KABANATA 1
False fairy tale
At first I was a big fan of fairy tales. I even have collection of Disney princess gowns and stuffs. From bed sheets, bed cover, comforter. I even requested to paint the whole house like what I saw on YouTube, but of course they didn’t. Who would allow to make their house being painted like that?
Napakahaba ng diskusyon na yun. Nag-aaway pa kami kasi gusto ko buong bahay pero ang gusto nila kwarto ko lang. I was in high school at that time. Grade 8 to be specific.
“Honey, we cannot paint the whole house like what you want.” pang-aalo sa akin ni Daddy. Nasa study kami dahil parati kaming nandoon pag may pag-uusapan na bagay.
“But I wanted it to be like those on the fairy tales!” sigaw ko dahil sa galit. Gusto ko na ngang mag pagugulong sa galit. Gusto ko ng magwala, pero hindi ko ginawa dahil mas lalo nila akong hindi papayagan.
Humarap si Mommy sa akin. “Ise, hindi lahat ng gugustohin mo ay susundin at ibibigay namin. Kailangan ka naming icontrol. Masyado ka nang spoiled.” Mariing saad nito.
Nilingon ko si Daddy. Ever since I was a Daddy’s girl. Close kami ni Mommy, pero iba parin ang bond namin ni Daddy. Lahat ng problema ko sa pinaka maliit hanggang sa pinakamalaki. Lahat ng sekreto ko ay sinasabi ko dito, kahit crush nga na dapat ay sinasabi ko kay Mommy ay kay Daddy ko dinideritso. Kaya pag mayroong ganito na diskosyon ay di Daddy palagi ang sinasabihan ko dahil payag ito palagi, kahit gaano pa Ito ka mahal o kahirap gawin ay gagawa at gagawa ito ng paraan para maibigay Ito sa akin.
Napailing na bumuntong hininga na lang si Daddy. And I know that it’s a bad sign. “I’m sorry honey. Pero si Mommy mo ang may karapatan para sa mga ganyan na bagay, lalo na at idadamay mo ang buong bahay sa plano mo.”
Para akong binagsakan ng langit sa sinabi no Daddy. Hindi ko matanggap na mas kinampihan ni Daddy si Mommy kaysa sa akin. Dapat ako ang kinakampihan niya.
“It is really a serious thing Ise dahil pinag-uusapan natin ang buong bahay. And gusto mo pa talaga na pinturahan ang buong bahay. You are obsessed Ise. Hindi na ito normal na pagkahilig. This is too much!” Eksahiradang turan ni Mommy. I just rolled my eyes, she’s always over reacting. “At diba sinabi ko na dapat mo na talaga iyang bawas-bawasan dahil hindi ipinagbabawal iyon ng etiquette teacher mo? It’s childish my dear. Kailangan mo ng ayusin Ang sarili mo and be a prim and proper in any ways.” Yan, yan yung ayaw niya sa Mommy niya. Pinagdudut-dutan na kailangan maging perpekto sa bawat galaw at kilos sa harapan ng mga tao para magustuhan Ng mga Ito.
Lumipas ang mga araw at wala parin talaga akong magawa. Hindi nila ako pinayagan, kaya hindi ko sineryoso Ang bawat lessons ko. I just take it lightly, kahit pagkakamali ko ay wala akong pake, basta maipakita ko sa kanila na nagtatampo ako. I rebeled.
ALUMPYLOVESTORY