CHAPTER 04

1341 Words
Lovebele Kanina pa akong pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room habang nasa loob si Bebeng ginagamot ng duty doktor. Umupo ako sa tabi ni Analisa hinawakan ko ang palad niya. “Besh natatakot ako baka kung ano na ang nangyari sa kapatid ko,” anang ko kinukurot ko ang palad ko. “Gaga, lalo kang kinakabahan kasi nga ang likot mo. Maaari bang pumirmi ka ng upo. Ako nga kanina pa nahihilo sa ‘yo,” saad ng bestfriend ko sa 'kin. Lumabas ang doktor na kasama ni Bebeng sa loob. Hinahanap nito kung sino ang kamag-anak ni Bebeng. Nagtaas ako ng kamay pinalapit n'ya ako. “Dok, kumusta po ang kapatid ko?” “Nalinis na namin sugat niya. Malaki kasi ang sugat no choice tinahi namin ng gayon maampat ang pagdurugo,” wika nito't pagkatapos bumaling sa hawak na medyo may kakapalan na papel binuklat nito ang hawak na papel. Kapagkuwan nagsulat ito at nang matapos bumalik ng tingin sa ‘kin. “Request ito para sa head CT scan ng kapatid mo. D'yan lang sa harap mayroon sila. Kapag nakapag palista ka na. Balikan mo ang kapatid mo para maisagawa na ngayon.” “Sige ho, dok. Pupunta na ako.” Nagpaalam ako sa kaibigan ko. Si Jaya gustong sumama sabi ko ako na lang mabilis lang naman ako. Babalik din agad ako. Pagdating ko sa sinasabi ni dok na CT scan corner. Walang tao kaya mabilis akong bumalik sa ospital binalikan ko si Bebeng. Mabilis lang natapos muli kaming bumalik sa ospital ni Bebeng. Dito pa kami matutulog kasi bukas pa ng tanghali ang result ayon sa radiologist. Pagdating ng hapon umuwi si Analisa. Kasi may pasok din ang kaibigan ko. Binilin ko dalhin niya pauwi ang bag ko na naiwan sa locker. “Besh, kahit kami na rito kasi alam ko puyat ka mamaya.” “Maliit aa bagay. Matutulog naman muna ako bago pumarito.Tanghali pa naman diba ang labas ni Bebeng?” “Oo ikaw lang kasi puyat ka pa naman niyan.” “Kayang-kaya beshy no worries,” sabi nito. Naiwan kami ni Jaya. Bukas daw Sabi ni Doktora lalabas si Bebeng kung wala naman problema sa result ng CT scan niya. Kinabukasan nakuha namin ng alas-nueve ng umaga ng result. Dumating din si Analisa sakto pauwi kami. “Swerte pa rin ang kapatid n'yo kasi mababaw lang ang natamong sugat. Wala akong nakita sa result ng CT scan. Maaari na kayong umuwi ngayon. Ang reseta niyang gamot tuloy ang inom ha? Especially the antibiotics. Saktong seven days.” Bilin ng doktor bago kami iwanan. Nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib. Mabuti talaga maayos lang ang kapatid ko kun'di ewan ko na lang kung anong magawa ko sa Tiya Lena. Ala-una ng tanghali kasama na namin si Bebeng lumabas ng ospital. Kina Analisa pa rin muna kami umuwi. Pansamantala lang kasi hindi ko pa nakausap ang may-ari ng apartment na tirahan namin. Isa pa naroon pa ang susi hindi pa binigay sa ‘kin. Pagdating namin ng M. Dela Cruz. Mga marites nag-uumpukan puro tsismis inaatupag sa kalsada. Kaya walang asenso ang mga tao rito sa lugar namin. Dahil imbis na magtrabaho inuuna ang walang kabuluhang chismisan. Ending halos mga bata rito. Kapag hindi maagap nag-asawa. Hindi nakatapos mag-aral. “Mabuti naman walang masamang nangyare kay Bebeng,” nag-aalala na sinalubong kami sa pinto pa lang ng Nanay ni Analisa na si Aling Sally. “Oo nga ‘nay eh. Sobrang natakot po ako,” tugon ko sa kaniya. Nanay ang tawag ko sa Aling Sally. Nakasanayan ko na. Tinapik niya ako sa balikat. “Hindi pa rin talaga magtatagumpay ang masama laban sa kabutihan. Siya magpahinga na kayong lahat. Lalo na si Bebeng, ako'y sa talipapa bibili ng mailulutong hapunan mamaya," anang nito bago kami iwanan lumabas ng pinto. “Besh, okay na kami dito pahinga ka na rin pare-pareho tayong mga pagod.” “Saglit lang ako iidlip besh. Mamaya tayo chikahan.” “Ate ako rin maari ba akong matulog muna?” tanong ni Jaya. Baka pagod din ito kasi pareho kami hindi makatulog kagabi nag-aalala sa bunso naming kapatid. “Oo naman Jaya. Dadalhin ko na rin si Bebeng sa kuwarto. Sakto may kasama siya,” “Ate pahinga muna tayo,” niyaya ako ni Bebeng. “Wala ka pang tulog,” dugtong nito nakatitig sa mukha ko. “Sige na nga,” pagpayag ko. Tumayo muna ako upang i-locked ang pinto. Iiwan ko sana muna sila rito upang puntahan ang lilipatan naming bahay. Magsisikap ako para hindi kami mapaalis kapag wala akong pambayad. Hinawakan ni Bebeng ang palad ko. “Bakit bunso?” tanong ko. “Ate, salamat po ah. Palagi na lang kami pabigat sa ‘yo. Iyan tuloy hindi ka na nagka jowa dahil sa amin ni Ate Jaya.” “Ikaw talaga bata pa alam na jowa. Ayos lang kahit wala akong jowa. May dalawa naman akong kapatid na magaganda at mabait.” “Hayaan mo ate. Kapag ako'y maging mayaman na mayaman. Hindi ka na mahihirapan mag trabaho,” sabi pa ni Bebeng. “Sarap naman niyang pakinggan. Pero ‘wag muna iyan ang isipin natin. Kasi mga bata pa kayo. Ang magandang gawin aral kayo pareho ng mabuti. Ang Ate na ang bahala sa lahat.” Napangiti pa ako ng pareho nila akong niyakap. “I love you, Ate Lovebele. The best kang ate sa buong unibers,” saad ni Bebeng. “Ako rin naman. Mahal na mahal ko kayo ng Ate Jaya. Tara na pahinga muna tayo tatlo,” wika ko kasi kanina ko pa gustong matulog masama ang pakiramdam ko pinipilit ko lang maging okay para hindi nila ako mahalata. May extrang k'warto sila Analisa. Kasi dati itong silid ng Kuya niya noong hindi pa nag-aasawa. Bumukod kasi simula ng magkaroon ng pamilya. Sa ibang lugar nakatira hindi rito sa M. Dela Cruz. Kaya kapag kami narito sa bahay ng kaibigan ko. Dito kami natutulog sa bakanteng silid ng Kuya nito. Kasya kaming tatlo sa kama. Medyo masikip ngunit kere lang. Dahil ligtas naman kaming tatlo sa bahay ng Aling Sally. Ang balak kong pagidlip humaba. Inabot ako ng alas kuwatro ng hapon. Mabigat ang katawan ko ngunit binulabog kami ng malakas na katok sa labas. Nagising ang dalawa naramdaman ko iyon. Mahirap lang idilat ang aking mata. Naulinigan ko nagbubulungan ang dalawa kong kapatid na kung maysakit daw ba ako kasi ang init ko raw. Sumunod boses ni Tiyang sa labas. Nag-init ang ulo ko naalala ko ang ginawa nito sa kapatid ko. “Ate!” saad ng dalawa. “Hindi ako mapapahamak, pangako,” ani ko sa dalawa. Dahan-dahan akong bumangon ngunit ang init talaga ng katawan ko. Kahit nanginginig ang tuhod ko pinilit kong magtungo sa pinto. “Nandyan iyan sa loob mamang pulis. Hoy babae! Ilabas mo ang matapang mong kaibigan nasaan na siya ngayon.” “Subukan n'yong mayroon pumasok sa loob ng bahay namin. Dedemanda ko. kayong lahat! Trespassing kayo,” binulyawan din ng kaibigan ko si Tiyang Lena. Sumulpot ako si Tiya Lena agad ang nakakita sa akin nanlilisik ang mata. “Sabi ko na nasa loob lang iyan. Sige hulihin n'yo iyang babaeng iyan. Nakita n'yo itong mga pasa ko sa magkabila kong tuhod at mga gasgas sa magkabilang braso. Pinagtangkaan akong patayin niyang babaeng iyan.” “Kapal ng mukha mo Tiya Lena. Bagay lang sa ‘yo ang nangyare dahil ang sama mo! Lumayas kayo rito,” “Ano pa ang ginagawa n'yo hulihin iyang babaeng ‘yan,” galit na sabi ni Tiya Lena. “What's going on here?” “S-Scott?” --------------- AUTHOR NOTE! Pasensya na po talaga mga ma'am. Hindi po ito magkakaroon ng dugtong dito kasi exclusive po sila sa kabila po sa GN app. Matagal ko na dapat ito binura kaya lang po hindi siya ma-delete pasensya na po ulit mga ma'am. Malapit na sila matapos doon. Sa may app po ng G00d NOvEl. Sorry po ulit kung wala na sila karugtong dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD