Kabanata 9
Siblings
Hindi magkanda ugaga sa paghahanda sina Manang. Ngayon kasi darating kasi ang mga kapatid ko. Galing sa southern part sa cebu, it’s Sibonga doon ang tirahan ng ama ng mga kapatid ko kay Mommy, ang kapatid ko naman Kay Daddy ay galing sa Asturias northern part of Cebu.
I feel guilty, dahil ako pa ang dahilan kung bakit hindi na alagaan ang mga kapatid ko. I should be the one giving them the time of my parents. Kaya sinabi ko sa kanila a week after nung sinabi nila sa akin Ang katutuhanan.
“I want to meet them.”
“Pero Ise hindi pwede dahil baka magalit ang Lolo at Lola mo.” Sabi ni Mommy. Well alam ko naman na mangyayari yan kaya sinabihan ko na sila Lola.
“Don’t worry My, nasabi ko na ito kina Lola at Lolo, they are okay.” Dahil nagalit ako dahil I am an unwanted child. I was just born because of this marriage.
“How did you…” nanlalaki ang mga mata ni Mommy at Daddy. Bumadha sa mukha nito ang pagkagulat. I am me, Ang isang Paradise Biantecilia ay nakukuha ang lahat Ng gugustohin nito, and that’s me.
I shrugged at them. “My, gusto ko, by next week ay makita ko na sila at makilala. It is school days and maybe they are busy with their studies, but I want them by weekend, next week, in this house, impromptu. I also want to visit where they are living all these years. This Christmas I want us to celebrate at Asturias, and when summer, I want us to go to Sibonga. I want to spend my summer there.”
“O-okay, honey.” Kahit naguguluhan ay tumango si Daddy. “But before that, are you really sure, as in very sure about meeting your siblings?” tanong ni Daddy. Halata parin sa mukha nito Ang pagkagulat.
Tumango ako. “I don’t have any choice.”
“Yes you have Ise.” Si Mommy. I rolled my eyes at her.
“Of course My… but meeting them would come. Not now, but soon. Pina-aga ko lang naman.” Pagkatapos nun ay hindi na nagtanong sina Mommy.
I just spent my whole week like nothing happened. Parang wala akong nalaman na sekreto ng mga magulang ko. I even did my regular schedule at my favorite parlour and tutorials. I invited my friends pag Sunday para hindi masyadong tense Ang mga tao sa bahay.
“Anong meron?” Si Marah. I invited them but it’s up to them.
“Do I need a reason to invite you in my house?” I ask.
“Sige, punta kami. Basta kahit anong gawin namin okay lang ha?” I nod at Shaine. They started to talk about what they are going to do. Tunapunan ako ni Eva Ng tissue sa mukha. Nagsalubong ang kilay ko sa kanya.
“What?” I spat.
“Cr Lang ako.” Paalam nito. I nodded at her. She wiggle her brows. Hayst… magtatanong na naman ito.
Pagkapasok nito sa cr ay nagpa-alam na rin ako sa dalawa na busy sa pag-uusap. Tango lang Ang sinagot Ng mga to. Mga walang kwenta. Pumasok na ako sa cr at hinarap Ang isang Ito na nakasandal sa marmol na lababo.
“Spill it.” Hay… Alam na alam talaga nito kung ano Ang problema ko. Best friend ko talaga to.
“Wag kang manghuhusga.” Pagbabanta ko dito. Minsan kasi masyadong matabil Ang bibig nito, walang preno. Kung anong gusto nitong sabihin ay sasabihin nito, kahit lalabas na insensitive ito.
“Oo na.” she rolled her eyes on me.
“May bisita kami this weekend…” putol ko. Hinintay ko ang reaksyon nito.
“And?” she said. Sarcasm is in the air!
“Kasi ganito kasi yun…” I took a deep breath. “I have siblings. Mark the ‘s’, so marami okay?” bumadha sa mukha nito Ang pagkagulat. Syempre sinong hindi? Ako nga nagulat Yung iba pa kaya?
“W-wait, may kapatid ka? Lalaki o babae? Ilan? Gwapo? Mas matanda sayo o masbata? Ilang taon Ang agwat niyo? Kailan sila darating, ay oo nga pala this weekend. So, ano na?” sunod-sunod na tanong nito. I rolled my eyes at her. Hay, mukhang Wala akong makukuhang suporta dito. It would only turn out boys hunting…
“Bat ka ba ngumingiwi diyan ha! Sabihin mo na kasi. May ka suspense ka pa diyan.”
“Oo na-“
“Anong oo na?” putol nito sa akin. Hay nako.
“Excited much?” Humugot muna ako ng lakas Ng loob. “May babae akong kapatid-“
“Wala bang lalaki Kang kapatid?” putol na naman nito sa akin.
“Tatapusin ko ba o hindi?”
Mabilis naman itong kumalma. “Sige tapusin muna, mabulilyaso pa ang plano kong mag-asawa Ng maaga.” Sabi nito. Hay, iba talaga ang isang to, nakalimutan ko tuloy Kong bakit ko naging best friend to.
“I have a siblings, tatlo kay Mommy, it’s triplets, isa kay Daddy. Kay Daddy ay isang lalaki-“ tumili Ito Ng marinig ang salitang lalaki. Hay nako. “-at Kay Mommy ay dalawang lalaki at isang babae, apat taon Ang agwat namin. Sa lalaki namang anak ni Daddy ay dalawa. So we need to meet them, kahit wala Lang yang dalawang yan.” Sabi ko sabay turo sa labas ng cr. Tumango naman ito. “I only need your moral support for me, kahit Alam kong magiging busy ka sa pagpipyesta Ng mata mo sa mga kapatid Kong lalaki.” Pasaring kong sabi.
Tumawa naman ito, halatang guilty. “Asus, kahit puro babae pa yung kapatid mo okay lang no, bunos na lang dahil Isa lang yung babae.” Humagikhik ito. Mukhang mapapasabak ako nito dahil sa isang ‘to.
“Ewan ko sayo. Basta Ang importante ay ikaw, wala namang kwenta ang dalawang yun eh.” Ngumiti Ito.
“Okay ka lang ba talaga dun? Diba masyadong awkward na nandoon ako, hindi mo naman ako kapatid eh.” Sabi nito. Halatang gusto lang magpapilit na isama para hindi masyadong kahiya-hiya.
“Oo na, sabihin mo na lang Kung mayroong magtatanong na pinapunta Kita doon.” Sabi ko.
ALUMPYLOVESTORY