“SIGE na, Honey. Pumasok ka na sa kuwarto mo para makapagpahinga ka na rin,” nakangiting wika ni Rhodri habang nakasandal sa labas ng pinto ng kuwarto ni Dom. “Ikaw rin, Dad. Kailangan mong matulog ng maaga dahil may trabaho ka pa bukas, ‘di ba?” tugon ni Dom. Umiling si Rhodri. “Naka-leave ako ng dalawang linggo.” Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ni Dom nang marinig niya ang sinabi ni Rhodri, tanda ng kaligayahang nararamdaman niya. “Ibig sabihin, dalawang linggo ko rin siyang makakasama rito sa mansion?” bulong ni Dom sa kaniyang sarili. “Siya nga pala, Honey. May ibibigay ako sa iyo.” Inilabas ni Rhod mula sa kaniyang bulsa ang limang gift certificate na naglalaman ng tig-limampung libong piso. Nanlaki ang mga mata ni Dom nang makita ito. “Para saan po ito, Dad? Ang laking h

