap pa nang mas higit pa doon.
Anak lang naman ang pinangarap talaga niya. Isa pa hindi pa rin niya lubos maisip kung bakit pa siya nakita ng lalaking ito gayung hindi naman niya ito inuubliga na panagutan ang namagitan sa kanila!
"Diyos ko ano ba ang balak ng lalaking ito sa akin?" mariiing usal niya sa kanyang sarili.