Kitang kita ni Lyndsay kung paano sunod sunod na napalunok ng laway si Clarisse. Halata ang nerbiyos nito sa katawan. Maingat siyang bumalik sa higaan. Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin siya ng bahagyang pagkahilo. May dala na rin mainit na sopas si Clarisse, nakatulong yun para mapawi ang pagbaligtad ng kanyang sikmura.
Noon pa man ay palagi nang nasa tabi ni Lyndsay ang kaibigan. Napaka buti ni Clarisse at ngayon na nasa ganito na siyang kalagayan ay hindi pa rin nagbabago ang pagsuporta nito sa kanya.
Binuksan ni Clarisse ang maliit na built in cabinet at kumuha doon ng pamilit na pajamas at damit.
Medyo basa na rin ang damit niya na soot ng pawis dahil sa ilang beses na pagsusuka.
" Ano na ang balak mo ngayon?", seryosong tanong ni Clarisse.
"Clarisse, para naman hindi mo ako kilala... siyempre itutuloy ko ang pagbubuntis ko sa batang ito. Mamahalin ko siya at ibibigay ko ang lahat na maari kong ibigay sa kanya" .
Sinimulan na ni Lyndsay ang pagbibihis para maging kumportable siya.
Nanlalambot pa rin siya dahil sa pagduduwal niya. Nararamdaman ng katawan niya na kailangan na muna niyang humiga para makabawi ng lakas.
"Hindi mo ba balak ipaalam doon sa tatay ng batang yan na.... na tatay na siya!"
" What for... una pa lang ay alam ko na maaring mangyari. I don't even know if single ba siya or married na and walang problema iyon sa akin Clarisse. I'll keep this baby and hindi namin kailangan sa buhay naming mag-ina ang Tatay niya."
Iniabot ni Clarisse kay Lyndsay ang isang basong tubig. Nakatulong yun para makabawi siya ng lakas mula sa pagduduwal niya kanina. Kakaiba ang nangyayari sa katawan niya ngayon siguro dahil sa nasa period na siya ng paglilihi.
Marahan hinaplos ni Lyndsay ang impis niyang tiyan. Ngayon ay nasa sinapupunan na niya ang batang mamahalin niya ng buong-buo. She may sounds crazy dahil mas pinili pa niya ang ganitong sitwasyon kaysa pumili sa mga manliligaw at lumagay sa buhay may asawa.
Produkto siya ng isang broken family and because of this sa totoo lang takot siya sa commitment. She witnessed how her mother suffered matapos silang iwanan ng kanyang ama just to be with his mistress. And... ayaw niyang magaya sa nangyari sa Nanay niya! Yung buhay na parang laging may kulang. Para Kay Lyndsay she can always be happy with or without men. Dahil sa angking kagandahan ay marami talagang siyang manliligaw.. highschool and college days. Meron din siyang mga naging boyfriend pero hindi nagtatagal ang mga ito. In fact yung last relationship niya ay hindi rin naging successful dahil nalaman niyang may iba pa itong girlfriend maliban sa kanya.
Betrayal ang pinag-ugatan ng pagkasira ng pamilya niya at para Kay Lyndsay walang kapatawaran ito. A mistake can never be called mistake kung twice o mas marami pang beses na ginawa. Alam niyang choice na ng Tatay niya ang nangyari. Hanggang sa ngayon ay masama pa rin ang loob niya sa Daddy niya.
Ang pag chi-cheat ng kanyang ama ang dahilan kung bakit pakiramdam niya ay ayaw na niyang mag-asawa pa.
Palagi rin niya itong sinasabi sa kaibigan na si Clarisse kaya alam niya na sa ngayon 100 percent sure na alam na alam ng kaibigan niya na masaya siya sa pagkakaroon ng anak at kailanman ay hindi niya ito itinuturing na malaking pagkakamali.
"Sis, ano na ang plano mo ngayon?" si Clarisse.
"Clarisse don't worry I can handle this.. This child is a gift at ngayon pa lang mahal na mahal ko na siya, I am happy and contented." sabay ng matamis na ngiti ni Lyndsay ang pagpatak ng luha dahil sa halo halong emosyon.
Pinawi naman iyon ni Clarisse at niyakap siya nang mahigpit.
Since day 1 alam talaga niya na sisters by heart talaga sila ni Clarisse.
Alam ni Lyndsay napaka swerte talaga niya sa kaibigan.
Hindi na siya muli g kinulit ni Clarisse. Humiga na muna siya sa kama at sinubukang ipikit anh mga mata para sana subukanh makatulog pero nakikita niya ng lalaking nakabuntis sa kanya sa kanyang isipan.
Hindi niya maiwasan na hindi humanga sa aking kakisigan ng lalaking ito.
At base sa hitsura nasa edad mid 30s na siguro. Matipuno ang pangangatawan at napaka kinis ng mukha.
Nag rerewind sa isip niya ang mga muscles nito sa katawan na palatandaan na lagi itong babad sa gymn.
Sa tantiya din niya ay maayos itong trabaho dahil sa mahusay itong magdala ng damit.
Mamula mula din ang mga labi na para bang laging nag aanyaya ng isang halik.
Natatandaan pa niya kung paanong nagmamadali siyang bumaba ng condo nang magising siya nang umagang iyon at ma realize niya may nangyari sa kanilang dalawa.
Ni hindi na niya nagawang itanong ang pangalan nito sa tindi ng kaba.
Oo wala siyang pinagsisisihan pero yung fact na may makakita sa kanyang kakilala na nasa hotel at kasama ito ang iniiwasan niya.
Bigla kasing sumagi sa isip niya na baka may asawa na ang lalaki at bigla na lang siyang sugurin.
Isa pa ayaw rin naman niyang makasakit ng damdamin ng kapuwa babae.
Lalog higit wala rin naman siya planong maghabol kung sakali!
Sinubukan niyang baguhin ang position sa pagtulog dahil baka iyon ang kailangan para lubos siyang makapag pahinga.
"Ang hirap naman baby, kausap niya sa kanyang anak..kahit pumikit ako Tatay mo pa rin nakikita ko.. pasensya na anak matutulad ka sa akin lalaki ka rin na hindi kumpleto ang pamilya mo... pero ok lang naman yun sa ito di ba?"
"Hwag ka mag-alala anak kahit na tayo lang dalawa magiging masaya ka pa rin kasama ako..ikaw at ako lang sapat na..." bulong ni Lyndsay sa impis niyang tiyan.